PROLOGUE

40 0 0
                                    

A/N This is the flashback of My Sexy Girl.
Update sched: Tuesdays& Thursdays

*****

Hello.

Ako nga pala si Thrence Diaz. Matangkad, guwapo, gentleman ng kaunti, at kinababaliwan ng halos lahat ng babae sa campus. Higit sa lahat, mahal ko ang Mommy ko. Isa pang higit sa lahat, ayaw ko kay Alexandria Del Valle. Ayaw ko sa matataba, na may malulusog na pimples at siga kung umasta.

Nasa akin na lahat ng katangiang gugustuhin ng isang babae kaya araw-araw akong ipinagtitirik ng candila ni Alex. Alexandria Del Valle. Inaanak ni Mommy, at inaanak din ako ng Mommy niya. Kaklasi ko mula pa third year high school. Simula nang lumipat siya, naging impyerno na ang buhay ko. Halos taon-taon ding pinagdarasal niya ako sa Quiapo at nagpapatulong sa albularyo. Bakit alam ko? Dahil palaging may nawawalang gamit sa akin. Minsan panyo, damit, boxers, at kung suswertehin pa, pati brief ko kinukuha niya.

Grabe, hindi ko kinakaya ang kaguwapuhan ko.

Kaya hindi ko matanggap-tanggap sa sarili na nagkaka-something na ako sa kanya. Kaya naman, kahit hindi ako naniniwala sa gayuma o ano pa man, pumupunta na rin ako ng palihim sa albularyo para ipatanggal ang sumpa, dahil tangina, hindi ko matatanggap.

Pero ang hindi ko rin matanggap ay sinukuan na niya ako kung kailan tumatalab na talaga ang gayuma. At hindi na kayang labanan no'ng albularyo na tanggalin ang gayuma itinanim sa akin ni Alex.

Pero hinayaan ko rin siyang umalis dahil hindi ko matanggap sa sarili ko kahit kailan. Gano'n nga ang nangyari. Kahit no'ng bumalik siya na may boyfriend na. Putsa, wala talaga akong paki.

MONYENstory

My Sexy Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon