Chapter 11

3.3K 63 21
                                    

Hindi ako agad nakakilos. Pinagmasdan ko muna yung kagandahan ng lugar na ‘to. Pero hindi rin mawala sa isip ko yung kamalasang nararanasan ko ngayon.

“Apat na araw na lang, Kathryn.” Sabi ko sa sarili ko. Kaya ko ‘tong tiisin.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa tinurong living room. Pagdating dun, nakita ko si Daniel na nakaupo sa isang wheel chair.

“Anong tinitingin tingin mo diyan?” Pambungad na tanong niya sakin.

“Bakit ka naka-wheel chair? Diba kaya naman mag-crutches?”

“Hassle eh! Mas madaling lumibot kapag naka-wheel chair.” Sagot niya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang ganda talaga dito! Sana may ganito rin kaming living room. “O ano, ba’t parang tuwang tuwa ka? Ngayon ka lang nakakita ng penthouse??”

“Oo eh. Bakit ba! Grabe, ang yaman mo pala talaga.”

“Malamang! Tatay ko may-ari ng school diba? Pati siya ang presidente at founder ng Alcantara Corporation. What do you expect?”

Hmp. Ang yabang talaga kahit kailan! Hindi ko na lang siya pinansin.

“Lilinawin ko lang, tayong dalawa lang ang nandito sa penthouse na ‘to. Ngayong disabled ako, hindi ka pwedeng lumapit sakin ng todo at baka pagnasaan mo pa ako.”

“ANO?!” Ang kapal rin ng mukha ng lalaking ‘to! Anong pinagsasabi niyang pagnanasaan ko siya?! Over ah!

Lumapit siya ng konti sakin sakay ng wheel chair. “Hindi mo nagets? Ang ibig kong sabihin, hindi mo ako pwedeng hawakan unless I say so.”

“Sino namang magnanasang hawakan ka?? Tingnan mo nga yang itsura mo. Ang payatot mo kaya!”

“Aba malay ko ba kung na-inlove ka na sa kagwapuhan ko.”

Oh. My. Goodness. Nakakaloka na talaga siya! “Alam mo, ‘wag kang feeling. I’m not interested in you at all! At isa pa, alam mo ba kung gaano kasama yung ugali mo? You’re childish, ill-tempered, rude, boastful, and insensitive. Lahat na yata ng masasamang trait sa mundo nasa’yo! You are so not my type.” Tiningnan ko siya sa mata. “Kahit kailan, hindi ako magkakagusto sa’yo!”

He gave me a smirk. “Perfect. Hindi ko na rin kailangang itago sa’yo kung anong klaseng babae ka. Stupid, slowpoke, mushy, annoying and all. I swear, unless I get possessed by some evil spirit, I would never like you as well!”

“Aren’t you already possessed?” I said sarcastically.

“Pshh. You know what? Stop this nonsense and do your job! Ang daming kalat sa kusina. Pakilinis.” Tinitigan ko lang siya. “O, ano pang hinihintay mo?? Kilos na!”

Pagkatapos kong maglinis ng kusina, pinalinis niya rin sakin yung dining room pati living room. Ilang oras din akong naglinis. Nung natapos ko na lahat, akala ko yun na yun, meron pa pala! Pati kwarto niya pinapalinis niya sakin. Aba, grabe naman!

“Teka nga! Akala ko ba nandito ako para alagaan ka?? Eh ginagawa mo lang akong tagalinis ng unit mo eh!”

“Nagrereklamo ka? Diba kahit anong iutos ng master, gagawin ng angel?” Haayy. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong nasabi. Tama naman kasi siya. Ginagawa ko ‘to dahil sa lecheng exchange coupon na yun.

Lumipas ang isang buong araw ng paninilbihan ko kay Daniel na puro paglilinis lang yung ginawa ko. Nakakapagod, grabe! Hindi ko alam kung anong oras ako pwedeng umalis dito. Nung pababa na ako galing sa kwarto ni Daniel, nakita ko siyang paakyat naman. Parang hirap umakyat sa hagdanan. Nasa kaliwa kasi yung handrail tapos yung injury niya, nasa right ankle. Kasi naman, bakit kailangang may semi-second floor pa dito sa penthouse eh ang laki laki na naman na nito.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon