Fear #4 - Patabi ha ✔

80 12 8
                                    

 Fear #4 (Angel)

Patabi ha

Literal na gumuho ang mundo ko sa bilis ng pangyayari. Lahat ng mga false hope ko, naging false na talaga. Grabe! Siya nga lang yung nilahadan ko ng kamay pero anong ginawa niya? Ni hindi niya man lang inabot pabalik bilang pag respeto.

Mayroon akong naramdaman na sakit sa dibdib ko. I should not be acting like this! Siguro ay nasaktan lang talaga ang ego ko sa kanyang ginawa. He's rude! Sana naging mabait muna siya sa akin dahil hindi pa naman kami gaanong magkakilala. Saka na lang sana siya naging bastos.

"Ayos ka lang ba, Anj?"

I faced her. Pinilit kong ngumiti kahit sobrang hirap. Parang test sa math. Oo, ganoon kahirap.

"Yep. Bakit hindi Mics?" sagot ko sa kanya with my oh-so-hard-to-smile look.

"Si Dannie kasi... Anyway, sorry about that Ang. Ganoon lang talaga yon. May pagka-suplado kung minsan. Pero once na makilala mo siya, mabait yon."

Tss. I can see that he's nice nga. Sa sobrang bait niya ang sarap niyang balibagin nitong kinakain ko na siomai with chili! Bakit nga ba ako nag assume na ako yung tinitigan niya? Siguro nga hindi ako yon. Well, mas gugustuhin ko na hindi talaga ako iyon.

"I don't mind Mics. Kung snob siya ay okay lang. Ganoon talaga ang mga sikat. Pa mysterious effect." Ganoon na lang ang sinabi ko sa kanya pero sa totoo ay medyo nagalit ako kay Dan. Hindi ko na lang sinabi kay Mica dahil baka lalo pang humaba ang usapan. At isa pa, pilit ko na ngang kina kalimutan ang supladong lalaking iyon.

"Talaga lang ha?" Tanong niya na may nakakalokong ngiti.

Dahil sa pag uusap naming dalawa ay hindi ko na malayan na malapit na pala kami sa aming room. Tamang tama lang dahil kasunod namin ang teacher sa susunod na subject na malapit nang mag simula.

Pumasok na kaagad kami ni Mics sa loob ng classroom at umupo sa aming upuan. Hindi naman ganoon ka strikto ang guro namin na ito pero bilang isang mag aaral ay kailangan mong rumespeto. Kaya ka din nag aaral ay para matutunan ang mga ganoong bagay at i-apply ito sa totoong buhay.

"Good afternoon, ma'am." Sabay sabay na bati ng buong klase sa aming guro.

Tumango naman ito at ngumiti ng bahagya.

"Okay Class, I have an important announcement to tell you before we start our class." Tumahimik ang iba kong kaklase na kanina pa nag-iingay.  "Manganganak na si Mrs. Alcantara so she filed maternal leave. At dahil wala pang substitute teacher na mahanap ang ating paaralan, napag-pasyahan ng pamunuan na hatiin na lang muna ang kanilang section."

"Tapos po anong mangyayari ma'am?" Nakangising tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. Nahulaan na yata ang nais iparating ni ma'am. Hindi na kasi ito bago sa amin.

"So, may ibang mga estudyante in that section na sasama muna sa inyo. Magiging kaklase niyo muna sila habang wala pa silang magiging teacher for the meantime."

Yung mga kaklase kong lalaki para bang nanalo sa lotto kung makangiti. Mas matatawa ka naman don sa itsura ng iba kong kaklaseng babae! Para bang may hindi sila mailabas na kung ano.

"Oh, my ma'am! Really? Si Dannie po ba nandoon?" Sabi nong classmate ko na nasa bandang dulo pa.

"Yes, El." Sagot naman ni ma'am.

Hanggang sa nag simula ang klase ay hindi pa rin matigil sa bulungan yung iba. Hindi ko nga alam kung naiinis na ba si ma'am o hindi niya lang naririnig yung mga bulong ng kaklase ko. Daig pa nila ang mga bubuyog!

"Masyado kayong excited class. Dahil diyan, sige. Papapasukin ko na yung mga bago niyong kaklase pansamantagal" Ani ma'am na malaki rin ang ngisi. Natutuwa sa reaksyon ng mga kaklase ko na hindi maware.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga pamilyar na estudyante. Nakayuko sila habang nakangiti. Marahil ay nahihiya. Samantalang kaming lahat ay nakatitig lamang sa kanila.

Ang huling grupo na pumasok ay hindi kagaya ng nauna. Taas noo pa silang pumasok ng aming classroom na para bang ito din yung sa kanila. Masyadong komportable.

Ano pa bang magandang mangyayari sa araw na to? Sana hindi na lang dumaan ang petsa na to! Masyado yata akong sinuswerte. Eh di sana hindi na ko na lang siya nakita. Sana hindi kami pormal na nagkakilala. Sana hindi ko nilahad yung kamay ko. Sana hindi ako napahiya. Sana hindi namin sila magiging kaklase ngayon!

"Sige lang. Pasok na kayo. Humanap na lang kayo ng mga vacant seat dyan." Ani ma'am na itinuro pa ang mga bakanteng upuan para hindi mahirapan yung mga ibang estudyante.

Namataan ko kaagad siya.

"Patabi ha." Inilapit niya ang kanyang upuan at isinabit ang bag sa likod ng upuan sa kanyang harapan.

Gusto ko sana siyang sagutin na ayaw ko pero wala akong magagawa.  Nag iisip pa kasi ako ng magandang paraan para hindi siya makatabi. Sa seating arrangement kasi namin ay katabi ko talaga ang isang bakanteng upuan dahil medyo likod na ang aking pwesto.

Nagsimula na ulit magturo si ma'am nang biglang sinipa ni Mica ang aking upuan. Nilingon ko ang likod at sinamaan lamang siya ng tingin. Inabot niya ang isang piraso ng papel na muntikan ko ng hindi tanggapin.

Swerte mo ngayon Anj 'nu? :)

Imbis na pumunit ng kapirasong papel para sulatan siya pabalik ay hinagis ko na lamang sa mukha niya ito. Sakto naman na kakatapos lamang ni ma'am sa blackboard kaya kitang kita niya na nasapol ng papel ang mukha ni Mica. Wrong move!

"Ano yan Angel? You're disturbing my class! Pumunta ka sa guidance office. Now!"

Tatayo na sana ako para gawin ang sinabi niya nang biglang may humawak sa aking pulso dahilan para mapaupo ulit ako.

Ano na naman ba to Dannie?

Sa totoo lang ay hindi ko talaga maintindihan ang kinikilos niya. Palaging salungat. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging tingin ko sa taong ito. May posibilidad din siguro na trip niya ko. Psh Akala mo naman kung sinong gwapo. Oo na, gwapo na nga!

"Ma'am ako po talaga yung nagbato ng papel kay Angel. Akala niya po si Mica yon kaya binato niya." Nakayukong pagpapaliwanag ni Dannie.

Ano bang ginagawa niya? Para saan ba to? Dahil ba na gulity siya sa ginawa niya sa akin kanina?

At dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking ito, "Ma'am ako po-"

Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay pinutol niya na ko.

Arghhh! You will pay for this Mica! But mindyou, I will never thank Dannie for this!

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon