A.N. Sorry in advance. Sa phone ko lang ini-type to so expect more typos than usual. Huhu may humiram ng laptop ko >:(
***
Nakakrus ang mga braso ni Alvin sa dibdib niya habang nakasandal sa balkonahe.
Malalim na ang gabi pero tulad ng nakasanayan na niyang gawin nitong mga nakalipas na linggo, dinala siya ng mga paa niya sa silid ni Amita.
Imbes na pumasok sa silid ay nanatili sa balkonahe si Alvin. Ito na ang ikatatlong gabi na ni anino ng prinsesa ay hindi niya nakita.
Iniiwasan niya ba ako?
Napabuntong hininga siya bago malalim na nagisip sa kung ano ang dahilan.
'Manyakis'
Napatigil siya nang maalala ang huli nitong sinabi.
Ayaw niya ba paghinahalikan siya? Bawas bawasan ko na ba?
Agad na napailing si Alvin. Ayaw niya ang ideyang iyon.
Pero napatigil siya ulit. Kung hindi niya gagawin iyon, habang buhay nalang siyang iiwasan ng prinsesa.
Napahawak sa sintido si Alvin dahil sa pagiisip. Napasuklay siya sa kayumanggi niyang buhok bago biglang naglaho sa kinatatayuan.
***
"Sa sobrang pagtitig mo sakin, Asher, kumbinsido na akong may pagnanasa ka talaga sa akin" kumento ni Alvin dahil kanina niya pa ramdan ang titig ni Asher na kasalukuyang nakatambay sa opisina niya.
Kakatapos lang ng huling nasyonal na pagpupulong at naihanda na ang plano.
Dahil napagdesisyunan na si Asher ang mangunguna sa pagmamartsa, pansamantala siyang mananatili sa palasyo hanggang sa araw ng pag-alis tungo sa Dela Cerda.
"Nag-away ba kayo ng prinsesa?"
Napatigil sa pagbanasa ng dokumento si Alvin nang marinig ang tanong ng kaibigan niya.
Ito na ang ika-pitong araw mula nang huli niyang nakita si Amita. Ramdam na naman niya ang unti unting pagkawala ng kontrol ng mahika niya pero sa hindi maipaliwanag na dahila'y hindi niya magawang puntahan siya.
"Hindi... Pero mukang iniiwasan ako ng prinsesa"
Napataas ang kilay ni Asher. Ang Alvin na kilala niya ay walang paki-alam kung iniiwasan siya ng sino man. Ni hindi nga siya apektado sa mga usap usapan tungkol sa kaniya kaya ganon nalang ang pagkainteres ni Asher sa sitwasyon sa pagitan nila Alvin at Amita.
"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo, kamahalan?"
Napaisip si Alvin. Hanggang ngayon hindi parin malinaw sa kaniya kung bakit iniiwasan siya ni Amita.
Napatagilid ang ulo ni Alvin habang malalim na nagiisip. Bahagya siyang sumandal pero kunot nuo siyang napatingin kay Asher nang may mapagtanto.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na ito? Nakipagkita ka ba sa kaniya?"
Alam ni Alvin na hindi umaalis sa hilagang mansyon si Amita kung hindi naman kailangan. Malabo din na ang nagiisang katulong na kasama ni Amita ang nagsabi kay Asher dahil alam ni Alvin ang bawat kilos nito.
Isa lang ang naiisip na dahilan ni Alvin kung bakit tila alam ni Asher ang tungkol sa pagiwas sa kaniya ni Amita. Nagkita sila ng palihim
Lalong napakunot ang nuo ni Alvin nang hindi sumagot si Asher at nginisian lang siya nito.
Kaya niya ba ako iniiwasan?
Hinampas ni Alvin ang lamesa sa harapan niya. Hindi niya namalayan na masyado iyong napalakas dahilan para magkaroon ng bitak sa lamesa.
BINABASA MO ANG
The Second Lead's Fairytale (ON-GOING)
Romance***Synopsis*** Hindi ko mapigilan ang paglabas ng buntong hininga ko habang papalapit nang papalapit sa malaking palasyo ang sinasakyan kong karwahe. Iyon ang palasyo ng kaharian ng Castile. Ang kaharian pinaghaharian ng lalaking papakasalan ko. Si...