KUNG gaano kadamot ang antok no’ng mga nakaraang gabi, ngayon naman ay para lang itong hangin; madaling langhapin at ibuga sa bilis kong makatulog.
Bukas na bukas din, simulan ko ang mission. Operation Fatty. Dahil ibabalik ko ang mga nawalang taba nito para hiwalayan na ito ng nobyo at para sa akin na lang siya ulit.
Wala akong pakialam kung lumobo ulit siya ang importante ako lang ang gusto niya!
“Good morning fellas! Good morning Mommy, tita and you too miss ganda.” Bati ko nang mababaan ko silang nasa hapag-kainan na.
Mabuti na lang at isang araw lang ang namalagi ang boyfriend nito dito sa binakasyunan namin. Marami pa akong magagawa sa loob ng isang linggong pamamalagi dito.
Nasa ibang cabin ang mga barkada ko kaya wala sila dito pero I already have their back sa kung ano man ang plano ko.
“Good morning too handsome. Come, mag-almusal ka na.” Si Tita, alam kong botong-boto ito sa akin. Ako pa ba? Ang anak na lang niya ang problema.
“Ganda ng gising natin 'nak ah.”
“Sobra at mas lalong gumaganda dahil nasilayan ko ang ganda ni Alex.” Siniringan ko ng pamatay na kindat si Alex. Hindi ako nabigo dahil namula ito, iyon nga lang, sa inis iyon at hindi sa kilig.
Lantaran pa akong inikutan ng mata!
Pag ako makatiyempo, talagang iikot ang mata mo, Alex. Hindi sa inis, kundi... Ehem sa akin na lang iyon.
“Ikaw Thrence ah, hala sige, maiiwan na namin kayong dalawa nitong anak ko. Total ay pareho naman kayong kakagising, mabuti pa sabay na kayong mag-almusal. Tara mare, maligo na tayo, ang ganda ng dagat.”
“Ay bet ko ‘yan dear!”
At tuluyan na kaming iniwan na ikinatuwa ko pero kabaliktaran ng kasama ko. “ What are you up to Thrence?” Kahit nakangiti, alam kong seryoso ang pagkakatanong nito.
Sa nanlalamig kong kamay ay sinalubong ko ang mata niya. “ I’m doing this because I want you to like me back.”
Naipon lahat ng hangin ko sa baga ko at bahagya ko lang ‘yon naibuga matapos kong sabihin iyon sa kanya.
There, nasabi ko na pero bakit may pakiramdam akong para akong e-si-silya electrica habang naghihintay ng sagot niya?
“May boyfriend na ako, at hindi ako pumapayag.”
“I’m not asking your permission, anyway.”
“Why? Dahil ba maganda na ako? Sumexy na ako? Nawala na mga nagpipintugang pimples ko? Gano’n ba ‘yon?”
I was caught off guard nang sinabi nito iyon. Wala akong maapuhap na sasabihin.
Partly yes, but a major part of me na nagsasabing may mas higit pa doon. “No, kahit pa tumaba ka ulit, at bumalik ang hitsura mo noon, I’ll still like you.”
“Liar.”
“Try me.”
“I can’t believe this.” Makikita ang frustration sa maganda nitong mukha. Damn woman, mas lalo tuloy itong gumanda sa mata ko.
“So? What can you say?”
“Damn you Moron!”
Napahalakhak siya ng tawa ng makitang namumula ang mukha nito sa pagkapikon sa kanya.“Listen Alexandra Del Valle, before this vacation ends, I’ll make sure na akin ka na. Kumain ka ng marami. Okay lang tumaba ka ulit basta ako na lang ulit kahit pa lumobo ka pa tulad ng dati.” Aniya at inayos ang pinagkainan, may pakiramdam siyang baka batuhin siya ng pinggan kung hindi pa siya aalis sa harap nito. "Bye cupcake."
Namilog ang mata mga nito. “W-what did you say?”
Shit, hindi niya sinasadyang masabi iyon, it’s just that, nagugustuhan niya kasi ang endearment na iyon na tila bagay naman iyon sa babae.
MONYEN story
BINABASA MO ANG
My Sexy Girl (Completed)
Diversos"Hindi natin naaappreciate ang mga bagay na nasa harap natin dahil busy tayo kakatanaw sa malayo." -Thrence- (c) photo -pinterest