Fear #9 (Angel)Boses
Mahigit isang oras lang ang aming klase pero feeling ko mahigit sa isang araw ang itinagal non! Hindi kasi ako komportable na makatabi ang isang to. Kaya naman kahit sobrang hirap, nagtiyaga akong makita ang kanyang pagmumukha.
"That's all for today. Class is dismissed." Iyon lang at tinungo na niya ang daan palabas ng silid. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nong hindi ko na mamataam ang aming guro.
Tinatamad ako. Kung noon, gustong gusto kong mag aral, ngayon naman ay nawalan na ako ng gana. Hindi ko nga lang mapagtanto kung ano ang dahilan. Pero sana hindi na to magtagal. Tama si Mica. Ako pa nga ba to? Yung Angel na mahilig mag aral? Walang ibang inaatupag kung hindi ang mga homeworks, groupwork at projects. But now what happened?
"Ehem." Nagse-senti pa ako Mics. Sana ay mamaya ka na lamang um-extra. "Oh, ano yun Mics?"
"Uhm, hindi ka pa ba uuwi Anj? Dito ka na ba matutulog?" Medyo sarcastic na tanong niya. Wow, may PMS yata ang bestfriend ko ngayon.
Dumukdok ako sa lamesa. Gusto ko ng magpahinga! Kung pwede lang ay hindi na talaga ako aalis sa classroom ngayon.
"Hmm... Mics..."
"Okay, Angel. Gusto mo pa yatang madagdagan ang oras mo sa paglilinis ng library. Okay then, I'm leaving."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala! Bakit ko ba iyon nakalimutan? Lagot ako kay ma'am!
Ilang sandali pa bago ko iyon lubusang naisip. Lumabas ako at naabutan ko si Mics sa may hallway. Nagpasalamat ako sandali sa kanya. Naku, mapapatawag na naman ako sa guidance office neto..
Dahil tapos na ang klase, may ilang estudyante na lamang ang naabutan ko sa library. Na-miss ko amg lugar na to. It used to be my favorite place. Dito ko inuubos ang oras ko kasama ang iba ko pang kaibigan - ang mga libro.
"So, why are you late Angel?" Walang ekspresyon na tanong sa akin ni Ma'am Ella. Nasaan na ang nakakahawa niyang ngiti? Akala ko ba hindi mawawala iyon pero bakit ngayon...
"I-I'm so sorry Ma'am. Nakalimutan k-ko po ka-" Halata ba na kinakabahan ako? Oh, my. Hindi na ako si Angel ngayon. Ako na si Devil. Nooo. Corny, Anj.
"Natakot ba kita?" Hinawakan niya ako sa balikat para harapin ko siya. "Sorry ha. Nakakainis kasi yung kapatid ko. I mean si Dannie. Ayaw niya kasing ayusin ang pagliligpit. Can you help him?"
Wala sa sarili akong tumango. Iyon naman talaga ang pinunta ko. Kaya kahit labag sa loob ko, dinala ako ng aking mga paa kung saan nandoon ang lalaking iyon.
"Buti dumating ka pa?" Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng ilang libro. Ni hindi siya huminto para harapin ako. Wow. Siya pa ngayon ang ayaw tumingin sa'kin? Okay, fine. I don't care at all Dannie.
Nanahimik ako. I don't have to answer him anyway. Pinuntahan ko iyong dulo ng bookshelf at kinuha ang ilang libro doon para ayusin.
"Hangin, bakit ngayon ka lang? Di ba dapat ay kanina ka pa?" This time, binitawan na niya yung libro. Naramdaman ko ang pagtitig niya aa akin.
Umirap ako sa kawalan. Baliw ba ang isang to? Akala niya yata ay madadaan niya ako sa mga ganoong taktika niya. Hello, hindi ako hangin. Pwede niya naman akong kausapin gamit ang pangalan ko.
Kaya imbes na pagtuonan siya ng pansin ay binalik ko na lamang ang ibang libro sa dati nitong kinalalagyan. Kailangang bilisan ko na para makauwi ako ng maaga at makapagpahinga. Iyon lang siguro ang kailangan ko para bumalik sa huwisyo ang aking utak.
All I need's a little love in my life
All I need's a little love in the dark
A little but I'm hoping it might kick start
Me and my broken heart
Halos magiba lahat ng pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa. Dahil sa boses niya... bumalik lahat ng rason para hangahan ko ulit siya. Iba sa pakiramdam na marinig ko siyang kumakanta. Para bang dinadaan niya sa pagkanta yung nais niyang sabihin sa'kin.
I need a little loving tonight
Hold me so I'm not falling apart
A little but I'm hoping it might kick start
Me and my broken heart
Pero... "Shh. Can you please keep quiet? Doon ka sa labas kung gusto mo." I can't look at his face. Umirap na lang ako sa kawalan. Para maalis ang ngiti.
Akala ko lalabas na siya. Kung ganoon sana ang nangyari, nakahinga na sana ako ng maluwag. Ngayon kasi, halos hindi na ako makahinga. Ano kayang trip neto? Masyado siyang papansin ngayon! Ikinagulat ko ang pag lapit niya sa akin. Maluwag naman ang library pero mas pinili niyang ayusin ang mga libro na malapit sa akin. Magkadikit na tuloy ang mga balikat namin. O, bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko? Dala ba to ng labis na pag inom ng kape?
"Library to 'di ba? Pero bakit mukhang may maingay dito?" Aniya. Nakatingin siya akin habang kumukuha ng libro. Sino ba ang tinutukoy niya? Ang sarili niya?
What now? Grabe naman pala ang tenga ng isang to. Daig pa ang stethoscope! But, really? Did he hear it?
Huminga ako saglit para naman kumalma ang puso ko. Pero walang nangyari. Ganoon pa rin. Kaya nag patay malisya na lang ako.
Sa sobrang tahimk ng lugar... hindi lang yung tibok ng puso ko ang naririnig ko. May isa pa. Wala namang ibang tao sa lugar so I'm sure kung kaninong puso yung halos kumawala na...
"Uhm, kinakabahan ka ha?" Hindi ko na kayang manahimik kaya kinausap ko na siya.
"Ano? Hindi ha! Bakit mo naman nasabi?"
"Ang lakas kasi ng tibok ng puso mo..." Sagot ko. Tumalikod ako para hindi niya na makita ang namumula kong pisngi. Nakakahiya ka Angel!
"Tss. Thinking out loud."
"Anong sabi mo?" Nakakainis! Oo, tama siya. I'm thinking out loud right now. Ano naman kayang paki-alam niya don?!
"Ayan, sa wakas. Iinisin lang pala kita para tumingin ka sa akin." Sabi niya habang natatawa.
Gusto kong matunaw sa klase ng tingin niya sa akin. Hindi ako sanay na matignan ng ganoon.
Tinaas ko ang isa kong kilay na hindi ko naman ginagawa. Kailangan kong tarayan ang isang to para makabawi ako. Mamaya isipin niya na patay na patay ako sa kanya.
"Doon ka nga! Ang laki nitong library pero sinisiksik mo ko. Don ka na!" Siniko ko siya kaya naman nalayo siya ng bahagya. Ngumisi lang siya at dumikit ulit sa akin.
"Angel, look at me." Hinawakan niya ang aking baba at pilit na pinatingin sa kanyang mga mata. Posible bang matuwa at kabahan ng sabay? Iyon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko tuloy maintindihan.
"I've said don't push me away, right? Kasi kahit anong tulak mo sa akin... babalik at babalik ako sa'yo. I'm willing to take all the risk, Anj... for you." Punong puno ng sensiridad ang kanyang mga mata.
Teka, dapat ko ba siyang paniwalaan?

BINABASA MO ANG
Free From Fear
Teen FictionLahat ng tao, may kinakatakutan. Tama naman 'di ba? Pero para maka-move forward ka sa buhay mo, kailangan mo munang harapin ang takot na ito. Are you willing to face your fear just for her? Are you willing to face the risk and consequences? thefooda...