“Let’s vote. Who is in favor of Thrence as reprensentative of third year for Mister Intramurals?”Tumaas ang kilay ni Thrence nang halos lahat ng mga kaklasi niyang babae ay nagsipaghiyawan.
Inakbayan siya ni Walter. “Iba talaga ang karisma mo, ‘pre.”
Mayabang siyang kumibit ng balikat. “Face and brain kaibigan niyo, e.”
“Ikaw kasi Walter puro ulo mo sa baba pinapagana mo.” Kantiyaw ni Blake rito.
“Ulol, bakit ba ikaw, hindi?”
“Minsan lang oi.”
Siya nga ang piniling panlaban para sa intramurals nila. Si KC naman ang pambato sa babae. Aba, ayos ‘to.
“Hoy, gago. Huwag kang matuwa. May mata si Alex sa paligid.” Sukat sa sinabing iyon ni Blake ay lumipad ang tuwa niya. Peste.
“Busy iyon! Balita ko sasali iyon sa laro. Sagot ka namin sa diskarte mo ‘pre!”
Kung hindi pa niya majojowa ‘tong si KC, ay ewan niya na lang.
Matapos ang panghuling subject nila ay pinatawag sila sa social hall. Lahat ng contestant. Siyempre, mukha at tindig pa lang, stand out na sila ni KC.
“Bagay sila, ano?”
“Ang guwapo ni Thrence, shuta. Kaya pala halos mabaliw si Alex sa kanya.”
Okay na sana, e.“Huwag mo silang pansinin, KC.” Sabi niya rito no’ng malapit na sila sa hall.
“It’s okay.”
Nakahinga siya nang maluwag doon.
Sa hall, napag-usapan nila ang tungkol sa mga gagawin sa darating na intramurals. May isang linggo silang preparation. Pagkatapos ay sila naman ni KC ang nag-usap tungkol sa mga gagamitin, isusuot at talent nila.Sa totoo lang, sumasakit ang ulo niya dahil wala siyang maintindihan sa ganitong bagay. Aba, malay ba niya? Pumayag lang naman siya dahil alam niyang guwapo at matalino siya.
Tinawagan ni Thrence ang mommy niya at iyon ang pinakausap niya kay KC. Smooth din ‘yon, ha. Bahala na silang mag-usap.
Hindi na siya mahihirapan sa talent dahil maganda naman ang boses niya. Magaling din maggitara si Blake. Iyon na lang kukunin niyang magtutogtog sa kanya. Kaunti practice lang naman kailangan.Pabalik na sila sa classroom at nagtatawanan sipa ni KC, naka-abrisyete pa sa kanya nang may mahagilap ang mata niyang lumilipad na bola. Nanlaki ang mga ni Thrence at hindi pinag-isipan ang ginawa. Tinakpan niya si KC kasabay niyon ay ang pagtama ng humahagibis na bola sa likod niya. Nakalimutan niya saglit kung paano huminga dahil ang lakas ng impact no’n sa likod niya.
“Thrence!”
“Oh my, god. Thrence, are you okay? Masakit ba?” Sinipat agad ni KC ang katawan niya, alalang-alala.
Huminto si Alex sa harap nila habang humihingal. Sa mukha ay kababakasan ng pag-aalala at guilty. “Hindi ko sinasadya. Sorry.”
“Paano kung hindi ko nakita at si KC ang natamaan ng bola? Sorry pa rin ba?”
Napatda si KC sa reaksyon ni Thrence. Maging si Thrence ay hindi alam bakit inis na inis siya. Walang kaso sa kanya na siya ang sumalo sa bola pero paano nga kung si KC? Ang lakas pa naman no’n.
BINABASA MO ANG
My Sexy Girl (Completed)
Random"Hindi natin naaappreciate ang mga bagay na nasa harap natin dahil busy tayo kakatanaw sa malayo." -Thrence- (c) photo -pinterest