CHAPTER 7

75 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na i-reply sakanya matapos basahin ang chat nya sakin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Ayaw ko naman din na mag assume dahil baka mali naman ang nasa isip ko.

Sa sobrang pag-iisip ng i-r-reply ko sakanya, nabusinahan ako ng sasakyan. Sa mismong kalsada na pala ako nag lalakad, hindi na sa side walk. Masyado kong iniisip ang sasabihin sakanya.

Okay. Hindi ko na lang sya i-b-block.

Pero hindi na rin ako mag r-reply sakanya. Mas maganda ang ideyang yon. I m-mute ko na lang sya para hindi na mag notif sakin ang mga chat nya.

Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang maka-uwi sa bahay. Ilang beses pa akong bumuntong hininga bago hawiin ang kurtina'ng nagsisilbing pinto ng kwarto ko saka pabagsak na binitawan ang mga gamit sa kama.

Nagpasiya ako na maligo na lang dahil papasok naman din ako ng trabaho. Para lang matanggal yung amoy pawis sa katawan ko at syempre para hindi na rin malagkit sa feeling.

Habang naliligo ako, bigla namang sumulpot sa isipan ko ang pangyayari kanina, yung doon sa pagkain? Yung paper bag na galing kay sir. Kendrick?

Sakanya kaya galing yung sulat?

Posible rin. Sya kasi nagbigay nung lunch ibig sabihin may chance na sakanya rin galing yung sulat at gift. Pero bakit sya nagsulat ng ganon? Ayaw kong mag assume pero bakit may boyfriend na nakalagay don.

Gusto ko mang isipin na para talaga yon kay elle ay hindi ko magawa. Seryoso? Medyo na c-cringe ako sa sulat na galing siguro sakanya.

If ever man na galing nga sakanya yon, baka kilabutan ako ng sobra. Ano bang pumasok sa isip nya at binigyan ako ng sulat? Yuck! Di nya ba naisip na estudyante ako at teacher sya? Kahit hindi ko sya teacher at kahit hindi nya ako estudyante, teacher pa rin sya! At estudyante pa rin ako sa school kung saan sya nagtuturo!

Kadiri naman. Sana naisip nya na pwede syang makulong o matanggalan ng lisensya sa pagiging guro. Hindi porket mataas ang posisyon nya sa school at takot sakanya ang mga estudyante, pwede nya ng gawin yung mga bagay na hindi dapat.

Tinapos ko ang pagligo habang nakikipagtalo sa isip ko tungkol sa mga weird na bagay na nagyari ngayong araw. Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang ng twalya saka nagmamadaling nagbihis.

Nang matapos ay bumaling sa kama upang buksan ang box na nakabalot sa gift wrapper at nakalagay sa paper bag. Curious pa rin ako sa laman nito. Malay ko kung may sulat pang nakapaloob dito.

Nilabas ko ito sa paper bag at sinumulang sirain ang ribbon na nakakabit dito, sunod naman ang gift wrapper na nakabalot. At gaya ng sabi ko kanina, Isang kahon na medyo may kalakihan pero sakto lang sa paper bag ang tumambad sakin. Unti-unti kong binuksan ang kahon at sinilip ang laman non.

Pagkadismaya at takot.

Yon ang naramdaman ko ng makita ang laman nito.

Tatlong pares ng underwear ang nakapaloob sa kahon. Hindi ko alam kung anong tawag sa ganitong klase ng mga bra at panty na magkakapares, parang hindi naman to normal na underwear kasi hindi ganito ang mga sinusuot ko. Masyadong revealing ang mga to.

May dress din na kulay itim. Inilabas ko ito saka ibunuklat mula sa maayos na pagkakatupi at napag-alaman na lingerie ito. Madalas akong makakita ng ganito sa palabas kaya alam kong lingerie ang tawag dito. Meron ring ganito si ate pero hindi nya na nasusuot.

Sa loob ng kahon ay mga pictures na muka ko ang nakalagay. Dinampot ko sila isa-isa at tiningnan kung wala akong dapat na ikapangamba sa mga litrato.

Limang pictures ko ang nandon, medyo malaki ng onti sa wallet size yung laki nya. Hindi ko alam kung pano nya ko nakuhanan ng picture ng hindi ko napapansin. Sa iba't ibang lugar yung background nung pictures, at nakakatakot isipin na sinusundan nya ako. Mabuti na lang at maayos ang mga litrato na nakalagay dito.

Professor Where stories live. Discover now