Fear #10 (Angel)Ways
"Oh my gosh, Angel! Sinabi niya ba talaga 'yon?" Sigaw ni Mics habang hinahampas ang aking kamay. Sana pala ay hindi na lang ako nagkwento sa kanya. Ayan tuloy, nasaktan pa ko.
Nakarinig kami ng ilang pagkatok mula sa pinto ng aking kwarto. "Girls, okay lang ba kayo dyan?" Ani Mom. Nabulabog siguro siya sa lakas ng boses ni Mics! Lagot ako kay Mom nito, e.
"Yes, Tita! Okay na okay po kami." Pinipigilan niya ang pagtawa. Loka talaga to kahit kailan. Kinurot ko nga ang kanyang tagiliran.
"Outch! Anj, masaya lang ako para sa'yo. Atleast ngayon, alam na natin ang nasa isip ni Dannie."
"Alam? Wala nga tayong alam don. Napakamisteryoso niya kasi." Ngumuso ako at niyakap ang aking teddy bear.
"Ikaw ang nasa isip niya Mics! Hindi pa ba obvious? Grabe na talaga to. Hindi ko kinakaya!" Nagawa pa niyang paypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay.
"Mics, h'wag tayong pakasisiguro. Alam mo naman ang mga lalaki. Mamaya niloloko lang ako non. Hindi tayo sure na ako lang ang sinabihan niya ng ganoon."
Tumango lamang siya at unti-unting yumuko. Buti naman nakuha ni Mics ang point ko. Ayaw ko lang naman na masaktan. Mas mabuti siguro na ngayon pa lang ay iiwas ko na ang sarili ko sa kahihiyan.
Nang makita ko sa orasan na alas-kwatro na, inaya ko na si Mics na pumunta sa kusina. Paniguradong may handa na miryenda si Mom. Iyon na din kasi ang libangan niya kung minsan. Kaya pababa pa lang kami ng hagdan ay naamoy ko na ang freshly baked cookies. Yum!
"Maghugas muna kayo ng kamay, girls. Titimplahan ko pa kayo ng gatas." Mom said then winked at us. Ang ganda talaga ni Mom. Ang tanga lamg ni Dad para iwan siya. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit nawala siya sa buhay namin? Hindi niya ba kami mahal ni Mom?
Nawala ang mga iniisip ko nang pumalakpak si Mics. "Ano ba Anj? Sayang ang cookies! Mamaya ka na muna mag-isip. Sa ngayon ay kakain na tayo." Hinawakan niya ang aking braso at pinaupo sa kahoy na upuan. I should eat right? Maybe it could help me a bit.
In no time, there is no single cookie left. Masyadong masarap ang pagka-bake ni Mom kaya hindi napigilan ng kaibigan ko ang kanyang sarili. Gusto ko sanang sabayan si Mics na ubusin ito ngunit wala talaga akong gana. Pagkatapos naming kumain ay hinayaan na kami ni mom. Siya na daw ang bahala sa pagliligpit.
"Boring!" Saad ng kaibigan ko bago tuluyang nahiga sa aking kama. Tumango lamang ako. Ano nga ba ang magandang gawin ngayon?
Hinanap ko ang aking cellphone nang marinig ang pagtunong non. Bigo akong makakita ng mensahe. Parehas pala kami ng message tone ni Mics.
"I think it will not be boring anymore!" Nangingiting bungad niya. Kumunot ang noo ko. "Cholo texted me! Nasa clubhouse daw sila. Inaaya tayo." She yelled.
Sasama ba ako o sasama? I'm sure nandoon si Dannie. Hindi ko yata kaya na humarap sa kanya matapos ang nangyari noong nakaraang araw. Ano bang treatment ang dapat? Cold or Casual treatment? Ahhh! Mababaliw ako kapag nagpatuloy pa to.
"Clubhouse? Hello, Mics. Madami ang subdivision sa lugar na to so most probably, there are lots of clubhouse out there! Ang layo pa ng iba mula dito. So saan ang punta natin niyan?" I said. Halos mapairap na ko dala ng pagkairita ngunit hindi ko naman nagawa.
Napanganga si Mics habang nagpapaliwanag ako. Masyado bang halata na ayaw ko? Na sadyang umiiwas lang ako?
"Teka nga, Anj. Anong problema mo? Wala ka namang kaaway dito. Kalma ka lang girl." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko. Tumawa siya matapos gawin iyon.
"Uhm, kakatapos ko lang kasi manuod ng isang clip. May babae si Zayn! Uminit tuloy ang dugo ko. Sorry, Mics. Nadala lang talaga." Depensa ko. Masyado akong na-carried away don.
Tumango lamang siya. Kinuha ko ang dalawang payong at nag-ayos na. Inipit ko ang aking buhok at naglagay ng kaonting polbo at pabango. Ganoon din ang ginawa ni Mics.
Nagpaalam lang kami sandali kay Mom at umalis na. Tatlong kanto ang layo ng clubhouse mula sa bahay. Kaya naman pala ang lakas mag-aya ng mga iyon. Nasa subdivision pala namin sila.
"Anj, panigurado kasama nila si Dannie. Hindi kasi naghihiwalay ang mga bugok na iyon. So, ano? Okay lang ba talaga?"
Kasalukuyan kaming paliko at malapit na sa clubhouse. Napatigil ako sa kanyang tanong.
"Honestly, I'm not comfortable with it. This feeling is weird and unusual for me. So, I don't really know what should I do." Ngumuso ako at napayuko na lamang.
"Just go with the flow. Kung saan man patungo ang relasyon niyo ay hindi pa natin alam sa ngayon. Pero sigurado akong magiging maayos ang lahat." She assured me. Sa kanyang sinabi ay medyo gumaan ang aking loob.
Tama siya. Masyadong advance ang pag-iisip ko. Angel, ni hindi ka pa nga nililigawan ni Dannie tapos ay kung anu-ano na ang nasa isip mo? Hindi pa nga. Pero paano kung dumating ang araw na tatanungin niya ako kung pwede ba niya akong ligawan... Anong sasabihin ko? Papayag ba ako o hindi? Ahhh! I want to stop thinking of him! But how?
Dahil sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na narating na pala namin ang clubhouse. Kagaya ng dati ay madami pa rin ang tao na nandito. May mga bata na nasa playground kasama ang sa tingin ko ay kanilang tagapag-alaga. Mayroon ding ilan na todo sa pagsuot ng kanilang two piece. Napaismid ako. Sa swimming pool lang naman sila ngunit bakit ganoon pa ang kanilang suot? At sympre ang mga lalaki na naglalaro sa court. Akala mo mababali na ang kanilang leeg sa kakatingin sa mga babaeng nagtatampisaw sa pool. Nakita kong tumaas ang kilay ni Mics.
"Tss. May mga tao talagang kulang sa pansin." Aniya. Nagpaparinig yata ito, ah? Naku, ayaw ko ng away. Never pa kong nasangkot sa ganoon. Kaya naman hinawakan ko na lamang ang kanyang kamay at hinala na siya patungo doon sa isang bench.
Saktong pagka-upo namin ay time out na nila. Okay Anj. You need to breathe for you to be able to calm down. Just act casual. Isipin mo na lamang na wala siyang sinabi sayo noong nasa library pa kayo. H'wag kang masyadong maaligaga.
"Hi, girls!" Ani Cholo sabay kindat. "Mabuti naman at nakarating kayo?" Tumabi siya sa kanyang pindan at uminom ng tubig. Sasagot na sana ako nang dumating ang dalawa pa niyang barkada. Ito na Anj, ha? Calm down.
"Mabuti nga at nag-text ka! Nabuburo na kami doon kila Anj. Pero somehow, okay lang. Masarap naman kasi magluto ang Mama niya." Tuwang tuwa na kwento ni Mics. Inubos mo lang ang cookies, e. Tsk
"Cholo, paano niyo nga ba nalaman na nandoon kami ni Mics sa bahay?" Kailangan ko tong malaman. Nakakapagtaka naman kasi. Kagaya nga ng sabi ko kanina, madaming subdivision sa lugar namin. Hindi lang dito ang clubhouse na pwede nilang paglaruan.
"Well, I- I mean, we have ways. You don't need to ask for more." Wow. Ang init kanina pero bakit ngayon ang lakas na ng hangin?
"Okay." Sabi ko na lamang at hindi na ako muling tumingin sa kanya. What does he mean with that? Paniguradong hindi lang siya nagkamali doon. It implies something more...
Maya-maya ay tumunog ba ang buzzer. Hudyat na tapos na ang kanilang pahinga. Tumungo na sila doon sa court at nagsimula ng mag-laro. Todo hiyaw si Mics sa tuwing nakaka-shoot ang sino man sa tatlo. Samantalang ako, pumapalakpak lang. Nakakahiya naman kung gagayahin ko ang ginagawa ni Mics.
Pagdating ng fourth quarter ay hindi na maganda ang laban. Bakas sa mukha nila na nahihirapan na sila na muling pumuntos. Pinasok na kasi ng kabilang koponan ang pinaka-matangkad sa team. Kaya naman sa tuwing tatangkain nila Dannie na mag-shoot, naba-block ito noong lalaki. Hindi na kami nagtaka ng matapos ang game ay natalo sila.
"Okay lang yan guys! May next time pa!" Nakangiting sabi ni Mics sa magbabarkada. Mukhang ayos lang naman iyon para sa kanila. Laro lang naman kasi ito. Isa-isa silang umapir sa aming dalawa. Panghuling dumating si Dannie. Huminga muna ako ng malalim bago makipag-apir sa kanya. Kakaibang boltahe ang naramdaman ko nang maglapat sandali ang aming kamay. Napalitan kaagad iyon ng inis nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
Now what she's doing here?
![](https://img.wattpad.com/cover/21504658-288-k347372.jpg)
BINABASA MO ANG
Free From Fear
Teen FictionLahat ng tao, may kinakatakutan. Tama naman 'di ba? Pero para maka-move forward ka sa buhay mo, kailangan mo munang harapin ang takot na ito. Are you willing to face your fear just for her? Are you willing to face the risk and consequences? thefooda...