Ngayon ang first monthsary namin ni Seth. Naisipan naming manood ng movie sa Rockwell para mag-celebrate. Meron kasi kaming matagal nang inaabangan na movie and we think today’s the best time to watch it.
Pagdating sa Rockwell, naghanap muna kami ng makakainan. Last full show naman yung panonoorin namin kaya may time pa. Pumasok kami sa loob ng isang restaurant at nagulat kami pareho sa nakita namin. Nandun sina Dj at Barbie.
“Kath!” Sigaw sakin ni Barbie nung nakita niya kaming pumasok.
Lumapit kami sa kanila at nagbatian.
“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Barbie.
“Kakain lang sana kami ni Seth bago manood ng movie.”
“Talaga? Kami rin ni Deej manonood ng movie eh.”
Wow. ‘Deej’ ang tawag niya kay Dj. Tingnan mo nga naman how crazy life can be. Hahaha.
“Why don’t you join us for dinner?” Alok niya.
“Are you sure? Baka makaistorbo lang kami.”
“Oo nga. You two might need some private time.” Sabi ni Seth. I’m sure he means WE might need some private time.
“No, it’s okay. Diba, Deej?”
Tumango lang si Dj. We had no choice, mapilit si Barbie eh. We sat down with them and ordered food.
“What’s the occassion? Bakit kayo manonood ng movie? Wala lang?” Asked Barbie.
“Today’s our first monthsary.”
“Talaga? Wow, that’s nice! Congratulations.” -Barbie
I smiled. “Thanks.”
“Kami rin ni Deej, we’ve been going out na for a while.” -Barbie
Barbie’s a bit more talkative today than usual. Dahil na rin siguro sa excitement sa kanila ni Dj. I must admit, medyo nagseselos ako sa kanilang dalawa.
“P’re, kailan pa natanggal yung cast mo?” Tanong ni Seth kay Dj.
Oo nga noh. Ngayon ko lang na-realize na wala na pala yung cast ni Dj. Hindi na siya naka-wheel chair.
“Nung Wednesday lang. Kaya ako absent kahapon kasi kailangan ko munang i-practice yung paglalakad ko. Ayun, okay naman na ngayon.” -Dj
“Buti naman. Good bye wheel chair na sa wakas!” -Seth
“Oo nga eh. Pwede nang tumakbo ulit.” -Dj
Napatingin kaming lahat sa kanya.
“Joke lang.” Biglang bawi ni Dj. “Tara kain na tayo.”
Turns out we’ll be watching the same movie at the same cinema at the same time. Talk about fate. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba kami ng tadhana or what. Magkakatabi kaming nanood ng movie. Ako-Seth-Dj-Barbie. Buti na lang hindi kami magkatabi ni Dj para hindi masyadong awkward.
Naghiwalay na kami pagkatapos ng movie. Hinintay pa kasi nila yung driver ni Dj kaya nauna na kaming umuwi ni Seth. Hinatid niya ako kina Julia tapos nagpaalam na rin.
Hindi ko masyadong na-enjoy yung date namin ni Seth dahil sa nangyari. Sana hindi na lang namin nakita sina Dj at Barbie para wala na akong ibang inisip kundi kami lang ni Seth. Haaay. Na-feel naman ni Seth na hindi ako natuwa sa nangyari kaya sabi niya babawi raw siya. Ang sweet niya talaga forever <3
BINABASA MO ANG
I'm BATMAN's Property
FanfictionDahil sa 'di inaasahang pangyayari, na-involve si Kathryn Maralit sa isang gang na pinamumunuan ni Daniel Alcantara. Mula noon, puro kamalasan na lang ang naranasan niya. Pero teka.. malas nga ba talaga?