CHAPTER 13

355 13 2
                                    

ALEX’S POV

Ang ganda ng pagkakangiti niya, mas maganda pa ‘to sa ngiti niya noong college pa kami. Dahil alam kong ako na ang dahilan ng magandang ngiti niya ngayon.

Naiinis ako sa kanya noon pero natabunan na ng sobrang pagkagusto ko sa kanya ngayon.

Hindi ko na kailangan maghabol dahil siya na ang kusang naghahabol. Mapapa-sana all na lang talaga ako.

Ang sarap sa pakiramdam na kinikilig ka dahil nakikita mong kinikilig siya dahil sa’yo.

THRENCE’S POV

“Sa’n ang punta mo nak?”

“Aakyat ng ligaw kay Alex ‘My.”
Inaayos ko ngayon ang polo ko sa harap ng salamin. Ewan ko ba at sobrang kinakabahan ako ngayon. Daig ko pa ang sinto-sinto sa lakas ng kabog ng dibdib ko at para akong may kabute na hindi mapakali.

“Nakuu ang baby ko, bilisan mo 'nak, para magkaapo na kami ni kumare.”

“My, ligaw ang ipunta ko do’n.” Kinaklaro ko kay Mommy, akalain mo naman. Mas mabilis pa sa akin mag-isip pagdating sa ganyang bagay. Atat na atat.

“Aish gano’n pa din ‘yon! ‘Wag ka ng patumpik tumpik at nag-eedad na ako.”

“Ilang anak ba gusto mo ‘My?”

“Marami nak! Mas maganda ‘yon.”

“ My, hindi biik si Alex. Dati oo, pero ngayon hindi na.”

“Bad mo talaga nak!”

“Haha biro lang, kahit pa lumobo ulit si Alex, siya at siya pa din ang gusto ko My.” Totoo. Baliw na yata talaga ako sa babae’ng ‘yon.

“Sige na umalis kana at baka malate ka pa, mapurnada pa ang pagsagot sa’yo.”

NANDITO na ako ngayon sa bahay nila Alex. Hindi ko alam kung magkakutsaba ba ang Mommy ni Alex at Mommy ko dahil iniwang solo lang anak nito sa bahay nila.

Wala na ang ama nito tulad ko.

Sa hindi malamang kadahilanan ay gusto ko tuloy umatras muna. Kinakabahan ako sa kaalamang solo lang kami sa bahay nila.

“Anong gusto mo, coffee, juice, water, tea or me?” Hindi ko alam kung biro ba ‘yon o ano, masyadong seryoso kasi ang mukha nito.

“Ha?”

“Haha biro lang masyado ka namang seryoso diyan.”

Nakahinga ako ng maluwag do’n ah.

“Ah hehe, juice na lang.”

“Upo ka na do’n, “ tukoy nito sa sofa nila.

Mula sa inuupuan ko, tanaw ko siya sa kusina. Naka simpleng shirt lang ito at short. Ang sarap niyang titigan, lalo pa at bahagyang may mga buhok na nakatakas sa tali niya, ang sexy tuloy niya tingnan.

'Ang ganda naman ng mapapangasawa ko.'

'Akalain mong sa balyenang ito lang pala ang bagsak ko. My beautiful whale.'

“Juice mo,” abot nito sa akin, tinanggap ko naman iyon.

“Thanks.” Hindi ko alam kung bakit nahihiya akong salubungin ang tingin niya. Masyado kasing tumatagos sa’kin eh.




MONYEN story

My Sexy Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon