Fear #7 - Seloso

44 3 0
                                    

Fear #7 (Dannie)

Seloso

Maaga kaming pumasok sa araw na ito. Pero hindi namin inaasahan na wala pala si Ma’am. Tss. Nakaka-badtrip  naman! Sana ay sinabihan man lang kami para hindi na ‘ko gumising ng maaga. Inaantok pa naman din ako. Ikaw ba naman ang mag movie marathon ng hanggang medaling araw, e. Hanggang ngayon kasi, hindi pa ‘rin ako pinapatulog ng babaeng iyon.

Lahat na ng paraan para maialis siya sa isipan ko ginawa ko na. Singing which is my passion is one of my divertion. Kumakanta ako ng kumakanta sa aking kwarto kapag may pagkakataon. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Ngunit ang masama, mas lalo ko siyang naaalala! Yung tipo na damang-dama ko ang bawat lyrics n asana ay kakantahin ko sa kanyang harapan. Ang astig sana ‘non! Ayon kasi sa mga nababasa ko, kinikilig daw ‘yong mga babae kapag kinakantahan sila. Hmmm…  Can I win Angel’s heart if I dare to do that?

 

“Pre, ano na? Lutang ka na naman ba?” Shit! Loko talaga ‘tong si Chevin. Binatukan na naman ako. Tss. Pangalawa na niya ‘to! Muntik pa tuloy akong matisod.

Lumapit ako sa kanya at ginantihan siya. Aba, hindi dapat pinapamihasa ang isang tao lalo na’t mali ‘yung ginagawa niya. “Bugok ka ha!”

“Shabu pa more mga Pare! Tara? Gusto nyo ba?” Ani Chevin. Isa pa ‘tong baliw. Akala mo namang malakas ang loob para ma-try ang bagay na iyon e, takot naman siya sa nanay niya na nakalunok yata ng armalite ang bunganga niya.

“Pre, h’wag na please. Paniguradong tatakbo ka na naman kapag nalaman ‘yan ng nanay mo with matching itak pa ‘yon Bro.” Pang-aasar ni Cholo. Kahit hindi pa kami nakakatikim ‘non ay parang adik na silang dalawa! Paano ko ba naging kaibigan ang mga ‘to?

 

Kagaya ng iba, magbebestfriend ang mga nanay naming tatlo.  Simula pa lamang highschool ay palagi na itong magkakasama. Tatlong Maria pa nga ang tawag sa kanila. Hanggang sa mag-college, sila-sila pa rin yung nagdadamayan para sa isa’t isa. Biruin mo, pati ang gusto nilang course ay iisa! Nagdudududa tiloy ako sa part na iyon.

Para sa akin ay sila na ‘yung pinaka-weirdo na magkakaibigan sa mundo. Pangalawa sympre kami. Kaya naman ‘nong naglka-boyfriend sila, sabay-sabay ang monthsary at date. Para daw tipid dahil madami silang maghahati. Sana nag barkada meal na lang sila. Kaya noong kinasal sila ay hindi na nakakapagtaka na iisang araw lang ‘din iyon ginanap. Pati araw ng kapanganakan naming tatlo ay iisa din ang araw. Tatanungin niyo ako kung paano nangyari ang lahat ng iyon? Well, hindi ko rin alam. Basta ako, masaya dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya nila. Kahit pa sabihin nating mga bugok sila.

“Alam kong baliw ka pareng Dannie lalo na kay Angel pero yung totoo? Bakit ka ngumingiti dyan ng walang dahilan?”Umiling ako. Hindi pa rin maalis ang ngiti.

“Tara na nga Pre! Dalin na natin ‘to sa mental hospital.” Aya ni Cholo sa huli. Hinawakan pa nila ako sa magkabilang braso na para ba silang medic at dadalhin na nga nila ako sa lugar na iyon.

Sympre binatukan ko silang dalawa. Pinagtitinginan na kasi kami doon dahil sa kalokohan nila. Ang lalakas pa ng boses ng mga loko. Kaya naman inakbayan ko na sila at inaya na umalis doon.

Saan kaya magandang tumambay at kumain? Hmm… Siguro doon sa canteen! Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi kaya iniiwasan na niya ako? Ngayon na nga lang ako makaka-diskarte sa kanya tapos mabubulyaso pa? tsk.

Saktong alas dose ng tanghali sa aking orasan. Hindi kataka-taka na kumpulan ang pasok ng estudyante sa canteen. Halos hindi na nga umusad ang pila papasok. Hay. Siguro naman sa dami ng estudyante rito ay nandito rin si Angel, ‘nu?

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon