Hindi ko alam kung may sumpa ba ako o kung ano pero buong buhay ko, lagi lang akong pumapangalawa.
Sa labing walong anak ng hari, ako ang ikalawa.
Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ako ang kinilalang tagapagmana pero alam kong ganun padin ang sitwasyon ako man ang panganay dahil isa akong prinsesa.
Sa mundong ito, pumapangalawa lang ang kababaihan.
Sa aming magkakapatid, dalawa lang ang prinsesa. Ako at si Amara.
Mas matanda ako ng isang taon pero tulad sa maraming bagay, pumapangalawa lang ako sa kaniya.
Inaasahan ang mga prinsesa na matuto at maging magaling sa pagpinta, pagkanta, pagawit, at kung ano ano pang sining na sumisigaw ng salitang 'elegante'.
Sa kasamaang palad, hindi ako pinagpala ng talento sa mga ganoong bagay.
Kabaliktaran ni Amara na kinagigiliwan ng lahat dahil sa pagkamayumi at pagiging talentado sa lahat ng bagay.
"Napakaganda ng pinta mo Amara"
Napalingon ako sa direksyon ni Amara nang marinig ko ang komento ni Selene. Sa pagkakataong iyon ay napadaan din ang tingin ko sa lona na pinagpipintahan ni Amara. (TL: Lona = canvas)
'Maganda nga'
Bulong ko bago ibinaling ang tingin sa gawa ko.
Napabuntong hininga nalang ako. Ang gusto kong ipinta ay isang bulaklak pero nagmuka itong pato.
Maging ako, hindi ko alam kung paano ko ngawa iyon.
Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang mahinang pagtatawanan at doon nakita ko ang ibang mga dalagang maharlika na napapalingon sa gawa ko.
Sanay na ako sa mga ganong reaksyon sa tuwing may ganitong pagtitipon kaya hindi ko nalang iyon pinansin. Tumayo ako at ipinasa sa mga husgado ang obra maestra kong walang katulad.
Ngayon ang ika dalawang daan at siyam na anibersaryo ng pagkakatatag ng kaharian. Kultura na ng kaharian na magsagawa ng malaking kasiyahan na siyang kinagaganapan ng mga pagtatanghal at paligsahan tulad nalang ng kaganapan ngayon.
Hindi sapilitan ang pagsali sa mga paligsahan maliban nalang kung isa kang royale.
Isang kahihiyan sa isang royale ang hindi sumali sa mga ganitong paligsahan dahil para narin niyang sinabing hindi siya marunong kahit na nasa palasyon ang pinaka magagaling na tagapagturo.
Masamang palad pero higit na malupit ang epekto ng hindi pagsali kung isa kang prinsesa.
Sa kahariang ito, ang halaga lang ng mga babae ay ipagkasundo sa kasal. Para bang isang alahas na sinasanla kapalit ng kayamanan.
At sino bang magnanais sa isang alahas na hindi kumikinang?
Kung talentado ka sa sining, magaling kumanta, magpinta, o tumugtog ng musika, mas magniningning ka sa gitna ng iba pang alahas na naghahanap ng magmamay ari. Kung maningning ka, nanaisin at hahangaan ka ng iba.
Sa kabaliktaran naman noon ay ituturing kang parang isang pekeng alahas. walang kwenta at walang halaga.
"Nakakahanga ang katapangan mo prinsesa Amita. Bulaklak ang tema pero hindi ka natakot na magpinta ng pato" Hindi ko mapigilang mapairap nang marinig ko ang boses ni tiya Marta.
Siya ang dugong-ina ni Amara at ang paboritong kabit ng hari.
Inalis ko ang masamang ekspresyon sa muka ko bago hinarap si tiya Marta. "Maraming salamat tiya pero hindi ko padin matatapatan ang katapangan mo nang akitin mo ang hari noong isa ka palamang katulong"
BINABASA MO ANG
The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)
Romance***Synopsis*** Hindi ko mapigilan ang paglabas ng buntong hininga ko habang papalapit nang papalapit sa malaking palasyo ang sinasakyan kong karwahe. Iyon ang palasyo ng kaharian ng Castile. Ang kaharian pinaghaharian ng lalaking papakasalan ko. Si...