Kasalukuyan siyang nakatingin sa isang babae na may mahabang umaalon na buhok sa laylayan nito, balingkinitan, kulay nyebe ang balat na para bang hindi ito naaarawan. Napalunok siya nang makita na inayos ng babae ang kanyang salamin.
Takot. Iyon ang pumipigil sa kanya para lapitan ang babae na siyang nagpatibok ng kanyang puso. Takot na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya kilala ng babae na lubos niyang hinahangaan.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. Marahil ay napagtanto niya ang lahat ng kanyang katorpehan. Kontento na ko sa ganito. Bulong niya sa sarili. Sapat na sa kanya na hanggang pagtingin na lamang siya sa dalaga. Dala ng kahibangan niya, malayo pa lang ay kilala na niya ito. Kabisado na niya ang lahat ng bagay tungkol dito. Natutuwa siya kapag nakikita ang pagsayaw ng mahabang buhok nito. Sa buong klase kasi nito, siya lang ang bukod tanging kulot ang buhok.
"Pare, lapitan mo na kasi!" Sabi sa kanya ng kaibigan niyang si Cholo. Sa barkada, ito ang pinaka-bibo. Palagi siyang pinipilit nito na lapitan na si Angel.
Umiling lamang ito at ngumiti ng bahagya. Natatakot nga kasi siya. Natatakot siya na kapag nilapitan niya ito, biglang tumakbo ito palayo sa kanya. Baka akalain pa nito na isa siyang magnananakaw. Natawa siya sa kanyang naisip. Alam niya sa kanyang sarili na hindi ganoon ang kanyang itsura. Sa katunayan, may mga babae pa nga na lumalapit sa kanya upang makipagkilala. Pero wala siyang paki alam doon. Itong babae lang talaga ang gusto niya.
"Ayaw ko nga, pre. Nakakahiya 'don sa tao. Nananahimik tapos bigla kong guguluhin?" Sagot niya sa kaibigan. Alam niyang walang kwenta ang kanyang palusot. Duwag lang talaga siya.
"Hayaan mo na si Dannie! Kailan ba lumakas ang loob niyan?" Natatawang sabi ni Chevin. Kilala na kasi nila ang kaibigan. Kahit anong udyok nila rito ay wala naman silang napapala.
Bigla siyang na payuko. Nag-isip. Tama naman ang mga kaibigan niya. Wala nga yata talaga siyang balls kagaya na rin ng sabi ng dalawa. Hanggang kailan magiging ganito? Hanggang kailan siya matatakot? Hanggang kailan siya makukontento sa pagtingin lang sa malayo sa babaeng pangarap niya? Kailan kaya siya magkakaroon ng lakas ng loob para magtapat sa dalaga?
----
Thanks for reading. Please comment your thoughts regarding the story? :)
BINABASA MO ANG
Free From Fear
Teen FictionLahat ng tao, may kinakatakutan. Tama naman 'di ba? Pero para maka-move forward ka sa buhay mo, kailangan mo munang harapin ang takot na ito. Are you willing to face your fear just for her? Are you willing to face the risk and consequences? thefooda...