Tinitigan kong maigi ang screen ng aking cellphone para muling basahin ang reply ng kausap ko. Hindi ako makapaniwala.
Tryp?
Wala naman akong kilala na merong pangalan na ganon. Ano bang klaseng pangalan to? Seryoso ba talaga sya? Baka naman.. binibiro nya lang ako?
Ako:
Tryp? Sigurado ka?Message ko sakanya. Nangangamba pa rin ako. Hindi dahil alam ko na ang pangalan nya, mapapatag na ko. First name nya nga lang ang binigay nya, e. Hindi kasama ang apelido. Nandito pa rin talaga yung kaba sa katawan ko.
Unknown number:
Yes.Unknown number:
Save my number.Ako:
San mo nakuha ang number ko kung ganon?Ako:
Pano mo ko nakilala?Ako:
Please po, paki sagot.Ilang minuto pa akong naghintay pero mukang wala talaga syang balak na sagutin yon. Hindi na sya nag reply pa. Natapos na lang lahat-lahat ang break ko, wala pa rin syang reply sakin kaya mas minabuti ko na lamang na ibalik na ang phone sa sling bag na nasa loob ng locker ko saka ito isinara.
Tss. Iniiwasan nya ba ang mga ganung klase ng message? Ha! Sya naman ang nagsimula, na curious lang ako. Ano ba kasing kailangan nya sakin? Hindi na lang diretsohin!
Napangiwi naman ako at hindi maiwasang makaramdam ng hiya nang maalala ang message nya kani-kanina lang. Narinig nya ako? Yung pinag-usapan namin ni elle?
Nag-type uli ako ng message sakanya.
Ako:
Narining mo ko kanina, diba?Ako:
Ano yung narinig mo?Medyo kinakabahan ako kasi baka ipagkalat ng taong to yung narinig nya. Nag-antay akong muli pero mukang wala na yata syang balak mag reply kaya umirap na lang ako sa kawalan.
Inis kong nilisan ang locker room. Palinga-linga pa ako kasi baka nandito pa rin sya. Sabi pa man din nya'ng narinig nya ako, ibig sabihin nandito lang yon sa malapit.
-
Alas dos na nang madaling araw ng isara ang restaurant na pinag t-trabahuhan ko. Kasalukuyan akong nag aabang ng masasakyang taxi. Kabadong kabado ako dahil halos wala ng tao sa kalsada tapos ang konti lang ng mga sasakyan'g dumadaan. Palagi ko naman na tong ginagawa pero hindi pa rin talaga ako sanay.
Nakauwi na ang mga kasama ko pero ako, nandito pa din. Kinakabahan na tuloy ako. Dapat pala pumayag na ako nung inaya ako ni tari na sumabay sakanila. Hindi ko naman kasi sila close, e. Silang tatlong makakaibigan ang magkakasabay na sumakay sa iisang taxi kanina, ayaw ko namang makisiksik no.
Kinabahan ako nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Kulay itim ito at halatang mamahalin! Madalas kong makita ang ganitong klase ng sasakyan sa mga mayayaman kong schoolmate na may sariling sasakyan kapag pumapasok sa school.
Napa atras tuloy ako sa kinatatayuan at akma ng tatakbo nang bumaba ang windshield ng sasakyan.
"Ms. Negalve? Nag-aantay ka ba ng masasakyan?" tanong ng lalaki sa loob.
Pinilit kong kumalma dahil kilala ko ang may-ari ng boses ng lalaki pero hindi pa rin bumabagal ang mabilis na tibok ng puso ko.
Tumikhim ako at nagpilit ng ngiti. "Ah.. Opo, e." sagot ko habang nakatingin sa lalaking si sir. Kendrick. Nakita ko pang dumungaw ang lalaki na katabi nya saakin, sya yung lalaking kasama ni sir kanina sa resto. Hindi pa rin pala sila umuuwi?