Fear #12 (Angel)Sisiguraduhin
I was shocked by how Dannie answered Nikki. A part of me was happy though. Pero kung sa akin nangyari 'yon, hinding-hindi ko na talaga kakausapin ang lalaking ito. Na-curious ako bigla kung ano ang magiging reaksyon niya kaya naman tinignan ko ito. Naka-simangot ang mukha at halatang may gustong sabihin but she kept silent.
Hinila ako ni Mics and she whispered, " Ang rude ni Dannie. But it was true anyway."
Tumayo lang ako at sinabayan siyang maglakad. Tumingala ako sa langit para ma-divert ang aking atensyon. Alam ng mga bituin sa langit kung gaano ko kagusto na mawala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman. Imbis na maging tama ang ginawa ko, mukhang naging wrong move pa yata. May maliit na branch ng puno ang nakaharang sa kalsada kaya naman natalisod - I mean, muntik na akong masubsob sa kalsada! Masyado siyang maagap kaya nagawa pa niyang hawakan ang aking braso.
Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Mag-thank you ba? O umasta na parang walang nangyari?
"Be careful, Anj. Wag kasing masyadong mabilis maglakad." Nakahawak padin siya sa aking braso. Napaso ako kaya naman binawi ko iyon. Ang rude, oo. Ni hindi ko na nga siya napasalamatan ay ganoon pa ang ginawa ko.
Nabigla si Mics doon. Tinaasan niya ako ng kilay. Marahil ay nagtatanong kung bakit ko ginawa iyon. Halata naman kasing gusto lang tumulong ng tao.
At dahil sobrang bait ng bestfriend ko, naka-isip na kaagad siya ng paraan kung paano makakabawi sa akin.
"Anj, naku may nakalimutan ako don sa Infinitea. 'Yung wallet ko nandoon! Sayang may laman pa naman. Balikan ko lang ha?"
Kahit ayaw kong pumayag ay tumango na lamang ako.
"Dannie, ikaw ng bahala sa kaibigan ko ah? Iuwi mo yan sa kanila ha! Yari ka sakin. Bye, Anj and Dan. Susunod ako!" Aniya at tumakbo na pabalik doon.
I'm not dumb, alright. Alam kong nais niya lang na makapag-solo kami ni Dannie. Maybe she wants me to fix our relationship - as friends ofcourse. Pero makakaya ko kaya?
"Angel, may gusto sana akong itanong sa'yo." Nag-patuloy na kami sa paglalakad ngayon. Tahimik sa buong paligid dahil sa ganitong oras, wala ng masyadong dumadaan sa lugar na 'to.
Sinagot ko siya ngunit hindi ako humarap. Nanatili lang ang mata ko sa kalsada. "Ano 'yon Dan?"
Saglit siyang natigilan pero naglakad na ulit. Hindi ko alam kung bakit.
"Ano kasi, gusto kong itanong kung galit kaba sa'kin." Ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Dumeretso lang ako sa paglakad kahit pa maiwan siya.
"Bakit naman ako magagalit sa'yo? May dahilan ba para magalit ako?"
"I just want to know. Alam kong naging bastos ako sa'yo noong una tayong nagkakilala. Ano lang kasi-"
This time nilingon ko siya. Tumigil ako at tumingin ng deretso sa kanyang mga mata.
"What, Dannie?"
"Wala. I just want to say sorry for that. Badtrip lang ako ng mga oras na 'yon. Sorry talaga."
Base naman sa nakita ko, mukhang sincere siya. Atleast now I know kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin that time.
"Okay." Iyon lang ang naisagot ko. Ayos na 'yon. Wala na akong dapat idagdag.
"Okay lang?" Tinakbo niya ang kaonting distansya naming dalawa. "Anj naman, sorry talaga. I know you're pissed. Natatandaan mo pa ba nong nasa library tayo?"
Sympre naman. Never in my life ko iyon makakalimutan. It was like I'm floating when I'm with him. Ang sarap sa feeling kahit ngayon ko palang ito naramdaman.
"I-I mean it." Hindi na naman siya makatingin sa'kin. Ewan ko ba sa lalaking ito. Sigurado naman akong nagka-girlfriend na siya pero bakit sobrang torpe niya?
"Okay." I said. Should I be happy? Kahit hindi ko gustong gawin ay kusa akong ngumingiti. Argh! Stop it, Anj! Ang kire mo. You're not like that!
"Ang hilig mo naman pala sa okay, Anj. Favorite mo siguro ang movie na The Fault in our Stars, 'no?" Napangiti na naman ako. Nanunuod kaya siya ng mga ganoon? Ang cute lang.
"Silence means yes. Our infinity is bigger than other infinities, Anj."
Sa haba ng nilakad namin ay ganoon din kahaba ang kinwento niya. Actually sa haba 'non siguro na ikuwento na niya sa akin ang kanyang biography. Hindi naman ako nagreklamo. Mas lalo ko siyang nakilala dahil don. Nalaman ko rin na he's not the serious type pala. Medyo baliw din kasi. Naalala ko tuloy yung part na habang nagkukwento siya ay ginagawa pa niya. Imagine, tumili siya sa harap ko! Ipinakita niya kasi sa akin 'yong reaksyon niya nong may dumapo sa kanya na feeling butterfly daw. Ang sakit tuloy ng tiyan ko sa kakatawa!
"Mas maganda ka pala kapag tumatawa. Hayaan mo, pipilitin ko na palagi kang matawa sa mga corny kong jokes." He said straight looking at my eyes. Sympre umiwas ako ng tingin. Ang akward kaya!
"Bolero ka pala Dan! Pero sige. Salamat!"
Tanaw ko na ang aming bahay mula sa kinaroroonan namin. Ayaw ko pa sanang matapos ito ngunit ganoon talaga. Everything comes to an end kahit ayaw mo. Wala ka namang magagawa, e. Just enjoy every second when you're with him.
"Malapit na tayo Dan. Iyon ang bahay namin!" Sabay turo ko sa may kulay pink na gate. Bigla tuloy akong nahiya. Pink na pink kasi ang two storey house namin! Hindi naman halata na favorite color iyon ni mom.
"Alright. Pwede ba akong tumuloy? I want to meet your mom, Anj. May I?" Naramdaman kong uminit ang aking mukha. Para naman kasi kaming mag-on sa gusto niya! But I think it's not a good idea. Kahit gusto ko siyang ipakilala ay sa tingin ko hindi pa ngayon ang tamang oras.
"Sorry, Dan. Pero sa tingin ko, you can't. Ayaw pa kasi akong payagan ni mommy na mag-boyfriend. Baka mapagalitan ako?"
Yumuko siya at bahagyang tumango. I'm sorry Dan. Ayaw ko lang na masira ang tingin sa akin ni mommy. Baka kasi kung ano ang isipin niya kapag nakita niyang magkasama tayong dalawa.
"Dan, again, I'm so sorry talaga! But promise next time! Thank you sa paghatid sa akin. Ingat ka sa pag-uwi!" Ngiting-ngiti ako habang nagpapa-alam sa kanya. Pero siya? Poker face lang. I wanted to cheer him up. But how? Lumapit ako at tinitigan ko siya. "Hey!" Hinawakan ko ang kanyang balikat at medyo inalog siya.
"Okay lang, Anj." He smiled bitterly. "Pero sisiguraduhin ko na sa susunod kong pagpunta, tutuloy na ko mismo sa bahay niyo. At wala ka ng magagawa dahil ako na mismo ang magpapakilala ng sarili ko sa mommy mo."
BINABASA MO ANG
Free From Fear
Teen FictionLahat ng tao, may kinakatakutan. Tama naman 'di ba? Pero para maka-move forward ka sa buhay mo, kailangan mo munang harapin ang takot na ito. Are you willing to face your fear just for her? Are you willing to face the risk and consequences? thefooda...