Started: June 17, 2022
Ended: June 28, 2022THIS IS A WORK OF FICTION, ANY SCENES HERE IS FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION WITH THE HELP OF THEIR PICTURES AND VIDEOS. PLEASE REFRAIN FROM THINKING THIS HAPPEN IN REAL LIFE, THANK YOU!
ENJOY READING, AND PLEASE DO TELL ME YOUR THOUGHTS AFTER!
Start
Haruto's PoV:
"Haruto." Tawag sa'kin ni Yedam. He's my lover, isang taon na kaming magkasama. Right now, we're in his house, wala kasi sila Tita kaya sinasamahan ko muna siya."Hmm?"
"Tignan mo 'ko." Lumingon ako sa kaniya at nakitang hawak niya ang gitara.
"Tingin mo, ayos ba tignan?" Napatulala ako at biglang may naalala.
"Haruto! Look at me! Bagay ba?" Ani Jeongwoo. Ngumiti ako sa kaniya, hindi nga lang gano'n kalaki.
"Yes, hon. Bagay na bagay. Marunong ka pala maggitara? Hindi kita nakikitang gumagamit niyan?"
"Ahh, kakasimula ko pa lang gumamit. Para may kakanta sa'yo kapag malungkot ka, gaya ngayon. Nakasimangot ka oh." Sabi niya. Dahil doon ay tuluyan na'kong ngumiti at lumapit sakaniya. Niyakap ko siya at ginulo ang buhok niya, napa-angil siya.
"Ang sweet sweet mo talaga, hon. I love you!"
"Oona! Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko, kakalagay ko lang ng gel!" Tumawa lang ako sa ani niya.
"Love? Are you alright?" Napabalik ako sa kasalukuyan nang tapikin niya ako. Napakurap-kurap ako't tumango sakaniya.
"Ahh, sorry I spaced out. What was that again?"
"Okay lang. I asked you kung okay lang ba 'to, hindi naman ako mukhang awkward 'no?" Tanong niya ulit. Lumunok muna ako bago tumango at sumagot.
"Yup, bagay sa'yo."
"Okay, thanks."
Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Kinuha niya ang camera niya't nilapag kung saan kita kaming dalawa.
"Bakit?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang ganoon kaikli ang sagot ko.
"Wala lang. I'll sing you a song na lang, mukha kasing binabagabang ka na naman ng kung ano. And I'll respect your privacy, so just listen to me and don't let that thought eat you up hmm?" Ngumiti pa siya. Tumango na lang ako at tumitig sa kaniya.
Nagsimula siyang mag-strum sa gitara. Kinantahan niya 'ko ng "All You Need Is Love" by The Beatles.
Nakatulala lang ako sakaniya habang kumakanta siya. Ngumiti siya sa'kin, but I can't smile at him back. Alam kong mali, pero iba ang iniisip ko habang kumakanta siya. Hindi ko naman gustong isipin ang iba habang siya ang kasama ko, but...
YOU ARE READING
Harudam
Sonstigesidk about this. It's just random THIS IS A WORK OF FICTION, WHAT HAPPENED HERE IS FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION WITH THE HELP OF THEIR PICTURES. REFRAIN FROM THINKING THAT THIS IS REAL. ANY STORIES WITH A RESEMBLANCE OF THE PLOT OF THIS IS SURELY A...