Chapter 27

2.8K 49 19
                                    

“Kathryn.”

Narinig ko yung boses ni Seth. Nagulat ako dahil hindi ko namalayan na halos nasa tabi ko na pala siya. Agad kong pinunasan yung mga mata ko na kanina lang ay puno ng luha.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong niya.

Umiling lang ako. Sa sakit ng nararamdaman ko, hindi ko na magawang sagutin pa yung tanong niya.

Nagulat ako kasi bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay tapos hinila palayo sa kinatatayuan ko.

“Teka, Seth! San tayo pupunta??”

“Basta sumama ka na lang.” Nakangiti niyang sinabi sakin.

Tumigil kami sa likod ng Rada. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na ‘to at nagulat ako sa nakita ko.

Nasa loob kami ng isang conservatory. Sobrang ganda dahil sa glass walls. Pati yung bubong made of glass. Punong-puno ng halaman sa paligid tapos may isang malaking fountain sa gitna. Nabighani ako sa kagandahan nung fountain pati nung paligid ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar sa loob ng campus. I was practically speechless.

“Ano, ayos ba?” Tanong ni Seth habang ako, patuloy pa rin sa pagmasid sa paligid.

Tumango lang ako.

“Ngayon ka lang nakarating dito noh?” -Seth

“Oo.” Sabi ko. “Grabe, ang ganda!”

“Ito ang pinakapaborito kong lugar sa campus.” Masayang sinabi ni Seth.

Hindi na ako nagtaka kasi ang ganda naman talaga dito.

“Ewan ko nga kung alam nina Dj yung tungkol sa lugar na ‘to eh. Pero ako lang kasi yung mahilig sa ganitong klaseng ambiance. Yung tahimik tapos puro green sa paligid. Ang sarap sa pakiramdam diba?”

Tumingin ako kay Seth tapos napangiti na lang ako. Hindi ko akalaing ganito si Seth. Hahaha! Sa totoo lang, nakakatuwa siya.

“Oh ayan! Sa wakas, ngumiti ka na rin! Sabi sa’yo okay dito eh.” Natawa kami pareho.

Hinila ako ni Seth papunta sa gitna ng conservatory. Dun sa may fountain.

“Alam mo ba kung ano yan?” Tanong niya sakin.

Umiling ako.

“Ang tawag nila diyan, Fountain of Tears.”

“Fountain of Tears? Bakit?” Nagtataka kong tanong.

“Kasi kapag daw pumatak yung luha mo diyan, mapapalitan yun ng saya. Kaya kung ako sa’yo, kung iiyak ka lang rin, diyan mo na ibuhos lahat. Para sulit diba?”

Natawa na naman ako sa sinabi niya. Loko-loko talaga ‘tong si Seth. Pero kahit na ganun, napagaan niya yung pakiramdam ko.

Maya-maya, umupo kami sa isang bench sa may gilid. Tahimik lang kami pareho hanggang sa ako naman ang nagsimula ng conversation.

“Seth.”

“Mm?”

“Salamat.”

“Para saan?”

“Sa pagdala sakin dito. Pinagaan mo yung pakiramdam ko.”

“Wala yun. Nag-alala lang ako sa’yo. Yung itsura mo kasi kanina, para kang namatayan. Haha!” Nagbibiro na naman siya. Nakakatuwa talaga.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon