"Panong nagkapalit?" nagtataranta pa ring tanong nya. Hindi na tuloy matigil ang paghalakhak ko.
Bakit kailangan nya pang itago sakin? Ako naman ang bestfriend nya. Wala naman akong pagsasabihan. Hindi naman din ako madaldal.
Naalala ko tuloy ang usapan namin sa cellphone kagabi. Inakusahan nyang nakikipag date si sir. Kendrick sa lalaki tapos malalaman kong boyfriend nya naman pala? Ayos din tong isang to, e.
"Sus, elle.. Bakit hindi mo sinabi sakin? Konti na lang talaga magtatampo na ko sayo, e." nakanguso kong sabi sakanya.
Hindi ko alam kung magaling lang ba talaga syang umarte kasi hindi nya parin makuha ang ibig kong sabihin, kunwari pang nagtataka sa sinasabi ko.
"Ha? Ang alin ba?" tanong nya na medyo may iritasyon na sa boses.
"Hay, naku! Sige, mag panggap ka pang hindi mo alam. Grabe ka na, a? Nagsisimula na kong magtampo sayo." wika ko sa mababang tono pero mukang hindi nya parin ako gets kaya nginiwian ko na sya.
"Nag kapalit tayo ng paper bag, no? Ikaw, a? Boyfriend pala.." pang-aasar ko sakanya. Tatawa na sana ako nang mapansing nakakunot ang nuo nya.
"Pinag-sasabi mo? Boyfriend ka dyan, di nga ako pwede'ng mag boyfriend, e." pikon na sabi nya sakin.
"Tsaka panong nagkapalit? May pangalan nga yung paper bags, e." sabi nya pa sabay turo sa hawakan ng paper bag kung saan nakalagay ang tags. "Yan, oh!"
Natahimik tuloy ako bago sinilip ang paper bag na binigay sakin. Nakalagay ang pangalan ko sa tags kaya mas lalo akong natahimik.
Baka naman nag kamali lang ng nasulatan kasi mag kakulay yung paper bag?
Gusto ko man na paniwalain ang sarili kong yon nga ang dahilan pero nang silipin ko ang gift para sana ipakita kay elle, nakita kong nakalagay ang pangalan ko sa paper tag na naka sabit sa ribbon.
To: Nephthys
From: BoyfriendNakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa nabasa. Ibig sabihin, para talaga to sakin? Pero boyfriend? Wala naman akong boyfriend. Si Rohesia.. Hindi ko naman sya boyfriend, e.
Tsaka, si sir. Kendrick ang nagbigay ng paper bag na to? Sakanya ba galing ang sulat na nabasa ko? Ayokong mag-isip ng hindi maganda tungkol sakanya dahil napakagandang image ang ipinapakita nya sa school at napaka imposible ng iniisip ko tungkol sa paper bag na binigay nya.
Gusto ko man isipin na pa-thankyou nya lang ito samin, wala namang pumapasok na dahilan sa isip ko para mag thankyou sya samin at bigyan kami ng ganto. Isa pa, may nakalagay na; from: boyfriend sa tags kaya medyo napapaisip ako.
Pilit akong tumawa, "Ay wala pala!" ani ko sabay tawa ulit. Nakatitig lang naman sya sakin tapos inirapan ako bago muling sumubo.
"Alam mo...para kang tanga, kumain ka na lang kaya?" inis na sabi nito sakin kaya napatango-tango na lang ako.
Labag man sa kalooban, binuksan ko ang laman ng tupperware at agad na sumampal sa ilong ko ang mabangong amoy ng pagkain. Kagat labi kong tinitigan ang pagkain saka dahan-dahang hinawakan ang kutsara na nakapatong sa takip ng tupperware.
Natatakam kong inilapit ang kutsara na may pagkain sa aking bibig at isinubo. Ilang segundo muna ang lumipas bago ko ito tuluyang nguyain.
Ang sarap. Hindi na ako magsisinungaling. Ang sarap magluto ni sir. Kendrick. Pamilyar sakin ang mga putahe na nasa tupperware dahil madalas itong lutuin ni ate pero parang mas masarap yata ang luto ni sir.