100 words challenge (7/26)

105 13 1
                                    

"Yedam, gala tayo puwede?" Bakas ang pagmamakaawa sa kaniyang boses.

"Ayoko, may ginagawa pa 'ko, Haru." Diretso kong tinanggihan ang alok niya na lumabas.

"P-pero naglalaro ka lang naman eh, kahit isang oras lang tayo sa labas... Please?"

"Ang ginagawa ko ay paglalaro, at sinabing ayoko, huwag ka nang makulit."

"Ano k-kahit trenta minuto, kahit 'yung ganoong oras na lang, makasama lang kita... Pumayag ka naman na oh, please." Mas lalong nalungkot ang boses niya.

"No, ayoko. End of the discussion."

"Dati naman ay hindi ka ganiyan... Bakit biglang nagbago, Yedam?"

"Ewan. Siguro dahil napagod na 'ko."

"S-saan?"

"Sa iyo."

-happy birthday, Yedam♡(ӦvӦ。)

HarudamWhere stories live. Discover now