Umakyat kami sa second floor ng mall para humanap ng pwedeng makainan pero dahil week end ngayon, crowded lahat ng mga resto sa loob.
Sa pag-iikot namin ay nakarating na kami sa dulo at nakahanap ng isang resto na konti lang ang mga customer.
Hinayaan ko si Elle na umorder sa counter habang ako naman ay dumiretso sa banyo ng kainan dahil paulit-ulit na nag v-vibrate ang cellphone ko mula pa kanina.
Pumasok ako sa loob ng banyo na medyo madilim kahit meron namang ilaw, siguro dahil 'yon sa kulay itim na tiles na nakapalibot sa loob ng banyo. Hindi naman kalakihan ang banyo pero meron itong tatlong cubicle. Isinara ko ang pinto bago sinilip ang cellphone.
Meron ngang tumatawag sa akin pero unregistered number naman. Hinayaan kong mamatay ang tawag at sinilip muli ang cellphone. Kanina pa nga siya tawag ng tawag, ang daming missed call pero wala akong planong sagutin ang kaniyang mga tawag.
Napansin ko kasi na lately, may mga nag m-message at tumatawag sa akin sa number ko pati na rin sa facebook account ko na hindi ko naman kilala. Kaya baka hindi ko na naman kilala ang may-ari ng number na ito.
Muli na namang lumitaw sa screen ng cellphone ko ang unregistered number na kanina pa tawag nang tawag kaya naman pinindot ko na ang decline button.
Pinatong ko ang cellphone sa lababo bago binuksan ang gripo para maghugas ng kamay pagkatapos ay pinasadahan ko ng haplos ang buhok ko para isuklay ito gamit ang daliri habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
Kitang-kita sa salamin ang ang tatlong cubicle na nasa likuran ko kaya napansin ko ka agad ang paglabas ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng cap mula sa pinakadulong cubicle.
Panglalaki bang banyo ang napasukan ko?
Agad akong tumigil sa ginagawa dahil sa hiyang nararamdaman. Tangina. Wala akong nakitang sign na pambabae o panlalaki ang pinasukan ko, basta na lang akong pumasok. O baka naman siya talaga ang nagkamali?
Tumikhim ako para maibsan ang pagkahiya at dinampot ang cellphone para makalabas na ng banyo. Nakasabay ko pa ang lalaki sa paglalakad patungo sa pintuan pero hindi pala pinto tinutungo niya kundi sa switch ng ilaw.
Hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking 'to dahil pinatay niya ang ilaw. Ang medyo madilim na banyo ay mas lalo pang dumilim dahil sa ginawa niya.
Hindi ko sana siya papansinin pero narinig ko ang mahinang tunog ng pintuan na para bang ini-l-lock ito.
Problema nito?
Lalapitan ko sana ang pinto pero bigla niya akong hinatak sa braso pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap kaya pinagsasampal ko siya.
"Tángina manong! Bitiwan mo ko tang-hmm!" hindi natapos ang sinasabi ko dahil marahas niyang tinakpan ang bibig ko at dahil malaki ang kamay niya, natatakpan niya rin ang ilong ko dahilan para hindi ako makahinga.
Pilit kong tinatanggal ang kaniyang kamay dahil wala akong malanghap na hangin habang patuloy siyang pinaghahampas.
Kaunti lang ang naaaninag ko dahil masiyadong madilim kaya nakikita ko ang pigura niya pero hindi ang kaniyang muka.
Nang kinapos ako sa paghinga ay saka niya lamang tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ko kaya mabilis akong lumanghap ng hangin. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa malamig na tiles ng pader kaya ang cellphone na hawak ko ay hinampas ko sa kaniya na mukang tumama sa panga niya.
"Bitiwan m-mo ko! Tángina! Lumayo ka sakin!" pagsisisigaw ko nang maramdaman ang kaniyang labi sa bandang tenga ko at mukang tinanggal niya ang suot-suot niyang cap.