CHAPTER 2

162 1 0
                                    

Unknown number:
He's no good for you.

Unknown number:
Just stay away from him, Nephthys.

Unknown number:
And why is he there, by the way?

Unknown number:
Di ba, mag kaiba naman kayo ng strands na kinuha?

Unknown number:
What does he needs from you?

"Sino yan?" kuryosong tanong ni Rohesia saka dumungaw pa sa cellphone ko para tingnan kung sino yung nag t-text sakin.

Mabilis kong pinindot ang home button at pinatay ang cellphone.

"Pinsan ko. Na wrong send lang yata. Baka para sa boyfriend nya yong message." dahilan ko saka nilagay ang cellphone sa bulsa. Ngumiti naman sya tapos hinawakan ang pulsuhan ko at hinatak palabas ng building namin.

Lumabas kami ng building ng nakahawak sya sa pulsuhan ko. May ilan pa nga kaming nadaanan na classmate ko or kakilala nya na tinutukso kaming dalawa. Todo ngiti naman ako dahil sa sobrang tuwa.

Malamang sobrang pula na ng muka ko dahil ramdam na ramdam ko talaga na nag-iinit ang mag kabilaan kong pisngi.

"Gusto mo bang kumain muna bago manood sa sinihan?" tanong naman nya na agad kong sinagot ng matamis na ngiti.

"Sige ba!" sagot ko sakanya.

Naglakad kami papunta sa parking lot ng school kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Hindi naman ito ang unang beses kong makasakay sa sasakyan pero natutuwa talaga ako at na e-excite kapag sasakay ako ng kotse.

Siguro dahil hindi ko naranasan mag karon ng sariling kotse? Siguro ganon nga. Kaya medyo ignorante ako kapag sasakay sa mga kotse, masyado akong namamangha at pinakiki-alaman ang mga gamit na nandon sa loob.

Minsan nga nahihiya ako kapag na r-realize ko kung ano at pano ako umasta matapos makasakay ng kotse.

"Ang astig talaga!" bulong ko ng pagbuksan ako ni Rohesia ng pinto para makasakay na sa loob. Muka ngang narinig nya yon kasi tumawa sya.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at nilabas yon para i-text si ate.

Ako:
Ate, mamaya pa ako makakauwi.

Ako:
Wag mo kong lock-an ng gate, a?

Ako:
Ateeeeeee!

Pinindot ko ng matagal yung huling message ko sakanya saka ni-copy paste yon at sinend sakanya. Ilang ulit ko yong ginawa para sigurado na mapapansin nya talaga yung message ko sakanya.

Minsan pa naman, hindi nya napapansin na merong nag text sakanya kasi hindi nya naman sinisilip yung messages nya kaya need nya talagang tadtadin ng message para mapansin nya.

Na start na ni Rohesia ang engine ng sasakyan pero wala pa ding reply si ate hanggang sa makapag maneho na ito paalis ng school, wala pa rin reply si ate.

"Si ate. Tinext ko na mamaya na ako makakauwi." bigla kong sinabi ng mapansin nyang panay ang silip ko sa cellphone.

"Hmm..." anya at tumango-tango pa. "Wag kang mag-alala. Sinabihan ko na si ate mo kaninang break time na kakain tayo sa labas, pumayag naman sya. " dugtong nya.

"Si ate? May... number ka ni ate?" kunot noong tanong ko sakanya. Tumango-tango sya bilang sagot sakin.

Gusto ko pa sana syang tanungin kung pano nya nakuha yung number ni ate pero mas pinilit ko na lang itikom ang bibig. Di naman siguro yon big deal.

Professor Where stories live. Discover now