CHAPTER 5

23 1 1
                                    

Naguguluhang hinintay ni Alex ang tugon ni Thrence pero daig pa yata nito ang nahubaran ng labag sa loob. Nanlalaki ang mata na nakatitig sa kanya habang nasa ere ang straw ng buko juice, sa tabi ay si KC na hinihintay rin ang sagot ni Thrence.

"Hoy." Kinalabit na ni Alex si Thrence.

"Ano?!" Kanina ay gusto ni Alex na mag-sorry pero gusto niya na lang bawiin iyon. Bakit naman kasi siya magso-sorry kung natalo nila sila Thrence, 'di ba?

"Napaka-bugnutin mo naman. Sige na, hindi na ako magso-sorry."

"Hindi na ako galit." Lumitaw ang ngiti sa labi ni Alex sa lumabas sa bibig sa Thrence. Agad na tinama ni Thrence ang sinabi. "Ang sabi ko, hindi naman talaga ako galit. Sino ka ba, ha? E, 'di congratulations sa inyo no'ng Trevor na 'yon. Alis na at huwag mo na akong guguluhin sa araw na 'to at sa susunod pa.

Nakamot ni Alex ang pisngi, muling sinulyapan si Thrence. "Sure na 'yan? Hindi na kita susuyuin, ah. Pero kukulitin pa rin kita. Hindi ko na mahihinto 'to."

Nag-arko na naman ang kilay ni Thrence. "At bakit mo naman ako susuyuin? May tayo ba, ha?" Puno ng disgusto ang mukha ni Thrence. "Kahit kailan walang suyuan na mangyayari, naintindihan?"

"Bakit kasi hindi na lang tayo, 'di ba? Pero ayos lang naman. Handa akong maghintay, baby. Enjoy ka na lang muna sa maling tao," kumindat si Alex bago umalis sa harap ni Thrence, at bago pa siya mabato ng hawak na buko juice.

Gustong pagbabatuhin ni Thrence si Alex ng hawak na buko. Mabuti na lang at biglang lumitaw si KC sa harap ni Thrence, nawala agad ang galit niya.

Nagpahinga lang saglit at sumalang na ang sunod na game. Hindi na sumali si Thrence at KC. Si Alex at Trevor ang bida-bida sa activity nila na iyon. Kung sa basketball pa ay sila ang most valuable player. Parehong competitive at walang laro na inaayawan. Mapa-treasure hunt man, beach volleyball, patintero at kung ano pa.

"Ang nognog mo na, mars!" kantiyaw ni Angela kay Alex nang sa wakas ay nagsawa na ito sa mga activity.

Naupo si Alex sa lounge chair at uminom ng tubig, humihingal. "Talaga? Magkakatan lines ako, ayos."

Sinipat ni Angela ang mukha ni Alex, natawa kapagkuwan. "Ang pangit mo! Huwag kang lalapit kay Thrence kung ganiyan ang hitsura mo, ha. Sukang-suka na iyon sa hitsura mong matino, lalo na ngayon. Daig mo pa ang sinabugan."


Hinigaan ni Alex ang dalawang palad. "Love is blind naman."


"Pero hindi bulag si Thrence." Sinuklay-suklay paatras ang buhok. "Anak ng, nasaan na ba si Ching?" Lumingap si Angela, kanina pa kasi nawawala. Ni hindi man lang sumali sa mga laro.

Nginuso ni Alex ang gawing floating cottage. "Ayun, sinisisid na si Baldwyn."

"Nilulunod mo 'kamo."

Bumuntong-hininga si Alex. "Kailan kaya mari-realize ni Thrence ang lahat?"

"Matagal nang naka-realize si Thrence sa buhay kaya nga hindi ka matanggap-tanggap sa buhay, e."

Sumulyap si Alex kay Angela na ngayon ay binuntunan ang pakwan. "Kapag gumanda ba ako, mawala ang pimples ko, pumayat ako, at matanggal 'tong braces ko ay magugustuhan na raw ako ni Thrence?"


"Ma at ma."

Binato ni Alex si Angela ng buto ng pakwan. "Kanina ka pa, ha. Ano nga?"


"Malay ko at malabo. Gayumahin mo na na lang. Pinapahirapan mo pa ang sarili mo."

Biro lang naman iyon ni Alex dati pero bakit nga hindi niya subukan? Tinigilan niya na si Angela at umayos ng upo. "Legit?"


My Sexy Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon