Fear #8 - Status

46 3 2
                                        

Fear #8 (Angel)

 

Status

Dinala ako ni Mics palabas ng campus. Dahil nga sa kanyang sermon kanina ay hindi ko na nagawa pang umapila. Habang naglalakad kami ay mukhang nilamukos naman ang aking itsura. Ngunit kapag may nakita naman ako na kakilala ay pinipilit ko na lamang ngumiti. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko sila papansinin.

"Ano ba'ng itsura 'yan? Para kang nalugi ah?" nakataas ang kilay ni Mics habang nagsasalita. Hindi ako sumagot. Sa halip ay tinignan ko lamang siya.

"Ah, alam ko na. Tara bilis Ang!" tss. Hinila na naman niya 'ko. Kainis.

Dahil kakilala ni Mics si manong guard ay hinayaan niya kaming lumabas sandali. Ang galing talaga ng bestfriend ko kahit kailan.

Maya-maya pa ay narating na namin ang isang convenience store na numero ang pangalan. Napansin ko na may mga estudyante na nakatambay dito na mula pa sa ibang school. Nag-cutting kaya sila o wala lang talagang klase?

"Chocolate po at sa vanilla. 'Yong mix na. Dalawahin niyo na po." sabay ngiti niya doon sa lalaki na nakatoka sa may cashier. Maingat naman niya itong inabot kay Mics.

"Ayan, Ang. Sundae kahit na monday pa lamang ngayon. Para naman lumamig 'yang ulo mo. Kanina pa kasi mainit, e." aniya.

Kinuha ko 'yong icecream at nagpasalamat sa kanya. Sa tagal naming magkaibigan ay ngayon niya pa lang ako inilibre. Medyo nakakapagtaka tuloy. Ano kaya ang mayroon?

Napagpasyahan namin na dito na lang ubusin itong icecream. May ilang minuto pa naman kami na bakante. Umupo kami doon sa may tapat ng convience store. Sayang at wala ng bakante na upuan doon sa may loob.

"Alam mo Ang, I think you should've stop thinking about Dannie." Tinignan ko lang siya. Pakiramdam ko ay may idadagdag pa siya. "Look at you. You are on cloudnine. Lutang ka palagi."

What? Ganoon ba 'yung epekto niya sa akin? Tsk. Well maybe Mica is right. Tigil-tigilan ko na ang pagiging ilusyonada. Ako rin naman ang walang mapapala sa sugal na ito.

"Ha? Mica talaga, o. What made you think that I'm dreaming about that guy? He doesn't deserve it." Poker face kong tanong sa kanya. Wala dapat bakas na nagkukunwari lamang ako.

Bumaling siya sa akin at umiling. Medyo natatawa pa siya bago muling magsalita. "You are not a great liar my dear bestfriend. Bagay na bagay talaga sa iyo ang pangalan mo. You are too good."

Is that a compliment or what? Dapat ba akong magpasalamat sa babaeng ito?

Wala akong maisagot sa kanya. Kaya nginitian ko na lang ulit si Mics. Iginala ko muli ang aking mga mata sa loob ng convenience store.

Nakakatuwa 'yung magbabarkada doon sa loob. Kung makatawa kasi sila ay akala mong sila lang 'yung tao doon. Mayroon yata silang sariling mundo. Katapat ng lamesa nila ay ang sign na may libreng pag-connect sa wifi dito. Tsk. Bakit ba ngayon ko lang 'to nakita?

Kinuha ko kaagad ang aking cellphone at nag-sign in sa facebook. Matagal ko na rin itong hindi nabubuksan.

Bumungad sa akin ang ilang messages, notifications at friend requests. Umiling ako at ipinikit ang aking mga mata. Totoo ba 'to? In-add niya ako? Baka naman poser lang ang isang 'to?

Tinignan ko 'yung profile niya to checked if it's really him. Baka kasi mamaya ay mag-assume na naman ako tapos ay sa huli, masasaktan.

Hindu maitatanggi na sikat nga talaga siya. Ang dami kasi ng likes at comment no'ng mga post niya. May naramdaman ako na kung ano nang mabasa ang isang status niya doon.

'Please don't push me away. Because if you do, I will keep coming back to you.'

Ang araw din na iyon nangyari ang naging sagutan naming dalawa. Posible kayang... ako ang pinapatungkulan niya nito?

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang malakas na boses ni Mica.

"Oh em gee! Is that you Nics?" Tumakbo siya palapit do'n sa babae na may mahabang straigjt na buhok. Masasabi ko na maganda ang isang 'to. Ang kinis pa niya. Pwede na siyang mag-artista. Ang dami pa nga ang napapalingon sa kanya.

"Wow, Mics! Gumaganda ka ha?" Nakangiting saad nito habang kumakalas sa pagkakayakap nila ni Mica.

Hmm. Ang dami pa palang kaibigan ni Mics na hindi ko kipaoa. Malamang Ang. Do you think you're the one and only friend of her? Duh.

"Ikaw nga 'yon Nikki. Look at you. You are so gorgeous! Ang dami mo na sigurong suitors. I mean, mas  lalo na ngayon?"

Umiling 'yung Nikki tapos ay tumawa sa sinabi ni Mics. Anong nakakatawa doon?

 

"Oh, I want you to meet my bestfriend Nics." Hinila ako ni Mica palapit sa kanila. "She is Angel nga pala."

"Hi." I greeted her and smiled.

Tinignan niya ako'ng mabuti bago magsalita. "Hello there, Angel. I'm so sorry but I have to go. See you around!"

Kumaway siya at naglakad na patungo sa kanyang sasakyan.

Ewan ko pero para sa akin ay hindi maganda ang first impression ko sa kanya. Bakit niya ako tinignan simula ulo hanggang paa? Hindi ba ay 'di maganda ang ganoong pag-uugali? Tsk. Palibhasa kasi ay maganda at mayaman siya. Naku. Pasalamat talaga ang Nikki na iyon dahil kaibigan siya ng bestfriend ko.

"Huy! Ayan ka na naman Angel ha? Tara na sa school?" Aya niya.

Tinakbo namin ang kaonting distansya ng convenience store papunta sa aming classroom. Masyado kasi kaming nalibang doon at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Kinausap sandali ni Manong guard si Mica. Hala, lagot yata siya. Hahaha.

Maya-maya ay nagpaalam na siya rito. Nagpasalamat din siya dahil pinayagan kami nito na lumabas. Next time po ulit narinig kong sinabi ni Mica. Napailing na lamang ako.

"Ingat sa pagtakbo Mica." ani Chevin n'ong makita na tumatakbo pa din si Mica kahit na nasa room na kami.

"Uy. Hi Angel!" Bati naman sa akin ni Cholo nang napadaan ako sa row nila. Sinuklian ko ito ng tipid na ngiti.

Papunta ako sa huling row nang nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakapangalumbaba doon. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Malalim yata ang iniisip niya. Oh, tsk. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito Dan?

Ngumuso ako at kahit na labag sa loob ko ay umupo na ako sa tabi niya.

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon