Wala naman akong plano na sagutin ang tanong ni ate patungkol sa taong nagbabayad ng bills ko rito sa hospital. Although alam kong dapat na sabihin ko sa kaniya kasi baka naman, kung sakali lang, ay matulungan niya ko, siguro hindi ko muna sasabihin sa ngayon.
Pumasok ang isang doktor para i-check ako at sinabing hindi naman ganon kalala ang pagkakabagok ng ulo ko kaya maaari na akong umuwi mamaya.
Naisip ko pang magpasalamat sa taong nagbabayad ng bills ko kasi at least hindi na ma s-stress si ate kung saan hahanap ng pera, pero siya nga pala ang may kasalanan kung bakit ako narito kaya wag na lang.
"Cellphone mo." Ani ate saka inilahad ang cellphone ko na tinanggap ko naman.
Napansin kong basag na ito pero hindi naman ganon kalala tsaka tempered glass lang naman yon. Naalala ko nga pala na hinampas ko to roon sa lalaki kaya siguro may basag na.
"May mga missed calls d'yan tsaka mga text. Tryp yung pangalan." Aniya bago tumingin sa akin at pinagmasdan pa ako ng ilang sandali.
"Sino yon? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya, ah? Kaibigan mo ba?" Pag-iintriga niya.
Umiling naman ako. "Kakilala lang."
Binuksan ko ang cellphone at nakita ang napakaraming missed calls at text mula kay Tryp na agad kong binasa.
Tryp:
Sorry for what happened.Tryp:
Hindi ko naisip na maaaring mangyari yon sayo. I'm really sorry.May mga ilan pa akong nabasa pero dahil masyadong marami, ini-scroll ko na lang at pinagpokusan yung latest niyang message.
Tryp:
Kapag nagising ka na at nabasa mo ang messages ko sayo, please text me back. I'm so worried.Tryp:
I miss you, nep. Get well soon.Napaisip ako sa mga sinabi niya at nagtipa ng maaaring i-reply sa kaniya.
Ako:
Ikaw yon?Ako:
Yung lalaki sa restroom?Tryp:
You're awake?Tryp:
How are you? Masakit ba ang ulo mo? Tell me.Ako:
Sagutin mo muna ako.Makailan pang segundo bago siya tuluyang nag reply.
Tryp:
Yes.Napasinghap ako sa sagot niya kahit inaasahan ko naman talaga yon. Ano naman kaya ang pakay sa akin ng tao na to? At paano niya naman kaya ako nakilala?
Unti-unti akong nakaramdam ng pagkairita at galit dahil naalala ko bigla yung ginawa niya sakin sa restroom. Ang kapal ng hayop na to! Ang kapal ng muka niya para mag-alala pa after niya ko i-harass!
Ako:
Alam mo? Hindi ko alam kung bakit nagagawa mo pang mag message sa akin.Ako:
Ang kapal ng muka mo para mag message pa!Tryp:
I'm sorry, i was just really worried after what happened.Hindi na ako nag-abala pang mag reply at binlock na ang number niya sa phone ko para hindi na siya magkaron pa ng connection sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/284852129-288-k265578.jpg)