Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kaya gusto kong malaman kung ano at sino ba ang taong nasa likod ng nangyayari kay elle. Naaawa ako pero wala naman akong magawa lalo pa’t wala naman siyang balak aminin kung sino yon at kung ano-ano ang mga nalalaman niya.Sinigurado kong nakalock lahat sa bahay niya bago ako umuwi sa amin. Sumakay na lang ako ng tricycle pauwi dahil madaling araw na.
-
“In character sa pagiging chinita ah?” Biro sakin ng kaklaseng lalaki. Nginitian ko na lang siya kasi hindi ko magets.
“Uy! Si elle?” Tanong ng isang kaklase bago ako makaupo.
“ Wala, hindi yon papasok. Masama pakiramdam.” Sagot ko.
“Hala? Tanginang yan, siya pa naman mag r-report mamaya.” Iritadong sambit niya.
“Bakit, hindi ba siya nagsabi kagabi?”
“Nagsabi pero akala ko binibiro niya lang kami para pakabahin. Tanginang yan, totoo pala.” Aniya at parang nagdabog pa bago umalis sa harap ko.
Hinagilap ko ang cellphone ko sa bag dahil sa pag v-vibrate nito. Medyo inexpect ko ng onti na si tryp na naman to gamit ang bagong number pero hindi.
Si Rohesia!
Halos makalimutan ko na siya dahil sa mga nangyayari sa akin! Fuckshit! Tumawag siya!
“H-hello?” Kinakabahan pero nangingiti kong bati sa kabilang linya.
“Hey…” Sagot ng nasa kabilang linya.
Kagat-kagat ko ang kuko sa index finger dahil sa excitement na nararamdaman. Para siguro akong tanga ngayon. Pero kasi natutuwa ako na tumawag siya matapos ng lahat! I think dapat ‘tong i-celebrate talaga!
“I was worried about you. Hindi kita gaanong nakikita sa school kaya…” Nagpakawala siya ng buntong hininga pagkatapos.
“But anyway, how are you? Balita ko from your sister na someone paid for your bills? I thought of helping you paying for it pa naman but it’s okay—”
“Ha?! Di mo naman need tumulong kasi okay naman na tsaka ano… keri naman namin talaga yung bills, eh. Sadyang may t-tumulong lang.” taranta kong putol sa kaniya.
“Is that so? Sino naman ‘yon sa tingin mo?”
Malay ko tangina. Need ba sagutin ‘to, e kitang ayaw kong pag-usapan ‘yong tanginang tryp na ‘yon.
Pero okay, di naman niya alam yung tungkol don.
“Ewan ko rin, e. Baka kamag-anak lang ganon.”
“Really? You don’t need to hide anything from me, Nep. It’s fine if you’re seeing someone—”
“Huh?! Ano bang sinasabi mo riyan?” Gulantang kong tanong. Napatingin pa sakin ang ilang kaklase dahil sa biglaang pagtaas ng boses.
Okay, what the fuck?
Anong pinagsasasabi ni Rohesia? Saan niya nakuha ‘yang mga sinasabi niya? Gusto ko mang isipin na baka conclusion niya lang ‘yon at na baka nagseselos lang siya sa kung ano mang iniisip niya pero hindi, e. Hindi talaga.
“Kaya talaga ako tumawag sayo kasi hindi ko na kayang isipin ‘yon.”
“Ang alin ba?” Kabado kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/284852129-288-k265578.jpg)