"Sino po ba yung nag hahanap sakin?" paninigurado kong tanong. Gusto kong malaman kung tama nga ang hinala ko kung sino.
Sinabi ng manager ang pangalan at hindi nga ako nagkamali. Tinanong ako ng manager kung kilala ko ba yon kaya sumagot ako ng Oo.
Kilalang kilala.
Umalis din ang manager pagkatapos akong makausap. Sinabihan nya ako na pumunta ako sa taas at binanggit nya pa kung anong number ng cubicle yung taong naghahanap sakin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago nagpasyang umakyat sa taas at hinanap ang cubicle na nasabi ng manager.
Shit!
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Kitang-kita ko ang lalaki mula sa glass wall ng cubicle. Omg! Papasok ba ko? Anong una kong sasabihin sakanya? Maayos ba ang itsura ko ngayon? Yung suot ko kaya, maayos tingnan? Shit talaga!
Kagat labi akong pumasok sa loob ng cubicle at nakitang tumayo sya para salubungin ako kaya ngumiti ako ng matamis sakanya na kanina ko pa gustong gawin pagkatapos sabihin ng manager yung pangalan ng lalaking naghahanap sakin.
"Rohesia!" masaya kong sambit.
Ngumiti sya saakin at iginiya nya ako paupo sa upuan bago sya umupo.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sakanya kasi ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko!
"Sorry pala sa abala, Nep. Hindi kasi tayo nagkita kanina." paliwanag nya.
Shit Rohesia! Bat ka nag s-sorry? Sa lahat ng pang-aabala sakin, ito ang pinaka gusto ko! Hindi mo alam kung gaano ako kinikilig ngayon!
"O-okay lang..." nautal kong sagot. Bigla ko kasing nalunok yung laway ko.
"Aantayin sana kita nung uwian kaso nauna kayong pinauwi kaya hindi na kita nasabihan na lumabas tayo," paliwanag nya pa at pinadaanan ng haplos ang kanyang buhok saka ngumiti.
"Balak ko rin sanang i-text ka kaso hindi ko naman alam ang number mo." nihihiya nyang dugtong.
Sana tinanong mo si elle!
Parang nabasa nya yata ang nasa isip ko dahil sa sunod nyang sinabi.
"Ayoko naman ding hingiin ang number mo sa kaibigan mo kasi mas gusto kong sayo mismo galing." aniya pa.
Anong ibig mong sabihin? Hinihingi mo number ko, Rohesia?! Magiging text mate ba tayo kapag ganon? Tuwing kelan mo naman ako i-t-text? Tatawagan mo rin ba ko?
"Gusto ko sanang hingiin ang number mo, Nephthys." kagat labi nyang sabi. Pansin na pansin ang pagkapula ng kanyang pisngi at hindi sya makatingin sakin ng diretso. Para tuloy akong hihimatayin sa kilig!
Cute mo talaga Rohesia!
"Oo sige ba!" excited kong sagot sakanya. Akala ko hindi nya na ako tatanungin ng ganyan, kasi matagal na kong nag-aantay na hingiin nya ang number ko!
Binigay nya sakin ang cellphone nya kaya mabilis kong tinype yung number ko saka sinave bago ibinalik sakanya.
Tiningnan nya muna yung cellphone nya bago ibinulsa. Nagulat pa nga ako nung pumasok si Antonette na may hawak na tray. Mukang um-order na si Rohesia kanina.
Inayos nya sa table yung order tapos panay pa sya sulyap sakin na parang inaasar ako kasi tinataas-taas nya yung dalawa nyang kilay. Naiilang tuloy ako lalo na't nakatingin sakin si Rohesia.
Humanda ka sakin mamaya Antonette!
-
Matapos naming kumain ni Rohesia, agad akong nagpaalam na babalik na sa trabaho. Pumayag naman sya pero gusto nya namang mag stay sya rito hanggang sa uuwi na ako para daw maihatid nya ako.
