CHAPTER 1

36 0 0
                                    

"Alex, nandiyan na ang syota mo! Panis ang mga kaklasi natin sa hitsura niya."

"Putsa. Ang gwapo ng buhok, ng balat, mamula-mula parang makopa, pati labi. Naku, dali-dalian mo ang diskarte mo at mapag-iwanan ka." Saka tawanan ang sunod na narinig ni Thrence. Pagawi na siyang classroom nila nang marinig ang tuksuhan ng tropa ni Alex sa gilid ng hallway na madadaanan niya.

"Babe! Love! Honey! Ngiti naman diyan, oh," tukso ni Alex sa kanya. Kinilabutan siya dahil naghahalo ang nakakangilo nitong pabebe na boses na may halong angas.

Gusto niyang takpan ang tainga. Gigil niyang binilisan ang paglakad. Isang taon na lang ang pagtitiis niya at hinding-hindi na niya makikita ang pagmumukha ni Alexandria Del Valle. Simula nang lumipat ito sa school nila ay nagkanda-letse na buhay niya.

Simula yata nang masilayan siya noong ipinakilala sila sa isa't isa ng mga magulang nila ay hindi na siya nilulubayan. Hindi nga niya matatawag na admirer lang niya ito dahil higit pa sa isang admirer ang ginagawa.

When he tried to glared at her, she just smiled cutely! Eww, hindi ito cute. Pangit ito, pangit!

"Thrence!"

Binilisan niya ang lakad.

"Oi," someone poked his side. Si Alex 'yun! Nilakihan pa niya ang lakad. "Snob naman ni Pogi. Bahala ka, mabangga ka niyan."

Bago pa siya makahakbang ulit ay nabangga nga siya nang biglang bumukas ang pinto. Sapo niya ang ilong na iniinda iyon.

"Thrence?! Pre? Pasensya na." Sunod na nagsilabasan sa classroom ang tatlo niyang barkada. Nagtataka sa hitsura niya.

Masama ang tingin niya sa kanilang tatlo. "Tangina naman." Binalingan niya ang gawi ni Alex. Ayun, sapo ang ang bibig at ilong na pinagmamasdan siya mula sa kinaroroonan. "Ano?! Kasalanan mo 'to, e."

"Bakit ako? Sabi ko, baka mabangga ka. Hindi ko naman inaasahang, mababangga ka nga talaga," maangas na pangatwiran. "Kung hinayaan mo akong sabayan ka, 'di sana, ako ang sumalo ng mukha mo."

"Ayun!" Nagsipulan mga kaibigan niyang gunggong. "Hi, Alex!"

Sumaludo si Alex kay Blake bago tumalikod. "Sibat na ako. Ingatan niyo 'yang asawa ko, ha."

Gusto niyang hugutin ang buhok nito sa pagkapikon. Natatawang iniilingan siya ni Waltaire. "Iba ang kaguwapuhan mo, 'pre."

"Tumahimik ka. Pati ako namomroblema na nga rin."

Tawanan silang pumasok nalang sa classroom. No'ng matapos ang klasi sa hapon, hindi na siya nagtaka nang nasa labas ng gate si Alex. Inaabangan siya.

"Thrence!"

Sinadya niyang dedmahin ito. Hinatak niya tatlo niyang kaibigan pero ang mga loko, iniwan siya.

"Bye, 'pre! Enjoy!"

Nag-fuck you sa tatlo. "Mga traydor kayo."

"Alabyu!"

"Ano na naman?" sita niya kay Alex na ngiting-ngiti ngayon sa kanya. "Hindi ka maganda, huwag kang ngingiti-ngiti sa akin."

"Sabay na tayo." Tumatalbog ang pisngi sa bawat galaw nito.

"Nakikita mo mukha ko?" Tumango ito. "Ano ang nakikita mo?"

"Guwapo! Pogi! Asawa ko!" walang habas na sabi. Nagtimpi ang labi niya.

"Tama. Guwapo ako. Ikaw pangit, kaya roon ka sa mga kaibigan mong pangit," turo ko sa dalawang mason niyang tropa.

"E, ikaw ang gusto ko."

Pinandilatan niya ito. "At hindi ikaw ang gusto ko."

Nauna na siyang naglakad at gumawi sa kinalalagyan ng bisekleta niya. Umangkas siya at iniwan ito ng tuluyan.

My Sexy Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon