Salamat sa pagbabasa nito. Madaming thankyou at
---
Fear #6 (Angel)
Go Away
"Ang. hintay naman o!" Sigaw niya sa akin nang medyo nakalayo na ako.
Pagkatapos na pagkatapos kasi magsalita nong guidance counselor ay lumabas na 'ko. Naiwan siya don dahil kinausap pa niya si ma'am. Sinamantala ko iyon para tuluyang makawala sa kanya.
"Tss." Hindi ko siya nilingon. Diretso pa din ako sa paglakad at ngayon nga ay mas binilisan ko pa ito. Ano kaya ang iniisip ng isang 'yon? Bakit niya pa ako sinusundan?
Dahil sa pag-iisip ko ng kung anu-ano, hindi ko namalayan na bumagal pala ko sa pagtakbo. Dahilan upang magulat ako nang may humawak sa aking balikat.
"Finally, I got you."
Para bang reflex action ko na ang paghawi ng kamay niya sa aking balikat. Ewan ko, pero ayaw ko talaga na hawakan ako ng lalaking ito. Kaya ano pa nga ba ang gagawin ko? Sympre tatarayan ko siya. Kahit na hindi talaga ito ang gawain ko.
"I got you ka diyan! Tigilan mo nga ako Dannie at h'wag mo akong ma english-english diyan ha?!"
"Why should I? Why are you mad at me, Angel?"
"I don't know honestly. Just... go away Dannie!"
With that, para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas ay nasabi ko rin ang gusto kong sabihin. But part of me was guilty. Lalo nang nakita ko ang reaksyon niya nang sinabi ko ang mga katagang iyon. Nawalan ng buhay ang mga mata niya. Kasalanan ko ba 'yon? Mahina kong tanong sa aking sarili. Probably, Ang.
Gusto ko s\man siyang pigilan, ngunit hindi pwede. Na-guilty lang siguro ako kaya ko gustong gawin ang bagay na iyon. Right? I'm just guilty... That's it. I should not care for him in the first place. Hindi ko naman siya ka ano-ano. Ni hindi ko nga siya kaibigan dahil ayaw naman niya sa akin.
After that incident, never na ulit akong kinausap ni Dan. Kahit na nasa iisa kaming classroom, nagagawa pa rin namin na hindi magpansinan. Sa tuwing titignan ko siya, mapapasulyap siya sa akin saglit pagkatapos ay iiwas na. Buti na lamang at lalaki siya. Hindi niya tuloy ako mairapan.
"Ano, Ang?! Bakit mo naman ginawa kay Dannie 'yon? Ang bait-bait 'nong tao!"
Bahagya akong napailing sa sinabi niya. Sino raw ang mabait? Si Dannie? Parang gusto ko tuloy sumuka bigla. Oo. Noong una ay mukha siyang mabait. Pero nung pormal na ipinakilala siya sa akin ni Mics, masasabi kong hindi na. Nagbago kaagad ang tingin ko sa kanya. He should be nice to me. But what he did was to reject me! Anf tanga ko lang sa pagfe-feeling na ako talaga ang tinitigan niya noon.
"Sa'yo siguro mabait siya Mics. Pero sa akin? NO. Bumabawi lang siya sa akin kaya umaarte siya ngayon." Inayos ko ang aking palda bago maupo.
"Ang, alam mong hindi totoo yan. He really care for you because I saw that! Kung makikita mo lang kung gaano siya ka devastated ngayon, siguro mare-realize mo na mali ang iniisip mo tungkol sa kanya." Tumungo na rin si Mics kung nasaan ang kanyang upuan.
Sa lahat ng sinabi ng bestfriend ko, ito yata ang pinaka may sense, EWan ko ha. SI Mics kasi yung tipo ng tao na sobrang kalog at masarap kasama. Hindi mo mababakas sa mukha niya na may problema siya. YOLO ang moto 'non sa buhay. You Only Live Once, ika nga. Kaya kita mo, ganon nga ang ginagawa ng bestfriend ko. Ngayon tuloy na nag seryoso siya, nakakapanibago.
Totoo nga kaya ang sinabi ni Mics? Ganoon nga kaya talaga ang naging epekto ng sinabi ko kay Dan kaya hanggang ngayon ay hindi niya ako matignan ng matagal?
Lutang ako buong klase. Nagnilay-nilay pa din ako sa mga possibilities na tama nga ang sinabi ni Mica. Pero sympre, mayroon pa ding mga alinlangan. Dahil hindi naman pwedeng palaging positive ang titignan mo sa isang sitwasyon. Kailangan mo din tignan yung negative side para kahit papaano ay maiwasan o 'di kaya ay mapaghandaan mo.
"Psst. Ang, makinig ka naman sa sinasabi ni Ma'am! Kahit nasa likod ako ay alam kong lutang yang utak m-"
"Mics, oo na po. Makikinig na 'ko."
Daig pa niya si Ma'am kung makapag-sermon, e. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon sa klase. Argh! Ano bang gagawin ko? Hindi ko kasi dapat pinagtutuunan ng pansin ang Dannie na iyon!
Nag-ring na ang bell. Pero ako, wala akong ganang makipag-unahan palabas kagaya nang ginagawa ng mga kaklase ko. Nakita ko rin na lumabas na ang grupo ng pinsan ni Mica. Mas lalo tuloy akong tinamad lumabas dahil ayaw ko silang makita.
"Oh, dito na lang ba tayo Angel? Wala ka bang balak lumabas man lang?"
Tinatamad nga ako! Gusto ko sanag isagot sa kanya. Ang kaso ay ayaw ko siyang magalit sa akin kaya mas mabuti na ang magtimpi.
"Mics, wala ako sa mood. Gutom ka na ba? Ayos lang sa'kin kung mauuna ka na." Sa tingin ko kasi gutom na talaga ang isang 'to dahil sa mga alagad niya sa tiyan. Oh, Mics. Napailing na lamang ako.
"Grabe ka, Ang! Bestfriend ba talaga kita? Anong akala mo sa akin, matakaw?" Nakalagay pa talaga ang mga kamay niya sa beywang. Ang cute. Oo kaya bestfriend mo ko Mics. Kaya alam ko na matakaw ka talaga.
"Hindi naman sa ganon Mics. E kasi..."
"Kasi ano Angel? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ang kilala ko kasi na Angel, nakikinig sa klase. Lahat ng dapat isulat ay nilalagay niya sa notebook para may guide siya kapag dating ng test. Top priority ang pag-aaral. Pero yung nakita ko kanina? Gad! Hindi iyon ang bestfriend ko. Hindi iyon ang kilala kong Angel."
Ano ba 'tong kabaliwan ko? Maski ang bestfriend ko hindi na ako maintindihan! Sino na ang kakapitan ko? Kung pati ang sarili ko hindi na alam kung bakit ako nagkakaganito.
Tinakbo ko ang kaunting distansya namin sa isa't-isa at kaagad ko siyang niyakap. Siya lang ang bestfriend ko. Hindi ko yata kayang magalit siya sa akin dahil lamang sa kabaliwan ko.
"I'm so-sorry Mics... H-hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaka-ganito. Bago 'to lahat sa akin. Kaya wala akong alam kung paano ba ang ga-gagawin ko..."
"Huy! Umiiyak ka ba Ang? Gad! Tumigil ka nga! Baka akalain ng mga tao ay pinaiyak kita. Isipin pa nila na mag-jowa tayo! Di tayo talo Angel. Kahit na naseye ne ang lehet."
Loko talaga tong bestfriend ko. Dahil don ay hindi ko na napigilan ang pagtawa ng bahagya.
"Ayan, mas bagay kapag masaya ang bestfriend ko. Alam ko kung ano ang pinagdaraanan mo. Para na kaya tayong kambal kaya mayroon na tayong connection sa di maipaliwanag na paraan. Kaya noong tinanong mo ako tungkol kay Dannie ay alam ko na. Gets ko yon Ang. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako..."
Noong kakalas na ako sa pagkakayakap ay may kung anong kumalabog malapit sa may pintuan. SAbay kaming napalingon doon ni mics. Hala, sino kaya yon? Wala namang tao dito bukod sa amin.
"Baka pusa lang yon Ang. Tara na nga!" Tumango ako. Siguro nga pusa lang. Kaya ayun, nagpatangay na din ako sa hila ni Mics palabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Free From Fear
Ficção AdolescenteLahat ng tao, may kinakatakutan. Tama naman 'di ba? Pero para maka-move forward ka sa buhay mo, kailangan mo munang harapin ang takot na ito. Are you willing to face your fear just for her? Are you willing to face the risk and consequences? thefooda...