Fear #2 - Ilusyon ✔

123 12 7
                                    

Hindi naman basehan ang haba ng kada chapter di ba? Mahalaga yung pinaka content. Hihi. Hindi mahaba ang kada chapter. Pero sana magustuhan niyo! ;)

Madam sana mabasa mo to. Feel free to correct me and please give me some tips? Thank you ;)

----------------------------------


 Fear #2


Ilusyon



Kahit na bumitiw na sa pakikipag-titigan ang dalaga, hindi nagpatinag itong si Dannie. Umaasa siya na lilingon ulit ang dalaga sa kanya. Ilang segundo pa lang ang lumipas. Pero pakiramdam niya, ilang oras na iyon. Gusto na ulit niyang masilayan ang dalaga. Nakatalikod na kasi ito. Marahil ay nahihiya sa nangyaring titigan kani-kanina lang. Isang tingin lang, Gel. Ani Dannie sa sarili.



Maya maya pa ay nahihiyang tumingin ang dalaga. Dahilan upang mapasigaw si Dannie ng "YES!" Napatayo pa nga siya habang nakataas ang dalawang kamay. Daig pa niya ang tumama sa lotto sa sobrang galak. Dahil sa kahihiyan, tinakpan niya ang kanyang mukha at dali daling umupo sa tabi ng barkada.



"Pre, huwag mo naman kaming idamay sa kahihiyan. Dumidiskarte ako si Chix, o!" Inis na saad ni Chevin. Dahil kasi sa sigaw ni Dannie ay naputol ang malagkit na tinginan nila ni Alessandra. Ang isa sa mga 'chix' kung tawagin sa kanilang school. Iyon nga lang, maarte ito.



"Sensya na pre."



Si Cholo naman, tila ba may sariling mundo. Katabi lamang nila ito pero hindi naman sila pinapansin. Masyado kasi itong abala sa kakakain ng footlong, fries at burger na binili ng dalawa. Siya kasi ang taga ubos kahit hindi pa kumakain si Chevin at Dannie. Titirhan lamang niya ito ng kaonti kaya mapipilitan ang dalawa na bumili ulit. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nila bibigyan pa si Cholo.



"Tss! Cholo naman. Ang takaw mo talaga kahit kailan." Umiiling na sabi ni Dannie. Tumayo ito at lumapit sa counter para bumili ulit ng pagkain.



"Dan, Cholo, saglit lang ha? 'Don muna ako sa kabila." Paalam naman ni Chevin sa kanila. Sapat na sa kanya ang pakikipag titigan ni Alessandra para malaman kung may pag asa ba siya rito o wala. Ganoon kataas ang tiwala niya sa sarili. Daig pa nito ang hanging habagat. Hindi man lang tinirhan kahit na kaonti itong si Dan.



Bumalik si Dannie bitbit ang isang tray na may lamang footlong, fries at softdrink. Hindi naman kasi siya tinirhan ni Cholo ng pagkain! Noong umalis siya ay kinain na nito ang lahat ng pagkain sa mesa.



"Pre, tama na. Kapag ikaw hindi natunawan mamaya..." Malapit na ang kamay ni Cholo sa pagkain ngunit bigla siyang natigilan sa sinabi ni Dannie. Natatakot siyang baka magkatotoo na hindi nga siya matunawan. Eh hanggang alas kwatro pa ang klase nila ngayong araw. Matagal tagal din na pagtitiis iyon kung sakali.

Free From FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon