Chapter 22

2.8K 43 10
                                    

Daniel’s POV

Pagkasara ko ng pintuan, diretso upo ako sa kama. Hindi ko alam kung bakit pero nagagalit talaga ako. Nag-iba yung pakiramdam ko kanina nung makita kong hawak ni Katsumi yung kamay ni Kathryn. Para akong nakaramdam ng sakit sa dibdib na ewan. Hindi naman sa nagseselos ako pero ayaw ko lang talaga yung pinagmumukha akong tanga. Lalo na sa mga kaibigan ko.

Humiga ako sa kama. Ang tagal kong nakatingin lang sa kisame. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Kathryn. Hindi mawala sa utak ko yung reaksyon niya kanina nung sinigawan ko siya. Para kasing naiiyak na siya eh. Hindi talaga ako sanay makakita ng babaeng umiiyak. Ayokong nagpapaiyak ng babae. Sa katunayan, galit ako sa mga nagpapaiyak ng babae.

Kaya galit ako sa daddy ko. Nakita ko kasing pinaiyak niya si Mommy. Pinaiyak niya si Mommy kaya kami iniwan. Wala siyang kwentang asawa. At kahit kailan, hinding hindi ako magiging katulad niya.

Umalis ako ng kwarto para i-check si Kathryn. Para matahimik na rin yung kalooban ko at para makatulog na ako.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa. Mukhang hindi na siya matutulog sa kwarto ko ngayon. Sino ba namang mag-aastang matulog pa sa kwarto ko pagkatapos ng ginawa ko kanina?

Pumasok ulit ako sa kwarto ko para kumuha ng kumot. Nilagay ko yung kumot sa katawan ni Kathryn para hindi siya malamigan at para kahit papano, maging kumportable yung pagtulong niya sa sofa. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Mas maganda pala siya kapag natutulog. Mas nagiging maamo yung mukha niya. Para siyang isang anghel na nagmula sa langit.

Isang anghel na dumating para sirain ang buhay demonyo ko.

Pagkagising ko kinabukasan, may nakahanda nang pagkain sa breakfast table.

“Good morning.” Sabi ni Kathryn na nakatayo sa may counter.

“Ikaw nagluto nito?” Turo ko sa ham and egg na nasa plato.

“Oo. Prito lang naman yan eh.”

“Ayos ah.” Ang sweet naman. Pinagluto pa niya ako ng pagkain.

“Dj.. sorry nga pala kagabi ah.” Mahina niyang sinabi.

“Wala yun. ‘Wag na nating pag-usapan.” Iwas ko sa topic. “Tara na, kumain na tayo.”

“Sabay ba tayong papasok ngayon?” Tanong niya.

“Hindi ako papasok.”

“Bakit?”

“Tinatamad ako eh.”

Wala na siyang nasabi at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, nag-volunteer na akong magligpit ng pinagkainan.

“Ako na dito. Mag-prepare ka na for school.”

Nginitian niya ako at pumasok na sa kwarto ko para kumuha ng damit. Maya-maya, pumasok na siya sa CR sa may kusina para maligo. Ganito kami halos araw-araw. Kakain ng breakfast, maliligo, tapos sabay na papasok sa school. Maliban nga lang ngayon kasi absent ako.

Nakasanayan ko na yung ganitong magkasama kami araw-araw. Kahit sa school magkasama pa rin kami kasi hindi naman alam ng mga tao dun na sa iisang unit lang kami nakatira. Yung P5 lang ang nakakaalam pati na rin sina Julia, Bea, at Barbie.

Hindi ko alam kung kailan ako mapapagod sa larong ‘to. Pero ang alam ko, sa ngayon, nag-eenjoy ako.

Kathryn’s POV

Hindi na naman pumasok si Dj ngayon. Napapadalas na yung pag-absent niya sa school. Nakakainis nga eh. Purket anak siya ng presidente, pwede na niyang gawin yun? Alam kaya ni President Alcantara yung mga pinaggagagawa niya?

