Pano (D)

291 22 6
                                    

Just gonna write something using Zack Tabudlo's song "Pano"

Hope you enjoy!!

W A R N I N G

•TAGLISH (TAGALOG-ENGLISH)
•CORNY
•SORRY IN ADVANCE
• 'DI KO NA ALAM HAHAHAHA BASTA ENJOY
•PLEASE TELL ME IF YOU SPOT SOME GRAMMATICAL ERROR!

THIS IS A WORK OF FICTION, WHAT HAPPENED HERE IS FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION WITH THE HELP OF THEIR PICTURES. REFRAIN FROM THINKING THAT THIS IS REAL. ANY STORIES WITH A RESEMBLANCE OF THE PLOT OF THIS IS SURELY A PURE COINCIDENCE.

THANK YOU :) AND ENJOY READING!
-------------------------------------------------------------------

Yedam's PoV:

Nagpa-practice kami ngayon ng sayaw para sa aming pagbabalik sa susunod na buwan. Pagod na nga kami eh kaso para sa mga teumes ito kaya'y tinitiis namin, alam namin na matagal na nila kaming hinihintay at excited na kaming makitang muli sila.

"Okay one two and three pak pak boom boogsh." Bilang ni Doyoung, pang-apat sa mas bata sa amin. Ewan ko nga dyan kung bakit ganyan sya magbilang, pwede naman na normal na lang na mga salita ang sabihin nya.

"And tapos! Pahinga tayo ng isang oras, magpahinga po tayo okay? Don't overwork yourself ha? Teumes won't like that." Bilin nya habang nakaduro sa'min, humilata sya sa sahig ng practice room kung na saan kami nagsasayaw.

Humilata rin ako at tumabi sakanya, he offered his arm para raw gawin kong unan. Tumango ako sabay lapit sakanya at niyakap sya.

"Okay ka na ba? 'Wag mo nang alalahanin 'yung nangyari kagabi ha?"

Dahil sa sinabi nya, muli kong inalala ang nangyari kagabi.

F L A S H B A C K

‍︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎ ︎︎
Evening

Pabalik na 'ko sa aking silid sa dorm nang makita ko si Haruto na nakatungo sa hapag kainan.

'An'yari sa isang 'to?'

Lumapit ako sakanya at tinapik sya sa likod.

"Haruto? Uy. Gising hoy!" Ani ko 'pag tapos ko syang yugyugin. Tumingin sya sakin ng may namumugtong mata.

"Kuya..." Tawag nya sakin, paiyak na sya nang bigla nya akong niyakap at sinubsob ang mukha sa tiyan ko.

"Ba't ka umiiyak? Sa lamesa mo pa talaga naisipang magdrama haha." Tanong ko't dinaan na lang sa tawa ang sama ng loob ko habang hinihimas ang likod nya.

HarudamWhere stories live. Discover now