Pumunta kami ni Enrique sa isang amusement park. Una naming sinakyan yung bump cars. Sa isang car lang kami sumakay. Siya yung driver at ako naman, taga bantay lang ng ibang cars. Sa tuwing mababangga kami, hinahawakan niya ako para maiwasang yung sobrang pagkaalog ng katawan ko. Sobrang gentleman niya talaga kahit kailan.
Sunod naming pinuntahan ay yung go cart racing. Natalo ko siya! Magaling ako eh! Pero sa totoo lang, tsamba lang yun. Hahaha! Mabagal kasi yung napuntang cart sa kanya kaya ganun. Pagkatapos nun, roller coaster naman. Actually, kanina ko pa winiwish na ‘wag na sana namin yun sakyan. Takot kasi ako dun eh. Sobrang steep kasi dun sa pababang part! Hindi ko yata kakayanin yun.
Nanginginig akong sumakay sa dun sa cart ng roller coaster. Tumabi si Enrique sakin tapos sa ilang saglit lang, nagsimula na yung ride. Sobrang kabado ako nung paakyat na yung roller coaster. As in hindi na ako makahinga tapos pumikit na lang ako. Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Enrique yung kamay ko.
Napamulat ako ng mata. Tiningnan ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko sabay tingin din sa kanya. “Pwede mong higpitan yung hawak kapag natatakot ka na.” Sabi niya sakin.
Napangiti ako dahil dun. Parang nabawasan yung takot na nararamdaman ko. I felt safe because of Enrique.
Nung pababa na yung roller coaster, hinigpitan ko pa yung pagkakahawak sa kamay niya at sumigaw ako ng malakas. Grabe! Hindi ko kinaya! Sobrang nakakatakot talaga! Pero buti na lang kasama ko si Enrique.
Ang dami pa naming pinuntahan dun sa loob ng amusement park pero ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat ay yung pagpasok namin sa horror house. Sobrang takot kasi ako sa mga ganun eh. As in ayoko talagang pumapasok dun pero napilit ako ni Enrique. Sabi niya siya raw bahala. Hindi naman daw nakakatakot.
Pagpasok namin sa loob, kinabahan na talaga ako. Takot na nga ako sa mga bagay na bigla-biglang sumusulpot, takot pa ko sa dilim! Sa sobrang kaba ko, napahawak na lang ako sa braso ni Enrique. Tapos halos ibaon ko yung mukha ko sa upper arm niya. Ayokong makita yung paligid ko. Takot na takot talaga ako. Puro ‘oh my gosh’ yung naririnig ko sa utak ko. Hanggang sa...
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!” Napatili ako. “Oh my gosh ano yun?!? May humawak sakin!” Huhuhu. Iyak na ko. Ayaw ko naaaaaaa. T____________T
“Ayun oh, tingin ka dun!” Asar ni Enrique.
“Kasi naman eh! Takot na takot na nga ako dito. Sabi mo ikaw bahala! Eh bakit ganun?!” Rant ko sa kanya.
“Awww. Sorry na.” Bigla niya akong inakbayan. “Oh ayan, ‘wag ka nang matakot. Nandito lang ako, okay?”
Gumaan yung loob ko dahil dun. Not to mention kinilig din ako. Hihi.
Buong araw kaming nag-bonding ni Enrique. Para na rin kaming nag-date. :”> Pagkatapos ng bonding namin, hinatid pa niya ako pauwi. Haaaay. Grabe, sobrang saya ko ngayon! Sana hindi mawala yung sayang nararamdaman ko.
Kinabukasan, umagang-umaga pa lang ay nagsimula na yung paninilbihan ko kay Daniel bilang angel. Tulak-tulak ko siya sa wheel chair papunta sa klase niya. Sobrang tamad niya talaga kaya hindi pa rin siya gumagamit ng crutches. Pagkatapos ng bawat klase niya, kailangan ko siyang sunduin para lang dalhin siya sa next class. Hindi ko na nga kinailangang pumunta sa mga klase ko na maaapektuhan ng oras ng pagtatrabaho ko sa kanya kasi pina-excuse na niya ako sa mga yun. Hanep no? Iba talaga kapag anak ka ng presidente. Kaya mong gawin yung mga ganung bagay.
Pagdating ng hapon, pumunta kami sa tambayan. Inutusan niya akong pumunta sa varsity office para ibigay yung excuse letter niya. Hindi kasi siya makakapunta sa trainings nila for one month. On my way there, bigla akong hinarangan ni Julia. Ang sama ng tingin niya sakin. Maya-maya, hinila niya yung buhok ko at kinaladkad ako.
“Aray! Teka lang, Julia, nasasaktan ako!” Diin ko sa kanya.
Parang wala siyang narinig dahil patuloy pa rin niya akong kinaladkad. Dinala niya ako sa isang tagong lugar sa Urdaneta. Pagkabitaw niya sa buhok ko, tinulak niya ako papunta sa lapag. Inangat ko yung ulo ko at pagtingin ko sa paligid, kasama niya ulit yung tatlong babae na humarang sakin dati.
“Ano na naman ba ‘to, Julia?! Bakit mo ako dinala dito??”
“Bakit ba buntot ka pa rin ng buntot kay Dj?! Diba alam na ng lahat yung tungkol sa sulat?! Anong palusot mo ngayon at hindi mo pa rin siya nilalayuan?!?”
“Sulat?” Naguguluhan kong sinabi.
“Yung sulat mo para sa basketball captain! Kinalat ko na nga yun sa buong campus para sa’yo eh! Hindi ka pa ba satisfied? Tinulungan na nga kitang makawala kay Dj! Bakit hindi ka pa rin lumalayo sa kanya?!”
Yung photocopies ng sulat ko para kay Enrique. Siya may pakana nun?! Ibig sabihin inosente si Daniel!
“Ikaw ang may gawa nun??” Hindi pa rin ako makapaniwala. “Alam mo, maganda ka pero ang sama ng ugali mo!”
“Masama?” She gave me an evil smile. “Nagkakamali ka.” Lumapit siya papunta sakin tapos nung nasa tapat ko na siya, binabaan niya yung katawan niya para magkapantay na yung mukha namin ngayon pero hindi siya umupo sa lapag. “Since hindi mo pa ako talagang kilala, let me tell you.. I’m even worse than you think I am.” Ang sama ng tingin niya sakin.
“Ano bang gusto mo??”
Sinenyasan niya yung mga babae. Lumapit yung dalawa sakin. Nilagay nila yung kamay ko sa likod ko tapos tinali nila yun. Para akong na-kidnap na ewan. Pagkatapos nilang itali yung kamay ko, itinayo naman nila ako.
“Bitawan niyo ko!”Sabi ko sa kanila.
“Tumahimik ka nga!” -Girl 1
“Wala kang laban samin.” -Girl 2
Napatingin ako kay Julia na ngayon ay malayo na sakin ng konti pero nasa tapat ko pa rin. May hawak siyang lighter. Bigla niya yung sinindihan.
“Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag sinunog ko yang mahaba mong buhok?” Unti-unti siyang naglakad papunta sakin. Kinabahan na ako. Mukhang seryoso siya sa binabalak niya.
Hindi ako binitawan nung dalawang babae kaya hindi ako makapalag. Nung halos isang dangkal na lang ang layo niya sakin, napapikit na lang ako. Shucks. My precious hair!!!
“Hahahahahaha!” Bigla siyang tumawa. Dinilat ko yung mga mata ko. Wala nang sindi yung lighter na hawak niya pero nakangiti pa rin siya ng masama sakin. “Dalhin na nga yan sa storage room.”
“Teka lang! Anong gagawin niyo sakin?!”
Nagtanong pa talaga ako. Kinulong nila ako sa storage room nang nakatali pa rin yung mga kamay ko. Hala na! Ano nang gagawin ko ngayon??? Hindi ko makuha yung cellphone ko para makatawag. Huhuhu. Bea. Barbie. Nasan kayo?? Enrique. Enrique, tulungan mo ko.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam kung anong gagawin. Wala na akong nagawa kundi humingi ng saklolo.
“Saklolo!!! Saklolo!!! Tulungan niyo ko!!” Sabi ko habang sinisipa yung pinto ng storage room. “Parang awa niyo na tulungan niyo ako! TULOOOOOOOONG!!!”
Pero kahit anong lakas ng sigaw ko, mukhang wala namang nakarinig sakin.
Halos isang oras na yata akong nakakulong dito. Ilang beses na ring tumunog yung phone ko dahil may tumatawag pero hindi ko naman masagot. Wala na akong boses para humingi pa ng saklolo. Huhuhu. Ano na kayang mangyayari sakin dito? Nawawalan na ko ng pag-asa..
*clink*
Narinig kong binuksan yung lock. Unti-unting bumukas yung pintuan sa harap ko. Sa wakas, may naglitas sakin...
Pero sino?
BINABASA MO ANG
I'm BATMAN's Property
FanfictionDahil sa 'di inaasahang pangyayari, na-involve si Kathryn Maralit sa isang gang na pinamumunuan ni Daniel Alcantara. Mula noon, puro kamalasan na lang ang naranasan niya. Pero teka.. malas nga ba talaga?