A/N: I know I've been on hiatus for a very looooooong time, but I guess I'm back from the dead! I'm going to be writing again and here's for a fresh new start! I hope you guys like it :>
Really sorry for the delay :3
___________________________________________________________
“Sino yun?” Tanong ni Seth pagpasok ko sa loob ng bahay.
“Si Dj.”
Napatingin silang lahat sakin nung sinabi ko yun.
“Nandito si Kuya??” -Jc
“Ba’t ‘di pumasok?” -Kats
“Ayaw niya eh. Dumaan lang raw siya para ibigay ‘to.”
“Ano yan?” -Barbie
Nilapag ko yung box sa table at binuksan.
“Woooooow cheesecake!!” Tuwang tuwa agad si Seth sa nakita niya haha.
Tinago ko na lang sa bulsa ko yung coupon dahil hindi naman yata nila yun dapat makita. Para sa akin lang yun, I guess.
“Teka, pano mo ‘to kakainin??” -Seth
“Lactose free.” Sabi ko.
“Ayun naman pala!” Bitaw ni Lester. “Ang thoughtful talaga ni Deej! Biro mo, biglang susulpot para bigyan tayo nito? Hihi.”
“Ano ba, regalo niya yan kay Kath. Nakiepal ka naman.” -Bea
“Okay lang! Para sating lahat ‘to. Hindi ko naman yan mauubos eh.”
“Oh ano, babe? Narinig mo yun? Para sating lahat daw oh!” -Les
“Fine. Edi ikaw na masaya.” -Bea
Tinawanan na lang namin yung kulitan nung dalawa at masayang kinain yung cheesecake na bigay ni Dj.
Ayun, feeling ko naman nakumpleto na yung araw ko. At least kahit papano, naramdaman naming lahat yung presence niya. Kahit papano, buo pa rin kami.
Nung matapos na ang gabi, nagpasalamat ulit ako kay Seth para sa isang masayang party. Sa ilang saglit lang ay nagsiuwian na rin silang lahat. Sobrang nagkamali ako nung inisip kong magiging worst birthday ever ko ito.
Pumasok na ako sa kwarto ko para matulog pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung binigay sakin ni Dj. Tinitigan kong mabuti yung coupon. Para san naman kaya ‘to? Bakit ako bibigyan ni Dj ng isang Master and Angel coupon? Ano na namang binabalak niya? Hindi ko alam kung tatanungin ko ba sa kanya o hahayaan ko na lang. Haaaay. Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
I'm BATMAN's Property
FanficDahil sa 'di inaasahang pangyayari, na-involve si Kathryn Maralit sa isang gang na pinamumunuan ni Daniel Alcantara. Mula noon, puro kamalasan na lang ang naranasan niya. Pero teka.. malas nga ba talaga?