Kinabukasan, pagkatapos ng lahat ng klase ko, tinawagan ako ni Julia. Nakipagkita siya sakin sa isang restaurant malapit sa campus. Kailangan daw namin mag-usap.
Pagdating dun, nakita ko siyang naghihintay sa isang table. Lumapit ako dun at umupo sa harap niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako kailangan dito kaya hinintay ko na lang siyang mauna magsalita.
“Sana mapatawad mo si Kats. Alam kong hindi basta basta yung ginawa niya pero sana mapatawad mo pa rin siya. At kung may dapat kang sisihin, ako yun.” -Julia
Ngayon ko lang nakausap ng ganito kaseryoso si Julia. Yung walang halong pagbabanta o pananakot. Talagang nakikipag-usap siya sakin ng maayos. Hindi nga lang siya makatingin sa mga mata ko.
“Wala naman akong sinisisi sa nangyari. Naiintindihan ko naman kung bakit yun nagawa ni Katsumi.”
“Bakit ka ba ganyan? Parang hindi mo magawang magalit sa isang tao.” Naiinis niyang sinabi sakin.
“Nakakapagod kasi yun eh. Yung magalit.”
“Tama ka. Nakakapagod nga yun. All this time, lagi na lang akong may kinagagalitan. Pero lagi rin akong may minamahal.” Sabi niya habang nakatingin sa table.
Kahit hindi siya directly nakatingin sakin, ramdam ko yung lungkot sa mga mata niya.
Maya-maya, bigla niyang tinanggal yung scarf na nakapalibot sa leeg niya tapos doon ko lang napansin na may nagbago sa kanya. Yung dating mahaba at kulot niyang buhok, maiksi at tuwid na ngayon.
“Julia.. nagpagupit ka.”
“Five years, Kathryn. It’s been five years.”
Unti-unting namumuo yung luha sa mga mata niya.
“Limang taon ko nang minamahal si Dj. At mamahalin ko pa rin siya for the next five years, and another five years.. and another. I know in my heart that I will always love him. Pero mamahalin ko na siya ng tama.”
Dahil sa sinabi niya, hindi ko napigilang maluha. Naramdaman ko yung sakit ng pinagdadaanan niya. Sa totoo lang, nanliit ako sa feelings niya. Ganun niya kamahal si Dj. Pakiramdam ko tuloy walang wala yung feelings ko for Dj compared to hers.
Napatayo siya nung nakita niyang may pumatak na luha mula sa mata ko.
“Bakit ikaw yung umiiyak?! Sobrang loser ko na ba kaya naaawa ka sakin??” -Julia
“H-hindi. Hindi yun! Natuwa lang ako sa sinabi mo.”
“Anong nakakatuwa dun?! Hiyang hiya na nga ako sa sarili ko eh! I can’t believe I’m crying in public.”
Inabutan ko siya ng tissue para mapunasan niya yung luha niya.
“Nakakainis ka. Kapag nalaman ‘to ng kahit na sino, you’re dead!” -Julia
“Wala akong pagsasabihan. Promise.” Sinabi ko sa kanya sabay ngiti.
‘Di nagtagal, bumalik na ang lahat sa dati na parang walang nangyari. Nag-sorry si Katsumi sa aming dalawa ni Dj at nagkaayos na kaming lahat.
Isang araw, habang papunta akong Elden para i-meet si Bea, bigla akong tinawagan ni Seth.
“Hello?”
“Hello, Kathryn? Nasan ka?” Tanong niya.
“Nasa school pa. Bakit?”
BINABASA MO ANG
I'm BATMAN's Property
FanfictionDahil sa 'di inaasahang pangyayari, na-involve si Kathryn Maralit sa isang gang na pinamumunuan ni Daniel Alcantara. Mula noon, puro kamalasan na lang ang naranasan niya. Pero teka.. malas nga ba talaga?