Chapter 16

3K 51 14
                                    

“Kathryn, I’m sorry.” Sabi sakin ni Enrique habang magkatabi kaming nakaupo sa Elden. “Sorry kung nakita mo kami ni Daniel sa ganung sitwasyon.”

“Ano ba talaga yung nangyari sa inyo nun?”

“Kasalanan ko yun, hindi ko napigilan yung galit ko. Nasaktan kasi talaga ako sa ginawa niya sa’yo. Pero hindi ko pa rin dapat ginawa yun. Sorry rin sa mga nasabi ko sa inyo nung isang araw. That was very ungentlemanly of me. Sa totoo lang, naiinis ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko.”

“Hindi ka dapat mainis sa sarili mo.” Sabi ko sa kanya.

“Sabi ko sa’yo dati, ‘May mga tao sa mundong ‘to na gusto kang saktan, pero may mga tao rin na masasaktan kapag nakikita kang nasasaktan’. I really wanted to be the second type of person. Pero nung araw na yun –”

“Hindi ko alam kung bakit yun ginawa ni Daniel.” Singit ko. Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya.

“Nung araw na yun, yayayain sana kitang lumabas ulit. Pero sinira ni Daniel ang lahat. Sa huli, ang dami kong nasabi na hindi ko naman dapat sinabi. Naging cold ako sa’yo kaya ako naiinis sa sarili ko. I’m sorry.”

“Ako nga yung dapat nagsosorry sa’yo eh. Nasaktan kita dahil sa nangyari.”

“Wag na nating isipin yun.” Sabi niya. “Okay lang ba sa’yo kung bumalik na tayo sa dati?”

Yun yung hinihintay kong sabihin niya. Finally! Back to normal na kami ni Enrique. Maayos na ang lahat kaya sana naman hindi na kami guluhin ni Daniel.

Enrique’s POV

Nandito ako ngayon sa Andrade. Hinihintay kong madismiss sina Kathryn dahil usapan namin sabay kaming uuwi. Tumayo ako sa gilid ng corridor habang naghihintay. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang makita kong papalapit sakin si Daniel. Wala na yung orthopedic boot niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at tumigil sa harap ko.

“Anong ginagawa mo dito sa Andrade?” Tanong niya.

“Hinihintay ko si Kathryn. Sabay kaming uuwi.”

“Nagkaayos na pala kayo.”

“Oo. Nag-sorry siya sakin, hindi tulad mo.”

“Sinabi ko na sa’yo dati, hindi ako magsosorry dahil tingin ko wala naman akong ginawang masama. Kung bibigyan ako ng pagkakataong gawin ulit yun, gagawin ko.” Tiningnan niya akong mabuti. “Wala akong pakialam kung ikaw ang piliin niya dahil gagawin ko ang lahat para magbago ang isip niya..”

“AKIN SI KATHRYN.” Madiin niyang sinabi.

“Uy, Daniel!” Sigaw ni Kathryn pagkalabas niya ng classroom. Nilapitan niya si Daniel. “Okay na pala yung paa mo eh.”

“Yup!”

“Oh, anong ginagawa mo dito?”

“Napadaan lang ako para ibigay ‘to sa’yo.” Inabot niya kay Kathryn yung box na hawak niya kanina.

“Ano ‘to?”

“Cheescake. Favorite mo yan diba?” Nginitian niya si Kathryn sabay alis.

Hindi ko maiwasan pero nakaramdam ako ng selos sa ginawa ni Daniel. Nung tuluyan na siyang nakaalis, lumapit sakin si Kathryn.

“Enrique, anong pinag-uusapan niyo ni Daniel bago ako lumabas? Parang ang seryoso kasi ng mukha niyo kanina eh.” Tanong niya.

“Wala yun.” Sa totoo lang, ayoko nang alalahanin yung sinabi niya. “Tara na?”

Tumango lang si Kathryn at nagsimula na kaming maglakad.

Wala pang isang linggo mula nang magkaayos kami ni Kathryn pero nanggugulo na naman si Daniel. Pero kahit ano pang sabihin niya, hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi ako papayag na makuha niya si Kathryn sakin.

Kathryn’s POV

Nag-stay ako ng late sa campus. Ayoko munang umuwi sa boarding house. Ang tagal kong nagmuni-muni sa Elden pero hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Na-ospital na naman si Mama at hindi ko alam kung saan kukuha ng pera para sa pagpapagamot sa kanya. Si Kuya nagbabantay lang sa kanya kasi wala naman siyang trabaho. Haaay. Eto na naman kami sa usapang pera. Nakakagaan naman kami sa buhay kaya lang mahirap talaga kapag nagkakasakit si Mama. Nawawalan kami ng source of income.

Habang naglalakad ako pauwi na lutang ang utak, may nakasalubong akong lalaki. Mukha siyang nakainom kasi hindi siya tuwid maglakad pati may hawak pa siyang bote ng beer. Iniwas ko yung tingin sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Lumayo ako ng konti hanggang sa nalampasan ko na siya. Whew. That was close. Until...

“Miss, wala ka bang kasama?” Tanong niya.

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba. Maya-maya, naramdaman kong papalapit na siya sakin. Hanggang sa inakbayan na niya ako.

“Gusto mo ihatid na kita sa inyo?”

“H-hindi na ho. Kaya ko naman.”

“Ikaw naman, nahiya ka pa!” Amoy alak talaga siya.

Sa takot ko, bigla ko siyang siniko at tumakbo ako palayo.

Pero hinabol niya ako.

Tumakbo ako ng mabilis. Mabilis na mabilis. Naghahabol na ako ng hinga dahil sa bilis ng pagtakbo ko pero naabutan niya pa rin ako. Hinawakan niya ako sa kamay at hinarap ako sa kanya.

“Bitawan mo ko!” Sigaw ko.

“Wag kang matakot, Miss. Hindi naman kita sasaktan eh.” Lasing talaga siya. Hawak pa rin niya yung bote ng beer. Nanginginig na yung tuhod ko sa takot.

Homaygad. Someone save me please.

Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko. “Aray, ano ba! Sinabi nang bitawan mo ko eh!”

Hindi niya ginawa kaya tinadyakan ko siya. Dun ko na-realize na wala akong laban sa kanya. Tinulak niya ako papunta sa sahig. Mistulang ipupukpok na niya sakin yung bote ng beer kaya pinangharang ko yung kamay ko. By this time, dapat naramdaman ko na yung impact pero wala akong naramdaman. Pag-angat ko ng ulo ko, nakita kong may pumigil sa kanya.

Si Daniel.

Anong ginagawa niya dito? San siya galing? Bakit bigla na lang siyang sumulpot?

Sinuntok niya yung lasing, kinuha yung bote sa kamay niya sabay pukpok sa ulo niya. Nakahandusay na ngayon yung lasing sa lapag, nawalan ng malay dahil sa ginawa ni Daniel.

Bigla siyang lumapit sakin. “Nasaktan ka ba?” Tanong niya habang ako nasa lapag pa rin.

“H-hindi naman. Okay lang ako.” Inabot niya yung kamay niya sakin at tinulungan akong tumayo.

“Bakit ka ba kasi naglalakad mag-isa? Gabi na kaya! Ano namang pumasok sa utak mo at late ka umuwi?!” Bulyaw niya sakin.

“Paki mo ba! Uuwi ako kung kailan ko gusto.”

“Eh kung hindi ako dumating edi napahamak ka na!” Inayos niya yung suot niyang leather jacket. “Niligtas ka na nga, ikaw pa ‘tong may ganang magalit.”

Natahimik ako. “S-salamat. Salamat sa pagligtas sakin.”

“Anong salamat? Tingin mo sapat na yun para matumbasan yung ginawa ko para sa’yo?” Anong sinasabi niya? “Lahat ng bagay may kapalit!”

Anak ng. Humihingi pa siya ng kapalit?! Hindi ko talaga maintindihan ‘tong si Daniel eh. Minsan ang bait niya, minsan naman hindi. Sobrang bipolar ng taong ‘to. But usually, he’s just his normal self. Which means rude, boastful, and insensitive. Yeah, for him, that’s normal.

“Ano namang kapalit ang gusto mo?” Tanong ko.

“Magpanggap kang girlfriend ko.”

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon