Chapter 13

3.1K 51 25
                                    

“Kathryn?”

Inangat ko yung ulo ko para makita yung taong nagligtas sakin.

“Kathryn, anong nangyari sa’yo?!”

Si Enrique. Tama. Hindi ako nagkakamali. Boses nga yun ni Enrique.

Nilapitan niya ako agad pagkapasok niya ng storage room. Malapit lang naman ako sa pintuan kaya mabilis niya akong napuntahan.

“Anong ginagawa mo dito?? Bakit nakatali yung kamay mo??”Nag-aalala niyang tanong habang tinatanggal yung tali sa kamay ko. Wala akong nasabi. Masyado akong natuwa na sa wakas, makakalabas na ako sa kwartong yun.

“Uy, Kathryn, sumagot ka! Sinong may gawa nito?!” Naramdaman ko yung galit sa boses ni Enrique.

“Si Julia.”

“Ano?! Siya na naman?? Hindi ka ba talaga titigilan ng babaeng yun?! Sumusobra na siya ah!”

Natanggal na yung tali sa kamay ko. Dahan-dahan kong ginalaw yung mga braso ko. “Hangga’t nakikita niya akong kasama si Daniel, hindi niya yata talaga ako titigilan.”

“Alam ba ni Daniel ‘to? Bakit niya hinahayaan si Julia na gawin ‘to? Diba magkaibigan sila??”

“Hindi ko alam.” Hindi ko naman talaga alam. Hindi ko alam kung parte ba ‘to ng plano ni Daniel Alcantara na sirain ang buhay ko. Haaay. Wala na. Hindi ko na talaga alam.

“Hindi ako papayag na ginaganito ka! Kakausapin ko sila.” Madiin na sinabi ni Enrique sakin.

“Enrique ‘wag na. Ayokong madamay ka pa sa gulo ko.”

“Pero pano ka?” Hinawakan niya yung mukha ko. “Hindi ko naman hahayaang nagkakaganyan ka dahil sa kanila.” Naramdaman ko yung concern ni Enrique. Dahil dun, gumaan yung pakiramdam ko.

“Ako nang bahala. Kaya ko ‘to.” Sabi ko sa kanya.

“Basta lagi mong tatandaan, nandito lang ako para sa’yo.” Sabi niya. “Hindi kita iiwan.” Bigla niya akong niyakap. Ito na naman yung yakap ni Enrique. Ang comforting talaga. Pakiramdam ko safe na ako agad dahil nandito siya sa tabi ko.

Tinulungan niya akong makatayo. Nag-ayos ako ng sarili tapos lumabas na kami sa storage room.

“Pano ka nga pala napadpad dito?” Tanong ko sa kanya.

“May kukunin dapat ako sa storage room.”

“Grabe. Buti na lang dumating ka. Kung hindi, ewan ko na lang kung anong nangyari sakin sa loob.” Natatakot kong sinabi. Hindi ko ma-imagine yung mangyayari sakin kapag ganun. Takot pa naman ako sa dilim.

“Oo nga eh. Buti na lang talaga! Pinaglapit tayo ng tadhana.” Sabi niya sakin sabay ngiti.

Haaay. Ano ba ‘tong si Enrique! Palagi na lang akong pinapakilig. Hihi.

Pag-uwi ko samin, nag-charge ako agad ng phone. Na-empty batt pala dahil sa kakatawag sakin. Pag-check ko, may 9 missed calls. Lahat galing kay Daniel. Meron ding 18 unread messages. 14 yung galing sa kanya, 2 kay Enrique, at 2 rin kay Bea.

Binasa ko muna yung kina Enrique at Bea. Nagtanong lang sila pareho kung nasaan ako tapos si Bea nagpaalam na mauuna na siyang umuwi. Nung binasa ko na yung kay Daniel, nagulat ako sa mga text niya sakin..

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon