babysitting (4)

71 6 0
                                    

Started: January 03, 2022
Ended: October 08, 2023

Filo-Eng po ito, pasensya na hindi kaya ng braincells kong gawing full english 'to😭✌️
.

.

.

.

.

THIS IS A WORK OF FICTION, WHAT HAPPENED HERE IS FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION WITH THE HELP OF THEIR PICTURES. REFRAIN FROM THINKING THAT THIS IS REAL. ANY STORIES WITH A RESEMBLANCE OF THE PLOT OF THIS IS SURELY A PURE COINCIDENCE.

Yedam as Bryle, Haruto as Wine
20-19 y/o
College students
Dormmates

+
Lei, Lai, Starrian as the person who comes in your mind, kahit sino na.
-------------------------------------------------------------------------
                               S T A R T

Bryle's PoV:

I was watching the tv when the doorbell of our door rang.

"Wine! Tignan mo nga kung sino 'yong na sa pinto!" Tawag ko sa roommate ko.

"Teka lang boi!" Sigaw niya pabalik. Nando'n kasi siya sa may kusina, nagluluto. Hindi naman ako marunong magluto kaya nagpresinta na lang s'ya. Baka raw kasi masunog ko iyong buong bahay, kung hindi ba naman siya oa 'no?

Maya-maya lang ay tumunog ulit ang doorbell, pero tuloy-tuloy na ito hindi kagaya nang kanina.

'Sino ba kasi 'to? Wala naman kaming inaasahang bisita.'

"Sagutin mo na kaya, boi! Baka kanina pa 'yan diyan tapos hindi mo man lang pinapansin! Eh nanonood ka lang naman ng Slaying Demon! Paulit-ulit pa!" Sermon niya sa'kin.

Naka-pout akong tumayo at naglakad na papunta sa pinto ng bahay. Pagka-bukas ko ay nakita ko si Lei na nakatungo habang naka-taas ang kamay sa tapat ng doorbell. She's my cousin sa side ng mama ko.

'Ba't nakatulala 'to? Nabaliw na ba?'

Tinitigan ko siya na parang isa siyang alien, bumaba ang aking tingin sa  kamay niyang may hawak na... Bata?!

"Hoy Lei! Bakit may b-bata kang dala?! Don't tell me sa'yo 'yan?!"

Nag-angat siya ng tingin kaya nakita ko ang luhang umaagos pababa sa kaniyang baba.

I panicked. I hugged her, almost not letting the baby she's carrying breathe. She's still crying when we heard the baby's cry. She pushed me and tried to calm the baby down, in which she succeeded.

"Pumasok na nga muna tayo at sabihin mo kung ano'ng nangyari. Maliwanag?" umiiyak na tumango ito habang hinihele ang bata. Ang cute ng bata, kamukha niya. Hehe.

HarudamWhere stories live. Discover now