Chapter 33

3K 45 21
                                    

A/N: Nalungkot ako sa konti ng votes nung previous chapter :( pero sige, mag-uupdate na ko, baka sakaling mas okay reception nitong chapter na 'to haha. Comment kayo please? ♥

_________________________________________________________

Tahimik lang kaming naghintay ni Dj sa labas ng emergency room. Maya-maya, binasag na niya yung katahimikan.

“Hikain na talaga si Jc nung bata pa lang siya. Akala ko nga nawala na yung hika niya eh. Ngayon ko lang siya ulit nakitang inatake.”

“Wag kang mag-alala. Magiging okay rin siya.”

“Laging nagagalit sakin si Daddy noon kasi sa tuwing napapasarap yung laro namin, bigla na lang hihikain si Jc. Kaya siya yung laging pinapaboran ni Daddy. Sa totoo lang, naiinggit ako sa kanya kasi nakuha niya yung pagmamahal ni Daddy. Nawala na nga si Mommy sakin, pati ba naman si Daddy? Ano na lang natira sakin, diba? Pero hindi ko na inisip yun kasi naging mabuting kapatid naman siya sakin. Karamay ko siya sa lahat ng bagay. Pero simula nung hindi na kami nag-usap, simula nung nag-away kami, pakiramdam ko mag-isa na lang ako.”

Naramdaman ko yung sakit sa mga sinabi ni Dj. Dahil dun, hinawakan ko yung kamay niya.

“Dj, hindi ka nag-iisa.” Sabi ko sa kanya. “Ako. Nandito ako. Hindi kita iiwan.”

Tiningnan niya ako ng malalim. Alam ko kahit papano, napalagay siya dahil sa sinabi ko.

“At tsaka hindi pa naman huli ang lahat diba? Pwede pa kayong magkaayos ni Jc. Kung masyadong masakit yung nakaraan, pwede kayong magsimula ulit.”

Daniel’s POV

Nilipat na si Jc sa private room nung stable na yung kalagayan niya. Maya-maya, dumating na rin sina Seth, Les, at Kats. Sinabi ko sa kanila yung nangyari kaya agad silang pumunta dito. Tulog pa rin si Jc nung pumasok kami sa kwarto niya.

Tumayo ako sa tabi ng kama niya. Pinagmasdan ko yung kapatid ko tapos nainis na lang ako sa sarili ko. Dahil sakin, inatake na naman siya. Maya-maya, nagising na si Jc. Nung nagkatinginan kami, iniwas ko yung mata ko sa kanya tapos lumabas na ako ng kwarto.

Pagkalabas ko, sinundan pala ako ni Kathryn.

“Bakit ka lumabas? Gising na si Jc oh. Ayaw mo ba siyang kamustahin?” Tanong niya.

“Wag na muna siguro.” Sagot ko sa kanya. “Gusto mo ba ng pagkain? Bibili ako.”

“Hindi na, ako na lang bibili. Dito ka na lang. O kaya pumasok ka sa loob at kausapin mo yung kapatid mo.”

Nag-stay pa rin ako sa labas ng kwarto ni Jc pagkaalis ni Kathryn. Narinig kong nag-uusap sila nina Seth sa loob kaya nakinig ako.

“Ano Jc, okay ka na ba? O nag-iinarte ka pa rin para mapansin ka ni Dj?” -Seth

Tumawa lang sila sa pang-aasar ni Seth.

“Pwede ka na raw umuwi ngayong gabi sabi ng doktor.” -Kats

“Sorry sa gulong ginawa ko mga p’re ah.” Sabi ni Jc.

“Sus! Wala namang nangyari samin eh. Sina Dj at Kathryn yung naapektuhan.” -Les

“Galit ba sakin si Kuya?”

“Alam mo p’re, kung anuman yung dahilan mo, siguradong alam ni Dj yun at naiintindihan niya yun. Magkapatid kayo eh!” -Seth

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon