Daniel’s POV
“Masyado ka kasing naging busy sa training kaya napapabayaan mo na si Kathryn eh.”
Itong si Seth, bigla bigla na lang isisingit si Kathryn sa usapan. Hindi ko pa maintindihan yung sinasabi niya.
“Anong pinagsasabi mo?”
“Hindi mo ba alam? May freshman daw na pumuporma kay Kathryn. Ilang araw nang nangungulit sa kanya yung lalaki.”
Nagulat ako sa sinabi ni Seth. May nangahas agawin si Kathryn sakin? Totoo ba yung sinasabi niya??
“San mo naman napulot yan?”
“Dj, alam na yun ng lahat ng tao. Bali-balita kaya sa buong campus.”
“Bakit walang nagsabi sakin?!”
“Eh hindi ka naman nakikinig. Ilang beses ko nang sinabi sa’yo na bigyan mo ng oras si Kathryn. Anong sagot mo? ‘Nagkikita naman kami sa condo araw-araw.’ Puro ka kasi training. Baka ma-beat mo na nga yung record ko sa kaka-training mo eh.”
Uminit yung dugo ko dahil sa nalaman ko. Sinubukan ko agad tawagan si Kathryn pero hindi siya sumasagot. Sa sobrang inis ko, hinanap ko si Bea para malaman kung nasaan si Kathryn.
Nakita ko si Bea sa Elden, kasama si Julia. School paper stuff siguro. Pinuntahan ko agad sila at diniretso ko na si Bea.
“Nasan si Kathryn?” Tanong ko sa kanya.
“Pumunta siya sa Reedley High.” -Bea
“Reedley High??” Gulat na tanong ni Julia.
Kahit ako nagulat. Anong ginagawa ni Kathryn sa Reedley High? Alam ba niyang dun kami nag-highschool?
“Bakit siya pumunta dun?”
“Dun nag-aaral yung lalaking nanggugulo sa kanya.” -Bea
“So nakikipagkita na siya ngayon sa ibang lalaki?” Nang-aasar na sinabi ni Julia.
“Hindi yun! May nalaman lang kasi siya tungkol dun sa lalaki kaya iniimbestigahan niya.” -Bea
“At pumunta siya mag-isa?? Sino ba kasi yung lalaking yun?!”
“Carl yung pakilala niya samin eh. Hindi namin alam yung full name niya pero sa pagkakatanda ko, Carlito ang first name niya.” -Bea
“Carlito?? Diba si Jc yun?!” -Julia
“Kilala niyo siya?” -Bea
“Eh kapatid yun ni Dj eh!” -Julia
“Kapatid mo si Carl?!” Gulat na tanong ni Bea.
Mukhang lahat kami nagugulat sa mga pangyayari.
“Teka, naguguluhan ako.” Sabi ni Bea. “Yung lalaking nagpanggap na freshman student dito na nagpumilit mapalapit kay Kath at yung kapatid mo, iisa??”
“Pumunta si Jc dito?!” -Julia
Nagsimula na akong maglakad palayo.
“Dj! San ka pupunta?” -Julia
“Kailangan kong puntahan si Kathryn.”
Nagmamadali akong pumunta sa Reedley High. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Jc. Kung bakit siya pumunta sa school namin at kung bakit siya nanggugulo kay Kathryn.
BINABASA MO ANG
I'm BATMAN's Property
FanfictionDahil sa 'di inaasahang pangyayari, na-involve si Kathryn Maralit sa isang gang na pinamumunuan ni Daniel Alcantara. Mula noon, puro kamalasan na lang ang naranasan niya. Pero teka.. malas nga ba talaga?