Nag-aalala na ako para sa kanya. Hindi niya dapat pinapabayaan yung pag-aaral niya. Wala naman siyang pinagkakaabalahan sa condo eh. Sinasayang lang niya yung oras niya sa mga walang kwentang bagay. Haaaay. Ang sakit mo talaga sa bangs kong non-existent, ikaw Batman ka!

Pagkalipas ng isang linggo, pumasok na rin si Dj sa wakas. Nagulat na lang ako nang maabutan ko siya sa tambayan na mag-isa. Napagod na rin kasi ako sa kakatanong sa kanya kada umaga kung papasok ba siya o hindi kaya hinayaan ko na lang.

Pagpunta ko sa tambayan para kumuha ng gamit, nakita ko siya dun.

“Oh, buti naman at naisipan mong pumasok.” Sabi ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Sa halip ay pinaglaruan lang niya yung rubix cube sa coffee table.

“Puro ka na lang absent. Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo, ha?”

“Nandito na nga ako diba?! Tsaka ano bang pakialam mo??” Hmp. Mukhang bad mood na naman siya ngayon.

“Nag-aalala lang naman ako sa’yo. Isang linggo ka kayang hindi pumasok. Ang dami mo nang na-miss na lessons.”

“Bakit ka ba nangingialam, ha?!” Binato niya yung rubix cube na hawak niya kanina tapos tumingin siya sakin. “Kung makaasta ka akala mo girlfriend kita ah!” Nasaktan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, hindi naman totoong kami.

“Baka nakakalimutan mo.. HINDI KITA GIRLFRIEND. Nagpapanggap ka lang!” Sigaw niya sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako sa sunod kong narinig..

“Tama ba yung narinig ko, Dj? Nagpapanggap lang si Kathryn bilang girlfriend mo??” -Julia

Nakita ko sina Julia, Seth, at Lester sa may pintuan ng tambayan. Bigla kaming natahimik ni Dj. Hindi namin alam kung anong isasagot sa tanong ni Julia.

“Nagsinungaling kayo samin?” Tanong ni Lester.

“Walang kinalaman si Kath dito. Ako lang ang may gusto nito.”

“Kahit na p’re. Pinagmukha niyo pa rin kaming tanga!” Naiinis na sinabi ni Seth.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya tumakbo na lang ako palabas ng tambayan. Hindi ko sila kayang harapin. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Nahihiya ako sa sarili ko at sa ginawa kong pagpapanggap. Tama si Seth. Niloko namin sila. Pinagmukha namin silang tanga.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa rooftop ng Andrade. Nandito na naman ako. Dito sa lugar kung saan ako nagmukmok nung nainis ako kay Dj. Nung pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao dahil akala ko siya yung nagkalat ng sulat ko para kay Enrique.

Si Enrique. Ngayon ko lang ulit naisip si Enrique.

Dito niya ako unang niyakap. Dito mismo sa kinatatayuan ko ngayon sa rooftop. Kamusta na kaya siya? Nasaan na kaya siya? Sobrang tagal na niyang hindi nagpaparamdam sakin. Nawala na lang siya sa buhay ko na parang bula. Ang sakit nun. Pero nalagpasan ko yung sakit na yun dahil kay Dj. Dahil sa larong pareho naming ginawa.

Sa huli, nasaktan lang tuloy yung mga tao sa paligid namin. Yung mga taong importante sa amin. Paano kaya kapag nakarating ‘to nina Bea at Barbie? Mapapatawad pa kaya nila ako kapag nalaman nilang ang laki ng pagsisinungaling na ginawa ko sa kanila?

Haaay. Hindi ko na napigilang umiyak. Ilang beses na yata akong umiyak dahil sa Batman na yun! Nakakainis. Sa totoo lang, hindi ko inisip na darating din yung araw na ‘to. Na malalaman ng lahat yung pagpapanggap ko bilang girlfriend ni Dj.

Hindi ko inisip kasi ayoko sanang matapos. Ayokong matapos ng ganito lang.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon