Naglalakad na ko pauwi sa bahay. Hanggang ngayon, lutang pa rin ang isip ko. Habang buhay na kahihiyan ang nangyari sakin kanina. Hindi din ako nag kamali sa sinabing madaming mang-uusisa samin.
Gusto ko na ngang kalimutan pero panay ang tanong ng mga classmate ko. At ang malala pa, nakita din pala yon ng mga taga kabilang section. Syempre kumalat yon at nakarating kina Rohesia.
"Aish!" bulong ko sabay pandyak dahil nag f-flashback nanaman ulit ang nanyari kanina.
Idagdag pang muntik ko ng hindi maabot ang passing score sa quiz kanina. Tapos bago lumabas si ma'am sa room namin, pinaalala nya yung rules nya at pinagsabihan kaming dalawa ni Eileithyia tungkol sa nangyari.
Lubayan nyo na ko please!
Nang makarating ako sa bahay, si ate ang unang bumungad sakin. Naka upo sya sa sofa habang busy sa cellphone. Na curious tuloy ako kung ano ang pinagkakaabalahan nya sa phone nya kasi may pangiti-ngiti pang nalalaman.
Peke akong umubo para mapansin nyang nasa pintuan ako.
"Nandyan ka na pala. Nagluto na ko ng ulam tsaka nagsaing na. Kumain ka na lang dyan." wika nya. Hindi pa rin sya tumitingin sa gawi ko dahil nakatutok ang pares ng mga mata nya sa screen ng cellphone na parang may inaantay.
Hindi ko sya kinibo at dumiretso na lang sa kwarto.
Inilapag ko ang bag sa higaan saka kinuha ang cellphone para i-check kung meron bang nag message sakin.
Hindi naman ako nagkamali dahil may nag message na naman sakin. Hindi ko nga lang inaasahan kung sino iyon.
Unknown number:
Wag mong masyadong isipin ang nangyari kanina, Nephthys. Baka ma stress ka. Just act like nothing happened.Unknown number:
No worries, hindi naman yon magiging malaking issue sa school.Napakunot ang nuo ko sa nabasa. Mukang kanina pa itong message na to, ngayon ko lang nakita. Siguro naglalakad na ako nito pauwi dahil base sa oras kung kelan nya sinend ang message ay uwian na.
Nakakapagtakang alam nya ang nangyari sa school kanina. Pano nya ba yon nalaman? Nakarating ba sakanya ang balitang yon dahil sa mga usiserang students? Nasan sya kung ganon? Nasa iisang building lang ba kami? Iisang floor? Classmate ko ba sya? O iba ang strand nya, sadyang mabilis lang kumalat ang balita?
Ni-reply-an ko ito.
Ako:
Sino ka po ba?Ako:
Magkakilala ba tayo? Tsaka san mo nakuha ang number ko?Ako:
Pano mo nalaman yung nangyari kanina?Mabilis kong pinindot ang send button tsaka matyagang naghintay para sakanyang reply pero bigo ako. Halos kalahating oras kong hinintay ang reply nya pero wala.
Nagkibit balikat na lang ako at isinawalang bahala ang paghihintay. Baka nantitrip lang talaga tong may-ari ng unregistered number sa cellphone ko.
Napahampas na lang ako sa ere bago tanggalin sa pagkakabutones ang uniform ko upang makapag palit na ng damit.
Hay naku. Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras ang number na yon?
Pero na c-curious talaga ako. Bat ba kasi sya text ng text sakin?
Bat mo naman ba kasi nirereply-an?
Napailing ako sa naisip. Oo nga naman kasi. Wag ko na lang din reply-an ang number na yon para wala ng text-text na magaganap. Tss.