Fear #11 - Past

23 1 0
                                    

Fear #11 (Angel)

Past

Ano kayang posibleng dahilan kung bakit nandito siya? Kaibigan ni Mics ang babae na ito. So posibleng kaibigan din siya ng pinsan ni Mics or... kaibigan din siya ni Dannie? Naguguluhan ako. Sana pala ay nagtanong ako kay Mics sa mga bagay bagay tungkol sa kanya.

"Nice game, boys! Hindi kayo nagbago. Magagaling kayo, alright. Saydang bihasa lang talaga ang nakatapat ninyo." Umupo siya sa malapit na upuan at tumingin kay Dannie.

"Dan, mas gumaling ka kaysa dati ha?" Tinignan ko kung anong magiging reaksyon niya ngunit hindi ko siya makuha. Ewan ko ba kung galit siya o ano.

"Tss. Matagal ng magaling yang kaibigan namin no! Ikaw lang, e. Wala kang tiwala." Sa sinabing iyon ni Cholo ay bigla siyang siniko ni Chevin na para bang may maling nasabi ang huli.

Ayaw ko yung ganitong feeling. Na a-out of place kami ni Mics dito! Sana pala hindi na lang kami nagpunta. Tinignan ko si Mics at inaya na umalis na lamang. Siguro lalabas na lang kami sa subdivision at magmemeryenda sa kung saan.  I don't want to be the witch in their love story. Besides, he looks so happy with her naman.

"Uy, Anj, san ba tayo pupunta? Iniwan natin sila don!" Nagmamaktol na siya at pilit akong pinipigilan na maglakad. Urgh! Please, Micca. Sumunod ka naman sa'kin!

"Wag na tayong manggulo sa kanila Mics. Hayaan mo na yung isa mong kaibigan doon ang makipagkwentuhan sa kanila, okay?" Iniwan ko siya at dumiretso na lang ng lakad. Bahala siya kung saan niya gustong sumama. Okay lang sa'kin na bumalik siya. Tutal naman ay kaibigan niya din ang mga iyon.

"Wait for me! Ang bilis mo namang maglakad e." Ngumiti ako at mas lalong binilisan ang paglakad. Kahit pala papaano ay hindi niya ako ipagpapalit sa iba. 

Pumara kami ng tricycle at nagpasya na pumunta sa pinaka-malapit na Tea Place. Dahil ako ang nagdala sa kanya dito, ako na din ang nagbayad. Buti na lang at may dala akong pera.

"Uhm..." Itatanong ko ba sa kanya o wag na lang? Masyado ba kong chismosa kung magtatanong ako?

"What is it Angel?" Nangapa ako ng sasabihin. I'm not ready for this! Ano nga ba ulit 'yung itatanong ko?

"Is it about Nics and Dan?" Yeah. Yumuko ako at kinuha ang aking cellphone. Pilit ko siyang dinedma. Hindi ko kasi alam kung tama bang magtanong ako sa kanya o ano.

"Sort of?" Sabi ko without looking at her. Nag-pretend ako na nagbbrowse sa fb.

Umiling siya at naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Mukhang alam naman niya na hindi talaga ako nagffb. Kinuha niya yung cellphone ko at tinago iyon.

"Nagtatanong to tapos hindi haharap sa kausap. Hay Angel. Kilala kita eversince no! Hindi mo ko maloloko. So can you please pay attention to me?" Sabi na, e. Hindi talaga maniniwala to.

"Oh, kay. Sorry."

Dumating na yung order namin kaya uminom muna ko. Ganoon din ang kanyang ginawa.

"Wala namang espesyal na ugnayan yung dalawa. Pero ang alam ko, gusto dati ni Dannie itong si Nikki." Nakaramdam ako ng kaonting kirot sa aking nalaman. Kaya pala...

"Anong nangyari? Naging sila ba?" Pilit kong inayos ang aking boses. Ayaw kong magmukhang bitter. I want it to sound natural. Walang halong kahit ano.

"Uhm... Ikaw ha! Masyado kang curious." Kumuha siya ng fried octopus at kinain iyon. Tinignan ko na lang siya ng masama at kumain din.

"Eto na. Hindi naging sila. Kasi si Nikki may sinagot na ibang lalaki. Biruin mo Anj, ilang buwan din yung tinagal ng panliligaw ni Dan tpos sa huli, ililigaw lang pala siya!" Ngumuso si Mics at kunware ay mukha siyang naaawa sa sinapit ni Dannie. As if naman.

Tumango na lamang ako sa ibinahagi niya. Dapat ba kong matuwa na hindi naging sila? Pero teka... Bakit ba puro si Dannie ang iniisip ko ngayon? Nagmumukha akong stalker sa ginagawa ko! Gumising ka nga Anj! Nagpromise ka pa naman sa mommy mo na hindi ka pa magboboyfriend hanggang hindi pa natatapos ang highschool. One year na lang naman, maghintay ka na.

Bumalik ako sa huwisyo ng makita ang lalaking nakatitig sa akin ngayon. Anong ginagawa nila dito? Really? Siya yata ang stalker hindi ako!

"Guys, tara doon tayo malapit sa may aircon!" Turo ni Nikki don sa bandang dulo. Hinila niya si Dannie pero nanatili yung pagtitig niya sa'kin. Hanggang sa nakaupo na sila.

"Dannie! Sino bang tinitignan mo?" Sa lakas ng boses niya ay rinig ko pa rin hanggang dito sa inuupuan namin at sa ginawa niyang pagsita, doon palang naalis ang pagtitig sa akin ni Dan.

Napatingin si Mics sa direksyon nila kaya tinawag niya iyon. Lumapit ang dalawa at naki-upo na din sa amin. Manggugulo yata ang mga ito.

"Bakit niyo kami iniwan kanina? Grabe kayo!" Ani Cholo na may halong hinanakit.

"Oo nga. Tama si Cholo. Doon nga kami naglaro para makita kayo tapos magwa-walk out lang lang pala si Anj. Ang sakit naman." Humawak pa sa dibdib niya si Chevin. Umaarteng nasasaktan.

Mga abnormal to! OA masyado. Tss.

"Ewan ko nga ba dito kay Anj kung bakit umalis. Tanungin niyo nga iyan." Natatawa si Mics habang sinasabi iyon. Nilalaglag ako ng bestfriend ko!

"Anj, may problema ba?" Ani Cholo. Medyo seryoso na siya ngayon. Hindi ko tuloy alam ang isasagot.

"Wa-wala no! Ano ba kayo! Gusto ko lang ng wintermelon kaya kami umalis ni Mics. Diba?" Siniko ko siya at tinignan para sumang ayon.

"Ha? Hin-" Tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig at nagsalita. "Hindi daw kayo nagkakamali sabi ni Mics! Iyon naman kase talaga ang dahilan diba Micca?"

"O-oo! Hehe. Kayong dalawa talaga oh. Kung anu-ano ang iniisip ninyo." Pinandilatan niya ako bago muling tumingin sa dalawa.

"Wag kayong mag-solo! Tara na dito Dan, Nics. Isang lamesa na lang tayo." Ani Chevin habang sinesenyasan ang dalawa na lumapit na.

"Oo nga, pre. Para share-share na din tayo ng pagkain." Tumingin si Chevin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero... "Ang ibig kong sabihin, para mas masaya! Share-share tayo ng kwento. Tara na!"

Tumawa si Mics sabay bulong sakin, "Matakaw kasi yang si Cholo." Tumango ako habang pinipigilan ang pagngiti.

Napansin ko ang paghawak sa braso ni Nikki kay Dan. Pinipigilan niya yata ito na lumipat. Bakit kaya? Kasi nandito ako?

"Come on, Nikki. Wag ka ng KJ! Halina kayo dito!" Wala ng nagawa yung dalawa kayaupo narin sila dito.

Kainan, tawanan at kwentuhan ang nangyari noong hapon na iyon. Masaya naman kahit papaano. Medyo nagkakainitan lang kami ni Nikki kasi madalas niya akong pinag-iinitan. Hindi ko na lamang siya pinapansin at si Mics naman ang siyang naging tagapag-tanggol ko.

Pagkatapos ng isang oras siguro ay umalis na kami. Nakakahiya don sa tea place! Ang tagal-tagal namin. Medyo dumami na kasi ang tao doon kaya lumabas na kami. Sympre medyo nahiya na sila. Buti nga nahiya pa, e!

"Cholo, don ako matutulog kila Angel ha? Hindi tayo sabay umuwi. Kaya mo naman na mag-isa." Ani Mics sabay hawak sa aking braso.

Tumango ito bilang tugon. Badtrip ba yon? Hindi siguro nabusog.

"Ha-hatid ko na kayo Micca? Okay lang ba? Gabi na kasi. You know. Mahirap na sa labas kapag ganitong oras."

Wha- what? Totoo ba to? Ihahatid niya ko? Este kami?

"Paano naman ako niyan Dannie? Sinong maghahatid sa'kin? Baka mabastos pa ko nito!" Umirap siya at biglang humawak kay Dan.

Naka-short shorts siya tapos ayaw niyang mabastos? Hindi ba siya nag-iisip? Tsk. Girl nowadays. Sige lang. Kapit pa more. Para ka lang lumambitin sa puno niyan.

"Sabay ka na lang kila Chevin, Nics. Nakalimutan mo bang kapitbahay mo ang isang yan? And by the way, don't wear those kind of short shorts kung ayaw mong mabastos ka. Ingat kayo. Mauuna na kami."

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon