Fear #3 - Pangarap ✔

97 11 10
                                    

Hindi ko talaga forte and third person’s  POV. Sorry na. Sana magustuhan niyo kahit First Person's POV na 'to.

-----------

Fear #3 (Angel)

Pangarap

Sabi nila, kung mangangarap ka, taas-taasan mo na. Libre lang naman kasing mangarap ‘diba? Lahat tayo may kalayaan para gawin iyon. Nakaramdam ako ng kaonting kirot sa aking dibdib. Oo nga’t libre ang mangarap. Pero paano kung ayaw mo na itong maging pangarap lang? Gusto mo nang magkatotoo ang lahat… Kahit na mukhang imposible. Kasi nga, pangarap lang.

Hindi ko maiwasan na maisip ang mga ganitong bagay. Lalo na kung ganoon ang sitwasyon ko ngayon. Si Dan. Si Dan na halos kalahati ng populasyon ng babae sa school ay may gusto sa kanya. Ang lalaki na pinapangarap ng halos lahat. Hindi ko naman sila masisisi don. Talaga naman kasing kahanga-hanga siya.

“Uhm, Mica…”

“Ano ‘yon Anj?”

Kinagat ko ang aking labi. “Can you please forget about that? The things I’ve said earlier…”

“Bakit Anj? May problema ba?” Tinignan niya ako ng mabuti. Nag-aalala.

“It can’t be. I’m just assuming.” It hurts. Yeah. Madalas ang katotohanan talagang masakit. Pero wala ka namang magagawa kasi iyon naman talaga ang totoo. Iyon ang tama. Kaysa maniwala ka sa kasinungalingan o ‘di kaya sa maling paniniwala.

“What? That’s not true, Anj! Hindi ka naman kagaya ng ibang fans niya. You’re different… and unique. Don’t you believe in yourself?” Kinuha niya ang sandwich at kinagatan iyon. Tinignan ko lang siya. Hindi makapaniwala na ganoon pala ang pananaw niya sa akin.

I believe in myself, I guess? Hindi nga lang ako ganoon kaganda katulad ng iba. I’m just a simple nerd girl who wear glasses and spend the rest of my day in reading books that a guy like Dan, won’t like. Ni hindi ko nga malagyan ng kolorete ang mukha ko. Tanging polbo lang kapag kailangan na talaga. So, will a guy like Dan can appreciate my presence? Even if the half of his fans were totally my opposite?

“Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa akin Mica. Hindi naman ako ganon.”

“Tss. Pa humble! Osya, sya. We will forget about it na. Let's eat first.” She handed me the egg sandwich and the juice afterwards.

Pagkatapos ng nangyari, I’ve told Mica na kung maaari ay wag na kami sa canteen na iyon kumain. Madami pa naman kasing ibang kiosk dito sa loob ng school. Masarap pa ang tinda. Pwedeng don kami bumili tapos ay sa room na lang naming kakainin.

“Really, Anj? Ano ba tayo ngayon? Preso? Ex convict? May tinataguan?” Natatawang sabi ni Mica. Isang araw habang bumibili kami ng pork siomai sa isang kiosk.

“It’s not like that, Mics. Ayaw ko lang ng ambiance doon sa canteen. You know, it’s too noisy there.” Iling kong sagot sa kanya. Kasabay nito ay ang pag abot ko sa tindera ng bayad naming dalawa.

“Anj, I can’t live my life! Halata ka masyado, e. Pati tuloy ako nadadamay.” She pouted. “Doon muna tayo ha?” Itinuro niya ang bench sa ilalim ng isang puno. Tumango ako at nagpadala na sa hila niya dahil sa tingin ko ay maganda nga ang pwesto. Malilim kasi rito at medyo malakas ang hangin. Sa ganitong lugar masarap tumambay katulad ngayon na hapon na.

“Bakit mo ba siya iniiwasan?” Tanong ni Mica. What? Who? Hindi ako sumagot. “Hoy, Angel!”

“Hindi kita maintindihan Mics.” Kumunot ang kanyang noo. Mukhang alam ko na ang isasagot niya.

“Sus, kunwari ka pa Anj! Alam mo kung ano at sino ang tinutukoy ko. Ayaw mo lang aminin.” Pinakitaan niya ako ng nakakalokong ngiti. Bestfriend ko nga ang babaeng ‘to.

“Okay Mics!” Itinaas ko ang dalawa kong kamay. Okay, I give up. “Kasi it’s too impossible Mics. That’s it. Suntok sa buwan ika nga.”

“Woah. Kaylan ka pa naging makata Anj? Akala ko ba hindi mo maintindihan yung mga malalalim na tagalog?” Gosh. Kailangan pa bang i-point out 'yon?

“Mics, you’re crazy! Mag aral muna kasi bago ang alam mo na…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Sabi kaso ni mum masama raw iyon.

“Mag aral muna bago landi?” Nanlaki ang mga mata ko. She’s really that straightforward. Tumango tango ako. Medyo nahihiya.

“Anj, bagay na bagay sa’yo ang pangalan mo. Ang bait bait mo kasi. At hindi lang yan, mukha ka pang anghel! Ikaw na talaga bestfriend. “ Loka talaga ang babaeng to. Ang lakas ng tama.

“Wala akong barya Mics. Shooo!” Kunwaring pinapaalis ko siya. Sabay kaming natawa sa kalokohan niya. Kontento na ako sa ganito. Hindi ko na siguro kailangan ng love life for now. Alam ko kasi na may mga tao na nagmamahal sakin sa paligid. And I should be thankful for that, right?

Maya maya pa, natigilan kaming dalawa ni Mics sa pagtawa.

“Pare, sana talaga sagutin na ko ni Alessandra. Halata namang gusto niya din ako. Pakipot pa kasi.”

“Tss. Pareng Chevin, huwag kang masyadong mahangin. Mamaya liparin kami ni Cholo.” Parang kilala ko ang boses na iyon ah? Uh, oh.

“Mics, let’s go na! Baka ma late na tayo sa next class.” Hinila ko siya pero umupo ulit siya sa doon sa bench. Ugh! Mics naman, e!

“Why, Ang? Maaga pa kaya. Chill muna tayo dito.” Aniya.

Umupo na lang ulit ako tapos sumimangot. Bakit ba ang tigas ng ulo ni Mics lately? Dati naman oo lang siya ng oo, e.

“Uy, Mica! Kamusta?” Sabi nong lalaki. Hindi ko alam kung sino. Ayaw ko rin silang tignan kaya naman yumuko na lamang ako.

“Oh, hi there Cholo! Kamusta sila tita?” What tita? And whose this Cholo? Hindi pa ako pinapakilala ni Mics sa kanya.

“Okay naman. Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?”

“Iyon na nga sana ang gagawin ko kaso inunahan mo ko. Ikaw talaga, o!” Hinampas ni Mics ang braso nito. “This is my best friend, Angel. Ang, meet my cousin, Cholo.” Tumingin na ako sa kanila at bahagyang tumango kay Cholo. Hindi naman ito naglahad ng kamay kaya tinanguan ko na lang.

Nakita kong tinulak nong isang pang lalaki si Dannie pero umiling lamang ito. What’s that? Nakakatuwa silang tignan. Parang mga bata…

“Ang, ito naman si Chevin.” Sabay turo niya doon sa lalaki na narinig kong nagkukwento kanina.

“Hi.” Kinawayan ko siya. Kumaway ito pabalik at ngumiti.

“Uhm, Angel ito naman si Dannie. Barkada namin.” Ani Cholo medyo natatawa.

Ngumiti ako at naglahad ng kamay sa kanya.

“I’m Dan.” Sabi niya at nginitian lamang ako.

Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay habang naglalakad sila palayo sa aming dalawa ni Mica. Anong ginawa niya? Gad, he's snob!

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon