PABILING-BILING ako sa higaan. Mag-uumaga na pero hindi pa din ako dinalaw ng letseng antok.
I just couldn’t accept the idea na may ibang lalaki nang kinahuhumalingan ngayon si Alex. Samantaling dati, kulang nalang na pati ang dinadaanan niya ay sambahin nito.
Para akong sinampal sa katotohanang noon lang pala ‘yon at hindi na ngayon. Lalo pa’t ang daming kalokohan at maling nagawa niya sa babae.
Not just once niya itong napa-iyak kundi ilang beses na. And still matatag pa din ang paniniwalang magugustuhan ko din daw siya.
"Ito na nga, nagkakagusto na ako. Pero ito naman ang may bago. Damn it."
Nagkatotoo na ngang talaga ang mala-sumpang salitang binitawan nito noon na akala niya, malaking bangungot sa kanya.
Pero hanggang ngayon ay bangungot pa din naman talaga ito, dahil kung kelan nagustuhan niya na ito, ay ito naman ang may ayaw sa kanya at ang malala, may boyfriend na ito.
Lintik namang lablayp ‘to oh!
Naghuhulihan lang yata kami nito eh!Sarap tirahin ni kupido, kundi man kaya ay itagtag ng pabaliktad. Kung pumana man lang, do’n pa sa hindi sakto. Ang labas, para lang kaming nagpatintero.
Ah bahala na! Ang importante makatulog ako ngayon dahil ayaw kong magmumukhang panda bukas!
“GOOD MORNING baby, breakfast?” Naabutan ko si Mommy na nagluluto sa condo ko.
“Morning Mom.” I kissed her hair. Tapik lang sa puwet ang natanggap ko.
Old habits die hard. Gawain ni Mom since nagka-isip ako.
“You have to prepare baby, may lakad tayo.”
“Where?” Akala ba niya may lakad sila kasama sila Alex?
“Secret, I’m sure magugustuhan mo ’to. By the way, bring your friends with you and their girls.”
Mukhang magugustuhan ko nga ang lakad na ‘to, bahala na! Ako na lang siguro ang bibisita sa kanila at liligawan ko siya!
Gets 'nyo? Lintik din sa mahika ang balyenang iyon, tumatalab na.
MATAPOS kong magbreakfast ay tinawagan ko isa-isa ang mga barkada ko. Dahil weekend, walang pasubaling pumayag ang mga loko.
“WOW, ang ganda,” lang ang nasambit ko.
“Ng ano pre? Ng dagat o ng naligo?” Nang-aasar na tanong ni Winter.
Palibhasa, kasama sa lakad ang kumare ni Mommy kasama ang anak nito na ngayon ay kumpiyansang ibalandra ang katawan suot ang cream two piece bikini nito.
Para na nitong pangalawang kulay ang suot na bikini na talagang napapa-'tang*na' ako.
'Kumalma ka Thrence junior, darating din tayo diyan.' Pakunswelo ko sa sarili habang pasimpleng tiningnan ang ibaba ko.
Oo kasama sila. Hindi ko inaakalang kasama sila. Ikinagulat ni Mom ang pagyakap ko sa kanya ng bongga. Iba din pala kapag ang Mommy mo na ang kusang gumawa ng paraan.
Naintindihan ko na ang sinabi ni Mommy na magugustuhan ko ang lakad na’to. Dahil mommy ko siya, malakas ang radar niya pagdating sa’kin.
Ang sabi pa nga niya, “Suus, boyfriend lang ‘yan, 'nak. May pag-asa ka pa, asawa nga naagaw, magsyota pa kaya?”
That’s why I love my Mom so damn much.
“ Mas maganda siya 'pre.” Tukoy ko kay Alex nang walang paligoy-ligoy.
Napalatak ang kasama kong si Blake.
"Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kahahantungan mo 'pre. It’s either simbahan or heartbreak and I think, it’s the latter.”
“Hi babe! You look wonderful.” Anang nakakasulasok dugo na boses ng lalaki. Papalapit ito sa gawi ni Alex.
'Wonderful my ass. Is he gay? Kung ako iyan, sasabihin ko talagang, 'You look hot, babe. Come on, let's go to our room.'
Pero magkamatayan na kung iyan ang sasabihin ng lalaki dito! I won't let them.
At ang balyena, sarap kurutin sa singit eh. Kung makangiti, wagas. Para itong naiihi na ewan.
Sarap magpaulan ng mura.
“Damn.”
“Yeah damn.”
Kakasabi pa lang ng kasama niya ang kahahantungan. Peste, ang bilis naman! Daig pa si Flash.
Gusto kong dambahin ang lalaking papalapit sa gawi ni Alex.
Anak ng! Nagyakapan pa talaga!
Hinaplos-haplos ako sa likod ni Blake. Nang-aasar. “Strong ka bro, kaya mo ‘yan. Isipin mo na lang na mas malala pa diyan ang ginawa mo sa kanya no’ng college pa tayo.”
Ayaw ko man tanggapin ay sadyang sampal iyon sa mukha ko ang sinabi ni Blake.
Wala sa sariling tinanaw ko ang mga barkada kong may kanya-kanyang kaharutan. Ayaw ko mang aminin ay naiinggit ako.
At nageselos ako sa nakikitang sweetness ni balyena at ng boyfriend nito.
Kung alam ko lang na ang balyenang ito lang pala ang magugustuhan ko, edi sana, sinamahan ko siyang magpapayat noon! Sabay kaming mag-exercise para may karapatan akong angkinin siya sa paraan na akin lang talaga siya.
Sumasakit ang ulo ko, katawan ko at puso ko. Lahat na lang masakit. Combo attack lang ang tema. Me against the world. Ang OA ko na. Damn it.
“ 'Pre, kung hindi mo madaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan!” Payo ng kaibigan ko na siyang nagpagising sa nanghihina kong fighting spirit.
Nabuhayan ako ng loob sa payo’ng ‘yon ng barkada kong si Winter. “Tandaan mo, walang mahina sa barkada natin.”
‘Oo nga naman, hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng babae’ng makakuha ulit ng interes ko tulad ng babae’ng ‘to. Wala na akong pakialam sa cupcake-cupcake na iyon, ang balyenang babae’ng pa lang na ‘to, ay okay na okay na ako.’
MONYEN story
BINABASA MO ANG
My Sexy Girl (Completed)
Random"Hindi natin naaappreciate ang mga bagay na nasa harap natin dahil busy tayo kakatanaw sa malayo." -Thrence- (c) photo -pinterest