“Based on your MRI, the inner ligament on your right foot is torn and according to your school doctor, na-sprain na rin yung right ankle mo dati. Hindi na maganda ang kundisyon ng paa mo, Daniel. Masyado na itong nabugbog sa injuries na natamo mo.”
“Ano pong ibig niyong sabihin??” Nag-aalalang tanong ni Dj.
“Even though it can heal, you might suffer from serious consequences in the future. Mahalaga ang flexibility ng paa pagdating sa track and field dahil isa itong strenuous activity. I’m sorry, but you might not be able to race anymore.”
Nagulat kaming lahat sa sinabi nung doktor. Hindi namin ineexpect na ganito pala yung bad news.
“Anong klaseng doktor ka ba?!” Sigaw ni Dj sabay bato nung remote. “Sinong nagbigay sa’yo ng karapatang sabihin saking hindi na ko pwedeng tumakbo ulit?! Pinaglololoko mo ba ko?!”
Pinigilan na siya nina Seth at Lester kasi bigla siyang nagwala sa kama.
“Tsaka anong torn ligament pinagsasabi mo?! ‘Wag mong sabihin sakin yang mga medical terms na hindi ko naman maintindihan! Ipaliwanag mo sakin kung bakit hindi na ako pwedeng tumakbo! Bakit?! Ha?! Sabihin mo sakin!! Bakit?!?!”
Hindi ko napigilang maawa kay Dj. Kitang kita ko sa mga mata niya yung lungkot at frustration sa nangyari. Parang mas lalong nawalan ng buhay yung mga mata niya. Parang hindi na siya si Dj.
Kinailangan niyang malagyan ng cast dahil sa nangyari. 6 weeks to 6 months daw ang healing time tapos kailangan pa ng physical therapy. Nag-research agad ako tungkol sa torn ligament at ang dami kong nalaman. Bawal malagyan ng pressure yung affected foot, kailangan laging nakataas yung paa para mas mabilis yung blood circulation, kailangan din ng pain killers. Tapos may nabasa pa ako na “a ligament injury is never going to heal 100% back to normal”. Kaya siguro hindi na siya pwedeng mag-race.
Dahil sa kalagayan ni Dj, naisip kong hindi niya kayang mabuhay mag-isa sa condo niya. Kaya eto, nag-move in ulit ako. Haaaay. Parang nung dati lang. Balik Master and Angel na naman ba kami? Pero mas malala kasi yung ngayon eh. Kailangan na niya talagang mag-wheel chair kasi hindi niya nga pwedeng ipanlakad yung paa niya. At kung dati, siya yung nag-utos sakin na alagaan ko siya, ako naman yung nagpresenta ngayon. Bahala na kung magulo pa rin yung sitwasyon namin. Basta ang alam ko lang, kailangan ako ni Dj.
Tahimik lang siya sa unang araw niya sa labas ng ospital. Hindi niya ko inuutusan gaya nung dati. Kapag may kailangan siya, kailangan tanungin ko muna bago niya sabihin kung ano yun. Parang sinusubukan niya maging independent. Tipong ayaw niyang iasa sakin yung lahat. Actually, medyo masakit nga eh. Kasi kahit yung mga bagay na hindi naman magiging abala sakin, hindi pa rin niya pinapagawa. Pakiramdam ko tuloy wala akong silbi dito.
Ibang-iba yung pagtanggap niya sa nangyari kesa dun sa na-sprain lang yung ankle niya. Hindi siya halos nagsasalita. Nanonood lang siya ng TV buong araw. Kapag naman nasa school kami, madalas nasa tambayan lang siya. Hindi siya pumapasok sa mga klase niya. Sobrang nag-aalala na ko sa kanya. Eto na naman siya, sinisira yung buhay niya. Akala ko yung pag-race lang yung nawala sa kanya pero bakit ganun? Yung Dj na minahal ko, parang nawala na rin.
Daniel’s POV
Pinapunta ko si Seth sa condo para kausapin siya tungkol kay Kathryn. Oras na siguro para sabihin ko sa kanya yung desisyon ko.
“O Dj, ano yung pag-uusapan natin?” Tanong ni Seth habang nakaupo siya sa sofa at ako eto, nasa wheel chair malamang.
“Si Kathryn.”
BINABASA MO ANG
I'm BATMAN's Property
ФанфикDahil sa 'di inaasahang pangyayari, na-involve si Kathryn Maralit sa isang gang na pinamumunuan ni Daniel Alcantara. Mula noon, puro kamalasan na lang ang naranasan niya. Pero teka.. malas nga ba talaga?