CHAPTER 14

358 14 2
                                    

“MAGTITIGAN na lang ba tayo maghapon?” Untag ni Alex nang mapansing hindi ako nagsasalita.

Magsalita ka Thrence!

“So kumusta?” Ang unang nabanggit at gusto kong sampalin ang bunganga ko sa lame kong tanong.

Seriously? Bakit ako biglang naging si badoy?

“I mean, mas lalo kang gumanda Alex.” Kunwa'y umubo ako. ‘Yan, ganyan nga.

“Matagal na akong maganda, Thrence, sadyang mataba lang ako dati.” Tumitig ito sa’kin. “ Wala ka bang itatanong sa’kin?”

Ito na, sasabihin ko na nga.

“ Can you be mine? Please?”

“ Where’s your ring?”

Nanlaki ang mata ko, “What? I mean, girlfriend. Can you be my girlfriend, Alex?” Madamdamin kong tanong kahit pa hinahanda ko na ang sarili sa mga posible nitong sagot.

Nginisihan ako ni Alez saka umiling, nanlumo tuloy ako.

“I don’t want to be your girlfriend because I want to be your wife, can you fulfill your promise, cupcake?”

Literal na tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Shit. Akala ko ako ang mabilis, napangiti na lang ako na makitang mas mabilis pala itong si Alex ko.

Ang gwapo ko talaga. Shit.

Namamangha ko siyang tiningnan. “You mean?”

“Yeah.” Walang gatol na sagot nito pero kakikitaan ng saya sa klasi ng paimpit nitong tawa.

Sa saya ko ay napasuntok ako sa ere.

Ito na ang unang yumakap sa’kin.

Haayy. Ano ba ang nagawa kong maganda sa buhay ko at binigyan ako ng ganito kagandang regalo? Kung tutuusin ang sama sama kong tao lalo na kay Alex.

Damn woman.

“I love you cupcake.” OA man pero inlab na inlab talaga ako sa babae’ng ‘to. Parang mayroon sa dibdib ko na nagdudulot ng masarap na pakiramdam. I will never let this woman go. Ever.

“Kiss ko?”

“Ha?” napapalunok ako sa sinabi nito. Kailangan talagang pangunahan ako? Alam kong gwapo ako pero naku naman.

“ Matagal ko nang gustong mahalikan mo ako since college pa. Hindi pa ako nakuntento doon sa halik natin sa dagat.” Walang kasweet-sweet at kadating-dating ang pagkakasabi nito. Parang normal lang iyon na request.

Pero para sa akin, shit lang.

Total naman ay gusto ko din..

Sabik kong hinapit ang bewang nito at iniupo sa kandungan ko. Sakto lang na hindi nito magulo ang alaga ko.

Kita ko ang pamumula ng mukha at tainga nito.

Dahan-dahan kong inilapit ang ulo sa kanya. Nakahawak ang kamay niya sa braso ko habang ang kamay ko ay nakahawak sa magkabilang mukha niya. Mahigpit ang hawak niya.

Dahan-dahan kong pinaglapat ang labi namin. This time, sinadya kong medyo ibuka ang labi ko habang inilalapit ko sa magkalapat nitong labi. Hindi ko muna ipinikit ang mata ko at tiningnan ang magandang reaksyon ng mukha ni Alex.  Ramdam kong kinakabahan si Alex dahil sa nanginginig nitong labi. Ramdam ko ang lambot niyon at mamasa-masa.

Naglapat lang ang labi namin at wala na akong ginawang iba dahil ayokong biglain siya.  Let's see kung ano ang reaksyon niya.

Babawiin ko na sana ang labi ko nang maramdaman kong ayaw pang ihiwalay ang labi sa akin. Lihim akong napangiti sa ginawa niyang iyon.

Hudyat iyon sa gusto kong gawin dito. Wala ito sa plano, pero sige.
Kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang magkabilang panga niya at ginalaw ko ang labi ko. Dahan-dahan, taas-baba. Ramdam kong hindi gumagalaw ang labi nito at naghihintay ng tiyempo para gayahin ang ginagawa ko. Hindi nga ako nabigo dahil ginagaya na nito ang ginagawa ko. Taas-baba. Ramdam kong napapahigpit ang hawak nito sa braso ko sa tuwing dinidiinan ko ang pang-ibabang labi niya.

Ako ang nagkusang huminto at bahagya pa akong lango nang maghiwalay ang labi namin at gano’n din ito. Nakapikit pa ito at namumula ang mukha at labi nito. Magkalapit pa ang mukha namin kaya pinaglapat ko ang noo namin sa isa’t-isa.

“Masarap ba?”

Namula lalo ang mukha nito at hinampas ako sa braso. “Gago.”

“Suus, ikaw nga ‘tong nagyaya eh, tapos ayaw mo pang humiwalay.” Pang-aasar ko.

“H-hoy! Ang k-kapal ah!” Hindi magkandauto si Alex sa pagsagot dahil nauutal ito sa sobrang hiya.

Niyakap ko siya para mawala ang hiya niya. “I love you cupcake.” Naramdaman kong yumakap din ito sa akin pabalik na siyang ikinatuwa ng puso ko.

“I love you cupcake.” Malambing na saad nito saka bahagyang sinubsob ang mukha sa dibdib ko.
Hayyy, ang sarap lungs.

“Ehem!”

Sabay kaming kumalas sa pagkakayakap sa isa’t-isa nang marinig ko ang tikhim. Si Mommy at Tita!

“So kailan mo pakakasalan ang anak ko Thrence? Aba’y gusto na naming magkaanak ang anak ko.”

“Sa madaling panahon Tita.” Saka ko kinindatan ang nobya ko.

Ngayon lang ako sang-ayon sa shotgun marriage.

MONYEN story

My Sexy Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon