“Hi Thrence.” Bati ni ganda. Nangunot ang noo ko, bakit ako kilala ng babae'ng ito?
“Kilala mo ako?” Lumawak ang pagkakangiti ko. Ang gwapo ko talaga shit.
“Oo naman.” Ang ganda din ng pagkakangiti nito. “Hindi mo ba ako natatandaan?”
“Ah hehe, no, sorry. Ngayon lang ako nakakita ng gan’to kagandang babae sa tanang buhay ko, so sure akong ngayon lang kita nakita. Dahil kung nakita na kita dati, malamang hindi na kita papalampasin pa.”
Nagkantiyawan ang mga kasama ko. Napabungisngis naman ang babae’ng kaharap ko. Ganda talaga, shit.
“Mga galawan mo pre! Masyadong luma na.”
Hindi ko sila magawang pansinin dahil hindi ko maiwala ang paningin ko sa babae’ng kaharap ko ngayon.
“By the way I’m Alex, since hindi mo na pala ako kilala.” Nabingi yata ako.
“I’m sorry? You’re what?”
Ang dalawang kasama niya na ang sumagot. “Alexandra Del Valle, Thrence. May amnesia ka?”
“WHAT??!” Sabay-sabay na tanong ng mga kasama ko. Barkada pala sila ni Alex no’ng college!
“Oh no, “ lang ang nasabi ko.
“Sige alis na kami, familiar kasi ang mukha niyo, so gusto lang naming mag-hi. Bye boys.” Paalam ng dalawa at sumunod naman si Ganda este si Alex.
Pakiramdam ko, nayanig ang mundo ko. Natuod ako, nabingi ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang lakas ng tahip ng dibdib ko.
Ang masasabi ko lang, “sapakin nyo nga ako, baka panaginip lang ‘to eh.”
Isang malakas na sapak talaga sa’kin ang nagpabalik sa katinuan ko.
“Fuck!”
“Kailangan mo ‘yan 'pre, mukha kana kasing naengkanto diyan."
"Wow , hindi din ako makapaniwala na ang babae’ng nilait-lait mo noon, pang beauty queen na ang ganda ngayon. Sabagay, maganda naman talaga si Alex dati, sadyang mala-balyena lang ang katawan at nagpipintugan ang mga pimples noon na animo nilagyan ng pampataba.”
Nanghihina pa din ako.
“Ganda niya pre ‘no? Damn. Ayos pala 'pre! Sabi mo siya magiging bride mo diba?” Hindi ko alam kung maasar o matutuwa sa sinabi ni Winter.
“ ‘Yon nga ang problema. Hindi makakaya ng mukha ko ang pakiharapan siya sa dami ng kalokohang ginawa ko sa kanya noon. Wow, hindi ako maniwala, it’s just..”
“Hahaha bullseye ba pre?”
“Mga gago!”
“Karma is bitch pre, suck it!”
MONYEN story
BINABASA MO ANG
My Sexy Girl (Completed)
Random"Hindi natin naaappreciate ang mga bagay na nasa harap natin dahil busy tayo kakatanaw sa malayo." -Thrence- (c) photo -pinterest