Fear #13 - Lunch

18 0 0
                                        


Fear #13 (Dannie)


Lunch


After that night, hindi ko maialis sa isipan ko si Anj. I mean, mas lalo siyang naging laman ng mga daydream ko! Ano bang ginawa ng babeng iyon? I'm not like this before sa dati kong nagustuhan. Iba 'to! Para akong nag-take ng ilang gramo ng drugs, seriously. But somehow, I'm starting to loved it. It gives me the extreme feeling of happiness like I'm floating in clouds up there.


Dahil nga sa dakila akong torpe, I did some research. Maraming lumabas na idea on how to court a girl. Pero ayaw kong i-try. Masyadong common ito. I want something different... iyong ako pa lamang ang gagawa. But that's impossible, right? Bahala na nga! Kung gusto naman talaga ako ni Anj, tatanggapin niya naman ako. Hindi ba ganoon naman iyon?


Araw-araw ay bumibili ako ng bulaklak. According to her bestfriend, she loves pink roses kaya naman iyon ang hinanap ko. Ina-alarm ko yung phone ko every night to make sure na mauunahan ko siyang pumasok sa school. Nag-iiwan din ako ng note doon.


Tinutudyo siya ng kanyang mga kaklase nang Makita iyon. Nakakatuwang pagmasdan yung pulang pula niyang pisngi matapos mabasa iyong note. Luminga linga siya upang hanapin ako. I just smiled at her.



Ganoon parin naman ang mga nangyayari sa buhay ko. But as the days passed by, nagkakaroon na ng resulta ang pinaghihirapan ko. Siguro naman ito na ang bunga 'non? Nakakausap ko na ngayon si Anj although kasama naming ang kanyang bestfriend at sina Cholo. Hindi ko pa yata kayang ayain siyang mag-vacant ng kami lang. I know, ang bakla ko! Kaya naman eto, kuntento na ako. One step at a time, ika nga.



"Dannie, kamusta naman kayo ni Angel?" Tanong sa akin ni Mica isang araw na kami pa lamang ang tao sa room.



"Okay naman, I guess? Bakit Mics?"


Tumango siya at ngumiti sa akin. "Wala lang. H'wag mong sasaktan ang bestfriend ko! Yari ka talaga sa'kin!"


"Alam ko naman iyon!" Umiling ako at saka tumawa sa sinabi niya.



Instead of roses, chocolate naman iyong binigay ko sa kanya the next week. May mga notes padin doon. Alam ko mahilig siya sa mga ganoon. Nabanggit nadin kasi sa akin iyon ni Mica. She's really a big help to me. Kinuha ko pa nga ang number niya kay Cholo. She also told me that Anj liked my gifts noong nagtext ako sa kanya noong nakaraang araw.



Nakaka-dalawang lingo na ko. Wala paring bago. Hindi na ko mapakali. Kailangan ko na ulit gumawa ng paraan para lumevel-up. Kinukulit na nga ako ng mga bugok to invite Anj over for lunch. Ang problema nga lang, sa tuwing sasabihin ko na kay Anj, saka naman ako biglang nauutal! Damn! Para tuloy akong tanga! Tawa ng tawa yung mga gago sa likod nang umalis na yung magbestfriend dahil sa tagal kong magsalita. Naiinip na siguro.



"Pota, bakla ka ba Dannie?!" Rinig yata ang tawa ni Chevin sa labas habang hinahampas pa iyong table ng kanyang armchair.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon