Pano (continuation) (A)

184 17 9
                                    

Base sa poll sa twitter, this one is the endgame. (At least for me) Thank you for reading!

8:40 AM at PRACTICE ROOM

Asahi's PoV:

Magkasama kaming dumating ni Jaehyuk sa practice room dahil magpa-practice pa kami para sa aming pagbabalik. Pagka-pasok sa silid ay nadatnan ko silang may kani-kaniyang ginagawa.

Si hyunsuk, pinaglalaruan na naman 'yung screen sa gilid na ginagamit namin for practice. 'Yong pinipindot para makatugtog sa buong room ganon.

Si Jihoon naman gumagamit ng cellphone kasama si Junkyu.

Si Junghwan, natutulog sa tabi ni Yoshi sa gilid.

Si Mashiho, Haruto at Jeongwoo naman ay may pinaguusapan din sa gilid habang tumatawa.

Si Doyoung at Yedam, wala pa. Hula ko ay magkasama na naman sila, Doyoung's been comforting Yedam since he knew his feelings to Haruto. He's there whenever he's either hurt or not, sad or happy, or when Yedam feels disappointed in his self.

After five minutes, nagtaka ako dahil dumating si Doyoung na hindi kasama si Yedam. Masiglang kumaway siya sa aming lahat na ginantihan din namin ng kaway. Umupo siya sa tabi ko, bali pinaggi-gitnaan na nila ako ni Jaehyuk.

"Himala 'di mo kasama si Yedam ah." Paninimula ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Natulog ulit siguro yun, naistorbo ko kasi kanina noong nagbibihis siya kaya nagtatampo siguro haha. Pero in fairness kuya Sahi, may abs na rin siya kagaya ko HAHAHA." Mahabang litanya nito, tumingin ako sa direksyon nila Haruto at nakita siyang nakatutok kay Doyoung. Narinig niya.

Ewan ko rin sa lalaking 'to eh, sabi niya iba ang gusto niya pero kapag tungkol na kay Yedam nag-iiba siya. Gusto niya laging dapat sa kaniya naka focus si Yedam. Naalala ko pa last last week no'ng sinabi niyang aamin siya.

F L A S H B A C K


Last last week at 10 PM

Nakahiga na ako sa higaan ko nang pumasok si Haruto yakap-yakap iyung llama stuff toy na bigay ni Yedam sa kaniya.

"Kuya Asahi." Tawag niya kasabay ng pagupo niya sa bed ko.

"Bakit?" Ani ko sabay upo ulit.

"May sasabihin ako, 'wag kang magagalit ha?"

"Sige lang. Ano 'yun?"

"May ano kasi..." Nagpabebe siya gamit iyung stuff toy. Hinihimas-himas niya iyon.

"Ano?" Napahikab ako, antok na antok na kasi talaga ako, tapos naisipan niyang pumasok kung kailan patulog na 'ko.

"Ano umm may gusto ako kay ano..."

"Kanino?"

"Kay ano..."

"Kanino nga sabi?"

"Kay ano ba... Hindi ko alam kung pa'no sasabihin 'to eh."

"Sabihin mo nalang kapag ready ka na, for now matulog ka na muna, may practice pa tayo bukas." Sabi ko at humiga na ulit.

HarudamWhere stories live. Discover now