Ala-una na ng madaling araw nang matapos ako sa school works ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Siguro dahil yon sa nangyari kanina. Tinapos ko na talaga lahat ang mga school works ko since hindi ako makatulog.
Nag message din ako kay ate tungkol don sa nangyari nung napatulog ko na si Haru. Hanggang ngayon nga hindi parin sya nakakauwi.
Nagtambay ako sa facebook at patuloy na nag s-scroll kahit hindi naman ako interesado sa mga posts na nakikita.
Steven Elvis sent you a friend request.
Nang mabasa ko ang nag pop-up na notification, agad kong pinindot ang confirm button ng makitang friend nya rin si Rohesia sa Facebook. In-stalk ko ang kanyang account dala na rin ng kuryosidad.
No post available?
Wala syang kahit isang post. Late ko na rin napansin na wala din syang profile picture. Wala din sya gaanong facebook friends. Hindi din lalagpas ng lima. Bago lang siguro tong account na to kaya ganon.
Steven Elvis reacted love to your post.
Steven Elvis reacted haha to your post.
Steven Elvis reacted love to your post.
Steven Elvis reacted love to your post.Basa ko sa mga notification na nag pop-up sa notification bar ko. Paulit-ulit kong nabasa ang pangalan nya na nag react sa mga posts ko pati sa profile picture ko.
Ini-stalk ba ako nito?
Uh, halata naman.
Bihira lang naman ako mag post ng kung ano-ano at bihira lang din ako mag palit ng profile, siguro mga dalawang buwan ang pagitan bago ako mag post o mag palit ng profile kaya malamang na ini-stalk ako ng taong ito. Napaka imposible naman kasing bigla na lang itong dumaan sa news feed nya dahil pati ang mga post ko last year ay ni like nya.
Isa pa, nang silipin ko ang notifications ko para tingnan ang mga notif, nabasa ko ang pangalan nya na sinasabing nag react daw sya sa profile ko at kahapon pa itong notif na to dahil may nakalagay na yesterday.
Steven Elvis:
Why are you still online?
You should sleep.
Mabilis na nag pop-up sa chat heads ang kanyang pangalan kaya takang-taka ako.
Ano bang kailangan nitong taong to? Kung makapag sabi na matulog na ako, kala mo naman ano, e.
Nag tipa ako sa keyboard para mag reply sakanya pero hindi ako makaisip ng dapat na i-reply sakanya kaya binubura ko ito saka mag titipa ng panibago.
Nephthys Negalve:
Ay, hello po. Sino ka?
Nakita kong gumalaw yung tatlong dots na ibig sabihin ay nag t-type sya ng i-rereply.
Steven Elvis:
You replied again!
I thought you'll ignore my message.
Nephthys Negalve:
Again? Pano pong again? Di ka
naman nag message sakin
kanina, a?Tsaka pano ko ii-ignore yung
chat mo, e kanina pa nag nag
p-pop up yung name mo sa
notif ko!Bakit mo ko inii-stalk, kuya?
Steven Elvis:
Kuya? Im not that
old.Inignora ko ang message nya at hindi na nag abala pang i-seen yon. Hindi nya kasi sinagot ang tanong ko kung sino ba sya. I mean, nababasa ko naman ang pangalan nya syempre. Pero para kasing kilala nya ako at kung makapag sabi na you replied again e, unang beses palang kaming nag kakausap.